BINAWIAN ng buhay ang bise alkalde ng bayan ng Mabuhay, lalawigan ng Zamboanga Sibugay, habang sugatan ang dalawang iba pa, sa pamamaril na naganap sa Brgy. Poblacion, sa naturang bayan, nitong Biyernes, 26 Pebrero. Sa paunang ulat mula sa Police Regional Office 9, naganap ang insidente ng pamamaril dakong 3:05 pm. Kinilala ang napaslang na biktimang si Vice Mayor Restituto …
Read More »Notoryus na tulak ng ‘omads’ sa SJDM nasakote
NAGWAKAS ang pamamayagpag ng isang kilabot na tulak ng marijuana sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan nang masakote ng mga awtoridad nitong Sabado, 27 Pebrero. Inilatag ng mga operatiba ng San Jose del Monte City Police Station (CPS) Intel/City Drug Enforcement Unit sa Brgy. Muzon, sa naturang lungsod, ang operasyon upang madakip ang suspek. Sa ulat …
Read More »Scrap collector timbog sa shabu
NABUKO ang 36-anyos scrap collector (magbabakal) na prente ang pagbebenta ng ilegal na droga matapos hulihin ng mga awtoridad sa Makati City, Sabado ng gabi. Kinilala ni Makati City Police Chief P/Col. Harold P. Depositar, ang suspek na si John Lawrence Peña, scrapper, ng Laperal Compound sa Bernardino St., Guadalupe Viejo, Makati City. Hinuli ng pinagsanib na puwersa ng Criminal …
Read More »2 rice mill-warehouse sinalakay sa Bataan P30-M pekeng sigarilyo nasabat
UMABOT sa halos P30-milyong halaga ng mga pekeng sigarilyo at mga makina sa paggawa ng sigarilyo ang nabuking nang salakayin ng mga awtoridad ang dalawang rice mill con warehouse nitong Biyernes, 26 Pebrero, sa bayan ng Orion, lalawigan ng Bataan. Sa pahayag ni PRO3 P/BGen. Valeriano De Leon, ni-raid ng mga kagawad ng 2nd Provincial Mobile Group, Bataan PPO, at …
Read More »Mga paghahanda bago magpabakuna laban sa Covid-19
MANILA — Sa gitna ng pananabik na marating na sa bansa ang mga bakuna kontra CoVid-19, halos lahat ng mga local na pamahalaan (LGUs) ay nakapagsagawa ng kani-kanilang mga paghahanda—kabilang ang mga dry run, vaccination simulation at gayon din ang pag-iimbakan ng mga bakuna—sa sandaling masimulan ang rollout sa susunod na buwan. Ayon sa mga opisyal ng gobyerno, ang mga …
Read More »Pilot testing ng face-to-face classes dapat isagawa bago nationwide
IMINUNGKAHI ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara sa pamahalaan ang pagsasagawa ng pilot testing ng face-to-face classes bago maisagawa ang nationwide face to face dahil patuloy pa rin, mayroong pancdemyang kinahaharap ang bansa. Binigyang-linaw ni Angara na nais na rin niyang magbalik sa eskwela sa pamamagitan ng face-to-face ang mga mag-aaral subalit hindi dapat magpadalos-dalos sa desisyon ang pamahalaan. “Gusto …
Read More »4-anyos anak ng kinakasama binugbog Koreanong amain timbog
Arestado ang isang Korean national sa ginawang pisikal na pananakit sa 4-anyos batang babae anak ng kanyang live-in partner nitong Biyernes, 26 Pebrero, sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga. Ayon kay PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon, pinosasan ng mga nagrespondeng kawani ng ACPO Police Station 2 ang suspek na kinilalang si Hun Kim, 41 anyos, Korean national, naninirahan …
Read More »No plastic bag sa QC simula na
SIMULA ngayong Marso 1, bawal na ang plastik sa QC sa pagsisimula ng ipatutupad na plastic bag ban, personal na namahagi si Quezon City Mayor Joy Belmonte ng mga bayong at ecobag sa mga mamimili sa Galas, Muñoz, Suki, A. Bonifacio, Frisco at Kamuning markets sa lungsod. Si Belmonte kasama si Environmental Protection and Waste Management Department head Andrea Villaroman …
