ni ROSE NOVENARIO LALONG nagutom ang mamamayang Filipino sa ilalim ng Zero Hunger Task Force na pinamumunuan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, dahil imbes magsagawa ng konkretong programa, idinaan niya sa pag-indayog sa social networking platform TikTok (https://vt.tiktok.com/ZSJk1pXdN/) ang paglutas sa kagutuman dulot ng kahirapan sa bansa. Si Nograles, itinalagang chairman ng Inter-Agency Task Force on Hunger na itinatag alinsunod …
Read More »Bulacan COP, et al ‘nagsinungaling’ (Swak sa kasong administratibo)
SASAMPAHAN ng kasong administratibo sa IAS Camp Crame ang hepe ng San Ildefonso Police Station at mga tauhan nito dahil sa pagsisinungaling at pinalabas sa media at sa police report na kasapi ng “Basag Kotse Gang” ang isang pulis-Maynila ngunit ito’y taliwas sa katotohanan. Pinalabas umano ng hepe ng San Ildefonso police na nagkaroon ng habulan dahil tumakbo patungong San …
Read More »Pangulong Rodrigo Duterte, suportado si DA Secretary Dar
AYON mismo kay Agriculture Secretary William Dar, ang pagkakasangkot niya sa sinasabing bilyong pisong ‘tongpats’ na makukuha sa bumuhos na imported pork products at pagpapababa sa taripa nito gamit ang African swine fever. “As regards to the alleged ‘tongpats’ of about P5 to P7 per kilo of imported pork, the present DA leadership categorically denies any involvement if such scheme …
Read More »Pandemya magtatagal pa, buhay tsambahan lang — Duterte
MULING nagpakita ng ‘pagkahapo’ si Pangulong Rodrigo Duterte bilang pinuno ng bansa sa panahon ng CoVid-19 pandemic. Inamin ng Pangulo na walang sapat na supply ng bakuna sa buong mundo kaya magtatagal pa ang nararanasang pandemya at marami ang magbubuwis ng buhay. “Now, ngayon hintay tayo nang hintay. Itong vaccine na itong pinag-usapan natin ganito, wala sana ito kung mayroong …
Read More »Aktor nauwi sa P1K ang P10K na hinihingi kay showbiz gay
NAGMAMAKAAWA raw ang isang dating male star sa showbiz gay dahil wala na raw silang kakainin ng kanyang pamilya. Kailangan daw niya kahit pambili lang ng isang kabang bigas at groceries, at humihingi siya ng P10K. Hindi kumagat ang showbiz gay dahil ano nga ba ang makukuha niya kapalit ng 10K? Bukod doon, noong sinundang gabi ay nakita niyang kumakanta pa ang dating male star habang nakikipag-inuman. …
Read More »Serye-exclusive: Ibinentang stock certificates ng DV Boer, bogus
ni ROSE NOVENARIO KUNG ginawa ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang kanilang trabaho nang maayos, posible kayang nahadlangan ang Ponzi-scheme agribusiness ng DV Boer Farm Inc., ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin? Tanong ito ng mga nalinlang na investors ng DV Boer na hanggang ngayo’y umaasa pa rin na aaksiyonan ng SEC ang kanilang mga reklamo laban sa …
Read More »Duterte, DOH manhid sa miserableng lagay ng health workers
ni ROSE NOVENARIO MANHID si Pangulong Rodrigo Duterte at ang Department of Health (DOH) sa miserableng sitwasyon ng medical frontliners na pangunahing lumalaban sa CoVid-19 pandemic. Kahapon tila ginigising ng health workers si Pangulong Duterte at ang DOH nang kalampagin ang mga kaldero at hinipan ang mga torotot, saka sabay-sabay na nagdaos ng noise barrage bilang protesta ng mga manggagawang …
Read More »‘Kiling’ na pagsunod ng Santo Papa sa CoVid protocols
Kinalap mula sa LaCroix International ni TRACY CABRERA VATICAN CITY, ROME — Maging ang Vatican ay mahigpit na sumusunod sa mga quarantine restriction na itinakda para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus. Ngunit ayon sa mga insider sa Holy See, nagpapatuloy pa rin ang Santo Papa Francis na makipagdaupang-palad habang nasa pribadong pakikipagpulong — isang bagay na hindi pinapayagan ng health …
Read More »‘Eyeball-holdap’ buking ‘Poser’ sa socmed, arestado
