Saturday , March 25 2023

Ping isiniwalat kung paano nilabanan ang tukso ng katiwalian

Mahaba na ang listahan ng mga sitwasyong sumubok sa integridad ni Partido Reporma presidential candidate Ping Lacson pero kabilang sa mga hindi niya malilimutan ang ibinaba niyang kautusan na magpapabaril siya kung masasangkot sa iligal na aktibidad tulad ng ‘jueteng.’

Inilahad ni Lacson ang isang yugto sa kanyang karera bilang pulis nang bumisita siya sa Sta. Cruz, Laguna kamakailan kasama ng running mate niya na si Senate President Tito Sotto at kanilang mga senatorial candidate.

Ayon kay Lacson, bago siya naging hepe ng Philippine National Police ay naging provincial director din siya sa Laguna. At para patunayan ang prinsipyo niya na ‘leadership by example,’ naglabas siya ng direktiba sa kanyang mga tauhan na maaari siyang itali at barilin sa kanilang flagpole.

“Kinausap ko ‘yung aking mga tauhan—mga opisyal, mga sundalo, mga pulis. Sabi ko sa kanila, ganito, lahat tayo hindi pwedeng tumanggap galing sa jueteng. At kapag ako ang inyong provincial director ay nalaman ninyo na tumanggap sa jueteng, nandiyan ‘yung flagpole, itali niyo ako diyan, barilin niyo ako,” hamon ni Lacson.

“Paano ako ngayon matutukso pa para tumanggap sa jueteng? E kung barilin ako ng aking mga pulis, itali ako sa flagpole?” aniya.

Sinabi ni Lacson na umabot sa P1.8 milyon kada buwan ang inalok sa kanya ng mga jueteng lord kapalit ng kanyang pananahimik sa kanilang iligal na sugalan.

“Walang gagawin, just look the other way, huwag manghuli—‘yun lang. Alam niyo, kapag kayo ay nagkuwenta—ang ginagawa ko kasi, hindi ako nagkukuwenta, kasi doon kayo matutukso; P1.8-million, sabihin niyo nang P1-million isang buwan—buwan hindi taon. Kung maka-dalawang taon kayo rito, 24 months, ‘di ba? Aba, kung magkukuwenta kayo, medyo malaki-laki. Baka hindi kayo makatulog sa gabi,” ayon sa presidential candidate.

About hataw tabloid

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Dead body, feet

Bangkay itinapon sa Bulacan
LOLA PINATAY NG SARILING ANAK, KRIMEN NASAKSIHAN NG APO

NATAGPUAN ng isang residente ang bangkay ng isang lola na nakasilid sa isang storage box …

phone text cp

Concert pinasok ng 6 dorobo
31 PARTY-GOERS SINIKWATAN NG CELLPHONE

SUNOD-SUNOD na inaresto ng mga awtoridad ang anim na indibidwal kaugnay ng insidente ng pagnanakaw …

Cyber Security NICA NGCP

PH cyberattack defense mas pinatatag

MAYROON nang mas mahusay na depensa ang Filipinas laban sa mga pag-atake sa mga cybersystem …