Read More »Digong pupunta sa China para magpasalamat (Sa donasyong 600k doses ng Sinovac vaccine)
GUSTO ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpunta sa China para personal na magpasalamat kay President Xin Jinping sa donasyong 600,000 doses ng Sinovac CoVid-19 vaccine na dumating kahapon sa bansa. “Towards, maybe at the end of the year, when everything has settled down, I intend to make a short visit to China, to just shake hands with President Xi Jinping, …
Read More »Pangulo galit sa US, committed sa China
MAY kasabihan, ang isda ay nahuhuli sa sariling bibig. Sa halos limang taon sa puwesto na ang bukambibig ay galit sa Amerika at papuri sa Beijing, inamin kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na may komitment siya sa China na hindi papayagang gawing imbakan ang Filipinas ng armas nuklear ng Amerika. Muling pinatunayan ni Pangulong Duterte na mas kiling siya sa …
Read More »Duterte, PGH health workers, ayaw magpaturok ng Sinovac
ni ROSE NOVENARIO AYAW magpaturok ni Pangulong Rodrigo Duterte ng CoVid-19 vaccine na gawa ng Sinovac kahit sinalubong pa niya ang 600,000 doses nito mula sa China kahapon. Idinahilan ng Pangulo na batay sa payo ng kanyang doctor, hindi angkop sa kanya ang Sinovac vaccine. “Kami ‘yong mga 70 we have to be careful. Ako naman may doktor ako sarili. …
Read More »Puganteng Chinese nat’l nalambat sa Nueva Ecija (Konektado sa dating shabu lab sa Pampanga)
INARESTO ng mga awtoridad ang isang puganteng Chinese national, na hinihinalang konektado sa isang dating laboratory ng shabu sa lalawigan ng Pampanga, nitong Miyerkoles, 24 Pebrero sa bayan ng San Isidro, lalawigan ng Nueva Ecija. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon ang suspek na kinilalang si Kunsheng Chen, alyas Intsek/Jhony, 45 anyos, Chinese national, negosyante, residente sa Purok …
Read More »Silang-Batangas expressway malapit nang buksan
MALAKING ginhawa sa mga motorista kapag nabuksan ang higit sa 41 km east-west road expressway sa 3rd quarter mula Silang hanggang Batangas ngayong taon 2021. Nagsagawa ng final inspection si Secretary Mark Villar sa portion ng Amadeo section sa Cavite na may tatlong kilometrong bahagi ng 41.67 kms na nakatakdang buksan sa mga motorista sa susunod na buwan. Habang ang …
Read More »Blanket immunity para sa vaccine manufacturers hindi dapat — Drilon
SUPORTADO ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr., sa desisyong ‘wag bigyan ang vaccine manufacturer/s ng blanket immunity sa bawat bakuna ukol sa CoVid -19. Ayon kay Drilon, sapat nang hindi sila maaaring sampahan ng kaso ngunit sa iba pang pananagutan ay hindi ligtas ang vaccine manufacturers. Binigyang-diin ni Drilon, taliwas sa ating Konstitusyon …
Read More »QCPD nagluksa sa pagkamatay ng 2 pulis sa ‘misencounter’
NAGLULUKSA ang Quezon City Police District (QCPD) sa pagkamatay ng dalawang pulis sa naganap na sinabing ‘misencounter’ sa pagitan ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang drug operation sa harap ng Ever Gotesco Mall sa Commonwealth Ave., Quezon City, nitong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang mga napaslang na sina P/Cpl. Lauro de Guzman at P/Cpl. Galvin …
Read More »Duterte sa PNP at PDEA: Huminahon kayo!