NADAKIP ang isang trabahador sa azucarera matapos magpanggap na babae sa social media para pagnakawan ang kanyang mga biktima, sa isang entrapment operation na ikinasa ng mga awtoridad sa Crossing Gaston, Brgy. Punta Mesa, bayan ng Manapla, lalawigan ng Negros Occidental. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Alvin Amandog, 27 anyos, residente sa Brgy. Tortosa, sa nabanggit na bayan. …
Read More »HVI pusher tiklo sa P.68-M droga sa anti-narcotics ops
TINATAYANG nasa P680,000 ang halaga ng hinihinalang shabu na nakompiska mula sa nadakip na suspek sa inilatag na anti-narcotics operation ng PDEU, PIU Pampanga PPO, at Mabalacat City Police Station, nitong Martes, 13 Abril, sa Brgy. Mabical, sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni P/BGen. Valeriano de Leon, base sa ulat ni P/Col. Arnold Thomas Ibay, provincial director …
Read More »Most wanted sa CL timbog sa manhunt ops (Anak ng kinakasama ginahasa)
HINDI inaasahan sa kanyang paglutang mula sa halos isang dekadang pagtatago ay matimbog ang isang suspek, itinuturing na isa sa most wanted ng Central Luzon sa isinagawang Manhunt Charlie operation nitong Martes, 13 Abril, sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon ang suspek na si Alberto Soriano, Jr., 51 anyos, may …
Read More »Motornapper arestado kasabwat nakatakas
ARESTADO ang isang lalaking sinasabing responsable sa nakawan ng mga motorsiklo sa lalawigan ng Bulacan habang nakatakas ang kaniyang kasabwat na sentro ng pagtugis ngayon ng pulisya sa lalawigan. Kinilala ang hinihinalang kawatan ng motor na si Relly Rodas, residente sa Sangandaan, lungsod ng Caloocan, na nadakip sa Brgy. Biñang 2nd, sa bayan ng Bocaue, sa nabanggit na lalawigan, nitong …
Read More »Drug suspect patay sa buy bust sa Bulacan, 20 pa pinagdadakma
NAPASLANG ang isang drug suspect habang arestado ang 20 iba pang drug personalities sa magkakahiwalay na buy bust operations na ikinasa ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan, hanggang kahapon, 14 Abril. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang napaslang na suspek na si Espero Dacanay, alyas Nico, iniulat na sangkot sa talamak na pagtutulak ng …
Read More »SK Fed president pinagbabaril patay (Pinasok sa kuwarto)
HINDI nakaligtas sa kamatayan ang pangulo ng Sangguniang Kabataan Federation ng bayan ng Lumban, lalawigan ng Laguna, matapos pasukin at pagbabarilin sa kanyang sariling kuwarto nitong Martes ng hapon, 13 Abril. Sa ulat, dakong 5:30 pm nang makatanggap ng tawag sa cellphone ang estasyon ng pulisya na nagpapabatid na mayroong insidente ng pamamaril na naganap sa Brgy. Maytalang Uno, sa …
Read More »Babae sinabing tumalon mula sa 45/f patay
PATAY ang isang babae na hinihinalang tumalon sa isang gusali kahapon ng umaga sa lungsod ng Quezon. Base sa ulat, dakong 9:35 am nang matagpuan ang katawan ng hindi kilalang biktima, na nakahandusay sa ika-anim na palapag ng Canopy, South Tower, Zinnia, Barangay Katipunan sa lungsod. Ang gusali ay may taas na 45 palapag. Ayon kay Vincent Boncay, 22 anyos, …
Read More »Magdyowang tulak, huli sa buy bust (P121K shabu kompiskado)
NADAKIP magdyowang sinabing tulak ng ilegal ng droga makaraang makuhaan ng mahigit sa P100,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon police chief, Col. Joel Villanueva ang mga naarestong suspek na si Marvin Diolazo, 45 anyos, at Irene Flores, 41 anyos, kapwa residente sa Bisig ng Kabataan, Brgy. …
Read More »2 miyembo ng ‘gang’ timbog sa Pampanga (Sa panghoholdap, pagtutulak ng droga)
