Sunday , November 24 2024

News

2 gun runner, todas sa enkuwentro sa Rizal (Pinagbentahan ng armas nagkalat)

dead gun

PATAY sa enkuwentro ang dalawang hinihinalang ‘gun runner’ habang nagkalat ang libo-libong perang pinaniniwalaang pinagbentahan ng armas, nang magkabarilan nitong Miyerkoles ng madaling araw, 28 Oktubre, sa Sitio Kawayan Farm, sa bayan ng Pililla, lalawigan ng Rizal. Kinilala ni P/Maj. Joel Custodio hepe ng pulisya ang isa sa namatay base sa identification card na nakuha sa kaniyang katawan, na si …

Read More »

Sa Catanduanes 3 nawawalang mangingisda natagpuang patay

NATAGPUANG wala nang buhay ang tatlo sa mga mangingisdang naiulat na nawawala sa kasagsagan ng bagyong Quinta, sa dalampasigan ng Barangay Cagdarao, sa bayan ng Panganiban, lalawigan ng Catanduanes, nitong Miyerkoles, 28 Oktubre. Ayon kay Reggie Castro, hepe ng Panganiban Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), natagpuan ang mga katawan nina Francis Bañez, 47; Dante Potenciano, 43; at …

Read More »

2 tulak timbog sa P.6-M shabu

shabu

BAGSAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng droga matapos makuhaan ng mahigit sa P.6 milyong halaga ng shabu makaraang masakote sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na sina Michael Manalaysay, 41 anyos, residente sa M. Domingo St.. Barangay Tangos North …

Read More »

Sa Pasay City 150 katao sa public cemetery & crematorium ipinaalala

pasay

PINAALALAHANAN ng Pasay city government ang mga nais dumalaw sa puntod ng kanilang mahal sa buhay na 150 katao lamang ang pinapayang pumasok sa Pasay Public Cemetery and Crematorium. Habang sa Sta. Clara de Montefalco cemetery ay 50 lamang ang maaaring pumasok nang sabay-sabay. Layon nito na mapanatili ang health protocols sa loob ng mga nabanggit na sementeryo. Nagpaalala rin …

Read More »

Parañaque LGU pinuri ng DOH

Parañaque

IKINATUWA ng Department of Health (DOH) ang walang tigil na kampanya ng Parañaque city government sa pagtugon sa CoVid-19 kasunod ng malaking pagbaba ng aktibong kaso ng virus sa lungsod. Ito’y matapos bumagsak sa 94 ang active cases ng CoVid-9 nitong nakalipas na mga araw. Sinabi ni Dr. Corazon L. Flores, hepe ng Metro Manila-Center for Health Development, nagampanan ni …

Read More »

Oplan Bura Tatak inilunsad sa Bilibid

nbp bilibid

INILUNSAD ng Bureau of Corrections (BuCor) ang Oplan Bura Tatak sa maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City. Sabay rin ang ginawang bura tatak sa persons deprived of liberty (PDL) sa iba’t ibang penal colony na nasa ilalim ng Bureau of Corrections. Inupahan ng BuCor ang mga tattoo artist upang tumulong sa Oplan Bura Tatak. Gamit …

Read More »

PNP-CIDG inalerto vs ‘con-artists’ na gumagamit sa DILG

INALERTO ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at mga local government executives laban sa panibagong sindikato ng mga extortionist at con-men. Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, marami silang natatanggap na report mula sa DILG regional at field offices at mga LGUs na nakatanggap sila …

Read More »

‘Cashless transactions’ sa tollgates, ipatutupad sa 1 Disyembre

UPANG bigyan ng mas mahabang panahon para makapagpakabit ng radio frequency identification (RFID) stickers sa kanilang mga sasakyan, iniurong ng Department of Transportation (DOTr) ang implementasyon ng ‘cashless payment’ sa lahat ng expressway sa bansa. Ayon kay DOTr Asst. Sec. Mark Steven Pastor, imbes sa 2 Nobyembre, ay iniatras nila sa 1 Disyembre ang pagpagpapatupad ng cashless transactions sa tollgate …

Read More »

38 katao, mga bata, ‘nalason’ sa Aurora (Sirang gata ng niyog naihalo sa sorbetes)

ISINUGOD ang may 38 katao, kabilang ang ilang mga bata, sa Casiguran District Hospital sa lalawigan ng Aurora matapos magpakita ng mga sintomas ng pagkalason. Ayon sa isang inang si Julie Ann Jandok, nahihilo ang kaniyang anak, nanghihina, namumutla at nagsusuka kaya dinala niya sa pagamutan. Pagdating sa Casiguran District Hospital, nalaman niyang 37 iba pang pasyente ang nagpakita ng …

Read More »

Welder arestado (Pagnanakaw nakunan ng CCTV)

CCTV arrest posas

SA TULONG ng closed circuit television (CCTV) camera, arestado ang isang welder matapos makunan ang ginawa nitong pagpasok at pagnanakaw sa bahay ng kanyang kapitbahay sa Malabon City. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Angela Rejano ang naarestong suspek na si Marcial Demata, 36 anyos, residente sa 2/F ng Bernabela Realty Residence sa Blk 1 Lot 12 Pampano St., Baranagy …

Read More »

Sa pananalasa ng bagyong Quinta: P2.1-B pinsala sa agrikultura ‘State of Calamity’ idineklara sa Oriental Mindoro

DAHIL sa pinsalang dinanas ng lalawigan dahil sa bagyong Quinta, idineklara ng pamahalaan panlalawigan ng Oriental Mindoro ang ‘state of calamity.’ Ayon kay Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor, tinatayang umabot sa P2.1 bilyon ang pinsala sa agrikultura dahil sa bagyo. Naitala rin ng lalawigan ang mahigit sa 5,000 nawasak at 27,000 napinsalang kabahayan. Dagdag ni Dolor, higit sa P20 milyong …

