ARESTADO ang 12 kataong nasa kasarapan ng pagpipinta ng kanilang mga baraha nang hindi namalayang ang mga inaakalang ‘miron’ sa kanilang likuran ay mga operatibang naglunsad ng raid kontra illegal gambling, nitong Lunes, 22 Pebrero, sa pinagdausang bahay pasugalan sa Mampulog St., Bitas, lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija. Isinakay sa patrol car ng Cabanatuan City Police Station upang …
Read More »LECQ sa 55 barangays sa Pasay City
UMABOT sa 95 households na tinamaan ng coronavirus o CoVid-19 sa 55 bbarangay na isinailalim sa localized enhanced community quaratine nang tumaas ang bilang ng mga nagpositibo sa CoVid-19 sa lungsod ng Pasay. Sinasabing nagkahawaan ang nasa 95 kabahayaan na apektado ng CoVid-19 sa 55 barangays kaya inaalam kung bagong variant ito dahil sa bilis ng transmission. Sa impormasyon ng …
Read More »7 tulak huli sa QC
DINAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang pitong hinihinalang tulak sa Fairview sa magkahiwalay na buy bust operation, iniulat kahapon. Kinilala ni QCPD Director, P/BGen. Danilo Macerin ang unang nadakip na sina Andrea Mae Llaneza, alyas Andeng, 28 anyos; Mary Grace Tugade, 30, kapwa residente sa Caloocan City; Christine Ordanza, 25, nakatira sa Brgy. Balon-Bato, QC, at Rogelio Dela …
Read More »Navotas City hall lockdwon (24 kawani nagpositibo)
ISINAALALIM sa lockdown ang Navotas City Hall matapos magpositibo ang 24 kawani sa CoVid-19, ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit. Ayon kay Mayor Toby Tiangco, kabilang sa naka-lockdown ang Navotas City Hall Annex (kasama ang NavoServe) at Franchising Permits Processing Unit na nagsimula 23 Pebrero, 8:01 pm, hanggang sa Linggo, 28 Pebrero, 11:59 pm. Ibig sabihin, wala munang transaksiyon …
Read More »Hontiveros sa NSC: Security audit sa China-owned Dito telco isagawa agad
HINILING kahapon ni Senadora Risa Hontiveros sa National Security Council (NSC) na agad magsagawa ng security audit sa China-owned Dito Telecommunity Corporation bago ang commercial rollout nito sa 8 Marso 2021. “Hindi pa nareresolba ang mga pangamba natin sa Dito telco. Habang patuloy ang pambu-bully ng Tsina sa West Philippine Sea sa gitna ng pandemya, nag-roll out naman tayo ng …
Read More »NICA, NCRPO pinagpapaliwanag sa sunod-sunod na panghubuli sa mga Muslim
PINAGPAPALIWANAG ni House Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at ang National Capital Region Police Office (NCRPO) patungkol sa sunod-sunod na pag-aresto sa mga Muslim sa Cavite at sa Metro Manila. Ayon kay Hataman nararapat na maimbestigahan ng Kamara ang mga insidente ng paghuli sa mga Muslim. “Epekto na ba ito ng Anti-Terror …
Read More »Nograles ‘gumiling’ sa TikTok para sa CoVid-19 vaccine campaign
MISTULANG ‘bulateng inasinan’ ang isang Palace official sa pagsasayaw sa 20-segundong video na ini-upload sa social networking platform TikTok para i-promote ang CoVid-19 vaccine program ng administrasyong Duterte. Nakangiti at nakanganga si Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases co-chairman Karlo Nograles habang gumigiling ang katawan sa indak ng tugtog sa TikTok habang lumalabas onscreen para …
Read More »Nego ni Duterte sa Sinopharm rep, itinatwa ng Palasyo
WALANG ginawang direktang pakikipagnegosasyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa Sinopharm, ayon sa Palasyo. “He (Duterte) did not deal directly with Sinopharm,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa virtual Palace press briefing kahapon. Ang pahayag ni Roque ay taliwas sa rebelasyon ni special envoy to China Ramon Tulfo na saksi siya nang kausapin ng Pangulo sa kanyang cell phone ang …
Read More »2 pulis patay sa ‘misencounter’ ng PDEA at QCPD sa drug operations
