Monday , July 22 2024
Ping Lacson, Monsour del Rosario, Tito Sotto

Monsour may payo: Mag-isip, Lacson-Sotto na!

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PALABAN para sa tambalang Ping Lacson-Tito Sotto sa May 2022 elections ang Olympian at Taekwondo master na si Monsour del Rosario.

Kasama si Monsour sa pag-iikot at online kumustahan ng Lacson-Sotto tandem sa iba’t ibang bahagi ng bansa para magsagawa ng konsultasyon at alamin ang pulso ng bayan sa napakaraming problema ng bansa.

Isa si Monsour  sa mga senatorial candidate ng Partido Reporma. At hindi basta-basta ang background ng dati ring action star na kilala sa kanyang role na ”Buhawi Jack.”

Bukod doon, naging konsehal, vice mayor, at kongresista rin siya ng Makati. Kaya naman hinog na hinog ‘ika nga si Monsour sa maraming karanasan sa public service kaya swak na swak siya sa senatorial slate ng Lacson-Sotto team.

Pero kapag nagtatalumpati siya sa mga tao, ipinaliliwanag niya kung bakit dapat na suportahan at piliin ang Lacson-Sotto tandem bilang susunod na pangulo at bise presidente ng bansa.

Ani Monsour, sina Lacson at Sotto ang may pinakamalawak na karanasan sa public service sa lahat ng mga kandidato sa pagka-pangulo at bise presidente. Kaya naman sure na sure si Monsour na mahahanapan ng Lacson-Sotto tandem ng solusyon ang napakaraming problema ngayon ng bansa.

Babala ni Monsour, kapag nagkamali ang mga tao sa pagpili ng susunod na lider ng bansa, ”Patay tayo nito sa susunod na six years. Lunod na lunod ang Pilipinas [sa dami ng problema].”

Kaya payo niya sa mga tao, mag-isip nang mabuti at sabihin sa mga kaibigan, miyembro ng pamilya at mga kakilala… Lacson-Sotto na!

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Barbie Forteza Herlene Budol Kyline Alcantara Kobe Paras

Barbie patakbong tinulungan si Herlene; Kyline nakaw-eksena sa kasamang escort 

I-FLEXni Jun Nardo HINANGAAN si Barbie Forteza na nakuhanang tumulong kay Herlene Budol nang mahulog ito sa isang bahagi …

blind item

Bagong gay series bokya, ‘hindi kinagat 

HATAWANni Ed de Leon AY sorry, mukhang hindi kinagat ng mga bading iyong isang bagong …

Ana Ramsey Willie Revillame

Ana Ramsey mas may future sa paglipat sa Wil To Win

HATAWANni Ed de Leon SINASABI ng baguhang si Ana Ramsey na masaya siya sa ginawa niyang paglipat …

Sophia Nadia Montenegro Baron Geisler

Baron wala pang pag-amin na anak si Sophia

HATAWANni Ed de Leon HINDI diretsahang inamin ni Baron Geisler na anak nga niya ang bunsong anak …

Isko Moreno

Isko Moreno llamado sa muling pagtakbo sa Maynila

HATAWANni Ed de Leon ANO tatakbo na naman si Isko Moreno bilang mayor ng Maynila sa 2025? …