Read More »

SUPORTA NG ARTISTA SA GABRIELA, DUMAGSA (Red-tagging ni Parlade, wa epek)

HINDI nabahala ang mga artista, politiko at personalidad sa walang habas na red-tagging na inilunsad ni Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr., laban kina Angel Locsin, Catriona Gray, at Liza Soberano nitong mga nakalipas na araw dahil sa pagsusulong ng karapatan ng mga kababaihan at kabataan na adbokasiya rin ng militanteng Gabriela Women’s Party. Imbes matakot, bumuhos ang suporta ng mga …

Read More »

Malawakang imbestigasyon vs korupsiyon suportado ng Kamara

SUPORTADO ng Mababang Kapulungan ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng malawakang imbestigasyon kauganay ng korupsiyon sa gobyerno. Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco kasama ni Pangulong Duterte ang Kamara sa tangkang linisin ang pamahalaan laban sa mga tiwaling opisyal. “The House of Representatives fully supports President Rodrigo Duterte’s directive for the conduct of a large-scale investigation …

Read More »

Makabayan bloc, idinepensa ni Velasco vs red-tagging

IPINAGTANGGOL ni House Speaker Lord Allan Velasco ang mga mambabatas mula sa Makabayan bloc laban sa walang habas na red-tagging ni Southern Luzon Command (Solcom) chief at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesman Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr., na naglalagay sa peligro sa buhay ng mga naturang mambabatas. “I am deeply concerned over the continuous …

Read More »

Mega task force vs corruption, ‘clearing house’ ng Duterte allies?

Duterte face mask

MAGSISILBING ‘clearing house’ ng mga kaalyado ng Palasyo ang binuong mega task force kontra korupsiyon upang ilusot sila sa mga asuntong haharapin pagbaba sa puwesto sa 2022. Pangamba ito ng ilang political observers kasunod ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Justice Secretary Menardo Guevarra na pangunahan ang isang mega task force na magsisiyasat sa korupsiyon sa buong pamahalaan na …

Read More »

Pagtaas ng rate ng Quezon Power Mauban, ipinasisiyasat sa DOE, ERC

PINAIIMBESTIGAHAN ng consumers groups sa Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) ang kahina-hinalang pagtaas ng ‘rate’ ng Quezon Power Mauban kompara sa ibang planta ng ‘coal’ o karbon. “This year 2020, Meralco likes to boast that its generation rate had come down from P4.9039 per kwh in January to P4.12 per kwh in August, a 16% reduction,” …

Read More »

‘Tumalon’ sa gusali, Pinay sa Dubai patay

KASALUKUYANG iniimbestigahan ang pagkamatay ng isang Filipina na iniulat na nahulog mula sa ikaanim na palapag ng isang gusali sa Sharjah, Dubai, UAE, nitong Linggo ng madaling araw, 25 Oktubre. Ani Consul General Paul Raymund Cortes, nakikipag-ugnayan na sila sa kaanak at ipinoproseso ang pag-uuwi sa labi ng biktima. Ayon sa mga balita ng lokal na media sa Dubai, nahulog ang …

Read More »

SEGURIDAD SA COTABATO CITY HINIGPTAN (Granada pinasabog sa residential area)

NAGDAGDAG ng checkpoint at nagtalaga ng karagdagang pulis ang Cotabato City Police Station matapos sumabog ang isang granada sa isang residential area sa lungsod ng Cotabato, sa lalawigan ng Maguindanao, noong Lunes ng gabi, 26 Oktubre. Bagaman walang nasaktan sa insidente, nagdulot ito ng takot sa mga residente ng San Pablo Village, sa naturang lungsod. Ani P/Capt. Rustom Pastolero, hepe …

Read More »

LOLA SA QUEZON PATAY HABANG NATUTULOG (Bahay nadaganan ng puno)

BINAWIAN ng buhay ang isang 70-anyos lola matapos madaganan ang kaniyang kubo ng natumbang puno ng niyog sa kasagsagan ng pananalanta ng bagyong Quinta sa bayan ng Mauban, lalawigan ng Quezon, noong Lunes ng tanghali, 26 Oktubre. Kinilala ang biktimang si Gloria Rivas, 70 anyos, residente sa Sitio Munting Ilog, Barangay Cagsiay 3, sa naturang bayan. Si Rivas ang kauna-unahang …

Read More »

P286-M pinsala iniwan ng bagyong Quinta sa Bicol (Sa pananim at impraestruktura)

TINATAYANG hindi bababa sa P286 milyong halaga ng mga pananim at impraestruktura ang napinsala ng bagyong Quinta nang manalasa sa rehiyon ng Bicol simula noong Linggo, 25 Oktubre. Sa ulat kahapon, 27 Oktubre, ng Office of Civil Defense ng Bicol, naitala ang P286,200,000 halaga ng pinsala sa agrikulutura at pangingisda, habang umabot sa P26,000,000 ang pinsalang naitala sa impraestruktura. Ayon …

Read More »

Quinta nanalasa sa Oriental Mindoro

NATUKLAP ang mga bubong, nabuwal ang mga puno at mga poste ng koryente at bumaha sa maraming lugar sa lalawigan ng Oriental Mindoro, nang hagupitin ng malalakas na hangin at matinding pag-ulan dulot ng bagyong Quinta nang mag-landfall nitong Lunes ng umaga, 26 Oktubre. Sa kanilang Facebook post, sinabi ng mga awtoridad ng Oriental Mindoro na nagsasagawa na sila ng …

Read More »