ni ALMAR DANGUILAN DALAWANG pulis ang namatay sa sinabing ‘misencounter’ sa pagitan ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) habang kapwa nagsasagawa ng buy bust operation ang magkabilang tropa sa harap ng isang mall sa Commonwealth, Quezon City, nitong Miyerkoles ng gabi. Habang isinusulat, hindi pa rin ibinibigay ang pagkakakilanlan ng dalawang …
Read More »Suspendidong pulis dinukot sa Maynila
INIIMBESTIGAHAN ng Manila Police District (MPD) ang insidente ng pagdukot sa isang suspendidong pulis sa Sta. Mesa, Maynila. Kinilala ang biktima na si Patrolman Real Lopez Tesoro, 41 anyos, dating nakatalaga sa MPD Station 7 Tayuman PCP, at residente sa Alley St., Brgy. 601 Sta Mesa, Manyila. Sa report, nangyari ang pagdukot 10:05 am sa V. Mapa Extension Brgy. 601 …
Read More »Pinoy health workers ‘barter’ ng bakunang mula sa UK at Germany, aprub sa Palasyo (Nurses group umalma)
WELCOME sa Palasyo ang panukala ng Department of Labor and Employment (DOLE) na gamiting ‘barter’ ng donasyong bakuna kontra CoVid-19 mula sa United Kingdom at Germany ang deployment ng Pinoy health workers sa naturang mga bansa. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bagama’t hindi ideya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deployment ng Pinoy health workers sa UK at Germany …
Read More »Pinoy nurses tao ‘di ‘commodities’ para i-barter sa bakuna (DOLE binatikos ni Drilon)
ni NIÑO ACLAN “BAKIT tayo umabot sa ganito?” Ito ang tahasang tanong ini Senate Minority Leader Franklin M. Drilon sa Department of Labor and Employment (DOLE) kasunod ng pagbatikos sa alok nito sa United Kingdom at Germany na papayagan nilang na magpadala ang bansa ng mga dagdag na Filipino nurses kapalit ng bakuna laban sa CoVid-19. Ang naturang dalawang European …
Read More »Access sa bakuna hindi pantay — Caritas
VATICAN CITY, ROME — Sa kahilingan sa pandaigdigang komunidad na gawing ‘available’ ang bakuna kontra CoVid-19 para sa lahat, nanawagan ang Caritas Internationalis sa mga lider sa buong mundo na isantabi ang kanilang national at political agenda na makinabang sa kanilang pagpuhunan sa pag-develop ng mga bakuna at sa halip ay pagtuunan ang pantay na distribusyon nito, partikular mahihirap na …
Read More »PNP, LGU pinulong ng IATF vs CoVid-19 (Safety protocols pinaigting)
DUMALO sa pagpupulong na pinangungunahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga kawani ng Arayat Municipal Police Station sa pamumuno ng kanilang hepeng si P/Lt. Col. Eduardo Guevarra, lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Emmanuel Alejandrino, DILG, Engineering Department, MDRRMO, Municipal Health Officers, at mga kapitan ng barangay, nitong Lunes, 22 Pebrero, sa Municipal Function Hall, Plazang Luma, sa …
Read More »Chinese national sinagip sa illegal detention (Sa Biñan, Laguna)
INILIGTAS ng pulisya ang isang Chinese national mula sa kapwa Chinese dahil sa ilegal na pagkulong sa kanya sa lungsod ng Biñan, lalawigan ng Laguna, gabi ng Lunes, 22Pebrero. Ayon kay P/Col. Serafin Fortuno Petetalio II, hepe ng Laguna PPO, sinagip ng lokal na Special Weapons and Tactics (SWAT) ang hindi pinangalanang biktima mula sa Las Villas de Manila Subdivision …
Read More »Nawawalang DSWD employee natagpuang patay sa Bulacan
WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng 30-anyos empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na nakasilid sa isang sakong inabandona sa isang talahiban sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, noong Linggo, 21 Pebrero. Kinilala n P/Col. Julius Alvaro, hepe ng SJDM city police, ang labi ng biktimang si Justine Charles Accad III, …
Read More »Tattoo artist timbog sa drug bust sa Benguet State U
NADAKIP ang isang tattoo artist sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa loob ng Benguet State University (BSU) campus sa bayan ng La Trinidad, lalawigan ng Benguet, nitong Lunes, 22 Pebrero. Kinilala ang suspek na si Christian Gray Cuña, alyas Ischan,tubong lungsod ng Calamba, sa lalawigan ng Laguna. Nakuha ng pulisya mula sa suspek ang isang sachet na …