NALUNGKOT si Pangulong Rodrigo Duterte sa naganap na enkuwentro ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City kamakalawa. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na iniutos ng Pangulo ang imbestigasyon sa insidente at nagbiling magpakahinahon ang PNP at PDEA habang hinihintay ang resulta ng pagsisiyasat sa insidente. “Unang-una, siya ay …
Read More »Misencounter ng PNP at PDEA iimbestigahan ng senado — Dela Rosa
TINIYAK ni Senador Renato “Bato” dela Rosa na magsasagawa ng imbestigasyon ang senado ukol sa naganap na misencounter sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kamakailan. Ayon kay Dela Rosa, hindi dapat nangyayari ang ganitong kaganapan na nalalagasan ang pamahalaan ng tauhan dahil sa maling pamamaraan at kakulangan ng komunikasyon. Naniniwala si Dela Rosa, …
Read More »Palasyo inutil sa ‘illegal vaccination’
ni ROSE NOVENARIO WALANG silbi ang kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Punong Ehekutibo ng Filipinas dahil hindi niya planong ipatigil ang pagpuslit ng bakuna kontra CoVid-19 at illegal na paggamit nito ng kanyang mga kaalyado at ng Presidential Security Group (PSG). “As far as the PSG is concerned, the President has been clear, there should be no questions anymore …
Read More »Drug peddler dedbol, 2 pang tulak nalambat sa drug ops sa Bulacan
HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang nagbebenta ng droga habang nadakip ang dalawa pang tulak sa magkakasunod na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Martes, 23 Pebrero. Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang napatay na suspek na si Joseph Timblique, alyas Pingping. Nabatid na dakong 6:30 pm kamakalawa, …
Read More »Sen. Go namahagi ng ayuda sa Pulilan, Bulacan
NAGSADYA muli sa lalawigan ng Bulacan si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go nitong Martes, 23 Pebrero, upang mamahagi ng tulong sa 431 benepisaryo na naapektohan ng bagyong Ulysses noong isang taon sa bayan ng Pulilan. Nakatanggap ang bawat benepisaryo ng meals, food packs, gamot, bitamina, facemasks, at face shields. Nakatanggap ang ilan ng computer tablets, sapatos, at mga bisikleta na …
Read More »Police ops vs sugal sa NE 5 STL kolektor, 7 sugarol timbog
ARESTADO ang 12 kataong nasa kasarapan ng pagpipinta ng kanilang mga baraha nang hindi namalayang ang mga inaakalang ‘miron’ sa kanilang likuran ay mga operatibang naglunsad ng raid kontra illegal gambling, nitong Lunes, 22 Pebrero, sa pinagdausang bahay pasugalan sa Mampulog St., Bitas, lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija. Isinakay sa patrol car ng Cabanatuan City Police Station upang …
Read More »LECQ sa 55 barangays sa Pasay City
UMABOT sa 95 households na tinamaan ng coronavirus o CoVid-19 sa 55 bbarangay na isinailalim sa localized enhanced community quaratine nang tumaas ang bilang ng mga nagpositibo sa CoVid-19 sa lungsod ng Pasay. Sinasabing nagkahawaan ang nasa 95 kabahayaan na apektado ng CoVid-19 sa 55 barangays kaya inaalam kung bagong variant ito dahil sa bilis ng transmission. Sa impormasyon ng …
Read More »7 tulak huli sa QC
DINAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang pitong hinihinalang tulak sa Fairview sa magkahiwalay na buy bust operation, iniulat kahapon. Kinilala ni QCPD Director, P/BGen. Danilo Macerin ang unang nadakip na sina Andrea Mae Llaneza, alyas Andeng, 28 anyos; Mary Grace Tugade, 30, kapwa residente sa Caloocan City; Christine Ordanza, 25, nakatira sa Brgy. Balon-Bato, QC, at Rogelio Dela …
Read More »Navotas City hall lockdwon (24 kawani nagpositibo)
ISINAALALIM sa lockdown ang Navotas City Hall matapos magpositibo ang 24 kawani sa CoVid-19, ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit. Ayon kay Mayor Toby Tiangco, kabilang sa naka-lockdown ang Navotas City Hall Annex (kasama ang NavoServe) at Franchising Permits Processing Unit na nagsimula 23 Pebrero, 8:01 pm, hanggang sa Linggo, 28 Pebrero, 11:59 pm. Ibig sabihin, wala munang transaksiyon …
Read More »Hontiveros sa NSC: Security audit sa China-owned Dito telco isagawa agad
HINILING kahapon ni Senadora Risa Hontiveros sa National Security Council (NSC) na agad magsagawa ng security audit sa China-owned Dito Telecommunity Corporation bago ang commercial rollout nito sa 8 Marso 2021. “Hindi pa nareresolba ang mga pangamba natin sa Dito telco. Habang patuloy ang pambu-bully ng Tsina sa West Philippine Sea sa gitna ng pandemya, nag-roll out naman tayo ng …
Read More »