Read More »Tanod sa Quezon timbog sa ‘hot gun’
ARESTADO ang isang barangay tanod sa bayan ng Sariaya, lalawigan ng Quezon dahil sa ilegal na pag-iingat ng baril, nitong Lunes ng gabi, 22 Pebrero. Nasukol ng pulisya ang suspek na kinilalang si Alexander Cabula, 49 anyos, tanod ng Brgy. Bignay I, sa naturang bayan, dahil sa pagdadala ng hindi dokumentadong kalibre .45 pistol dakong 8:30 pm kamakalawa. Nabatid na …
Read More »Ilegal na ‘Run, Sara, Run’ tarpaulin sa Cebu ipinatatanggal
IPINAG-UTOS ng isang opisyal ng lungsod ng Cebu ang pagtatanggal ng mga tarpaulin na ikinabit sa ilang mga kalye at kalsada sa siyudad na nag-uudyok kay Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo bilang pangulo. Ayon kay Florante Catalan, hepe ng Cebu City Office of the Building, walang natanggap ang kanilang opisina na anomang aplikasyong nagpapaalam na magkabit ng streamer …
Read More »6 kriminal patay, 255 arestado sa week-long SACLEO (Ikinasa sa Bulacan)
NAGRESULTA sa pagkamatay ng anim na suspek at pagkakadakip ng 255 indibidwal ang isang linggong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Bulacan PNP mula 15-21 Pebrero sa lalawigan. Sa pahayag ni Bulacan police director P/Col. Lawrence Cajipe, ang 166 pinagsamang operasyon ng 21 municipal at tatlong city police stations kabilang ang Bulacan 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company …
Read More »3 pulis, arestado (Killer ng Koreano)
NADAKIP ang tatlo sa walong pulis na sangkot sa kasong pagpatay sa isang Korean national noong 15 Pebrero 2021 sa Valenzuela City. Kinilala ang mga suspek na sina P/Cpl. Darwin Castillo, na naaresto sa Quarantine Control Point (QCP) sa Baywalk, Roxas Blvd., dakong 2:00 pm, habang si P/SSgt. Carl Legaspi ay sa Mendiola San Miguel, Maynila bilang security team member, …
Read More »Trike driver huli sa P120K omads (Checkpoint tinangkang takasan)
ARESTADO ang isang tricycle driver makaraang makuhaan ng P120,000 halaga ng damo o marijuana matapos tangkaing takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Caloocan City Police chief Col. Samuel Mina, Jr., ang naarestong suspek na si Roberto Roque, Jr., 27 anyos, residente sa Masaya St., RP Gulod, Novaliches Quezon City, habang …
Read More »Hilera ng motorsiklo sa Recto inararo ng jeepney 8 sugatan
SUGATAN ang walo katao nang ararohin ng pampasaherong jeepney ang mga nakahintong motorsiklo sa Recto Avenue corner Masangkay St., sa Binondo, Maynila nitong Lunes. Kabilang sa sugatan ang rider na si Jabilar Candidato, 25 anyos; Brian Figueroa, 42; at kanyang backride na si Jeremy Ablao, 21. Sa kuha ng CCTV, kita ang pagsalpok ng jeepney, ay plakang PXY 513, minamaneho …
Read More »CoVid-19 test para sa pagbiyahe, nais alisin ng DILG
PINAG-AARALAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang panukalang alisin ang mandatory CoVid-19 testing bilang requirement sa pagbiyahe ng mga lokal na turista. Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, kabilang sa pinag-uusapan at pinag-aaralan ang pag-aalis ng CoVid-19 testing, pag-iisyu ng travel authority, at city health certificate. Aniya, imbes i-require ang mga biyahero na sumailalim sa “clinical …
Read More »Pagdating ng CoVid-19 vaccine no power interruption — Isko
NAKATAKDANG makipag-ugnayan sina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Manila Electric Company (Meralco) upang masiguro na walang magaganap na power interruption sa storage facility na paglalagakan ng CoVid-19 vaccine. Iatasan ni Moreno si City Engineer Armand Andres para siguruhin sa Meralco ang maayos na supply ng koryente para mapanatili ang temperatura ng storage at ang bisa ng vaccines. Tiniyak …
Read More »