ARESTADO ng mga awtoridad ang dalawang suspek na pinaniniwalaang mga miyembro ng isang criminal group nitong Martes, 13 Abril, sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga. Ayon kay PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon, nasukol ang mga suspek na kinilalang sina Romer Rillera, 36 anyos, binata, no. 2 most wanted ng San Manuel Police Station; at Mark Anthony Evangelista, 41 …
Read More »Duque sinungaling — health workers
UMALMA ang medical frontliners sa anila’y tahasang pagsisinungaling ni Health Secretary Francisco Duque III na binabantayan nang husto ng Department of Health (DOH) at dalawang beses isinasailalim sa CoVid-19 swab test ang health workers. Dinagsa ang social media platform Twitter ng mga pagbatikos kay Duque makaraang mapanood sa telebisyon ang kanyang ‘imbentong’ ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte na regular na …
Read More »Mass graves ng CoVid-19 patients sa Hunyo posible (Kapag wala pa rin nagtimon sa pandemya)
NAGBABALA ang isang dating kalihim ng Department of Health (DOH) na magkakaroon ng mass graves ng mga namatay sa CoVId-19 sa Hunyo o Hulyo kapag nagpatuloy na ‘walang timon’ sa pagtugon ng pandemya sa bansa. “I hope it does not come to that, but you know I already have a vision of mass graves in the country. Because we are …
Read More »Serye-exclusive: SEC exec ‘deadma’ sa DV Boer investors
ni ROSE NOVENARIO ISINUMBONG ng may 291 investors sa liderato ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang isang opisyal ng ahensiya na matamlay sa idinulog nilang reklamo laban sa DV Boer Farm Inc., ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin. Inilahad ni Irish Fajilagot, investor at kinatawan ng 290 pang investors ng DV Boer at subfarms nito, sa kanyang liham …
Read More »Kontrata nasungkit ng misis ni Ian Veneracion (Single bidder pinaboran ni Villar sa P389-M dolomite beach project)
ni ROSE NOVENARIO NASUNGKIT ng asawa ni actor-painter Ian Veneracion na si Pamela Rose G. Veneracion ang kontrobersiyal na P389-milyong Manila Bay white sand project. Nabatid, ang kontrata ay may Contract ID Number 19200039, batay sa dokumentong Notice of Award (NOA) na may petsang 17 Disyembre 2019 na ipinadala ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kay Pamela, nagsasaad …
Read More »CoVid-19 testing palpak, Vince Dizon sibakin — Bayan
MULING nanawagan ang militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na sibakin bilang testing czar si Vince Dizon at palakasin ng administrasyong Duterte ang libreng CoVid-19 testing sa gitna ng napakataas na positivity rate at lomobong bilang ng mga bagong kaso ng CoVid-19. “We again reiterate our call to replace so-called testing czar Vince Dizon and to ramp up free CoVid …
Read More »Roque ‘malalim’ sa PGH (Kaya mabilis na-admit)
‘MALALIM’ si Presidential Spokesman Harry Roque sa Philippine General Hospital (PGH) kaya mabilis siyang nakakuha ng kuwarto kahit maraming mas malalang pasyente na nagtitiis sa mahabang pila para magkaroon ng silid sa pagamutan. Sinabi ni Roque, ang lahat ng kanyang doktor ay kapwa niya faculty member sa University of the Philippines (UP) na nagpapatakbo sa ospital bukod pa sa PGH …
Read More »IED sumabog sa Basilan sundalo, sibilyan sugatan
SUGATAN ang isang sundalo at isang sibilyan nang sumabog ang isang improvised explosive device sa bayan ng Tipo-Tipo, lalawigan ng Basilan, nitong Lunes, 12 Abril, isang araw bago ang pagdiriwang ng Ramadan. Ayon kay Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., hepe ng Western Mindanao Command ng Philippine Army, naganap ang insidente ng pagsabog dakong 6:25 am kamakalawa habang nagpapatrolya ang mga …
Read More »Motorsiklo nag-overtake, dump truck nakasalubong empleyado ng BFAR patay
BINAWIAN ng buhay ang isang tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa lungsod ng Tacloban nang bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa isang mini-dump truck nitong Lunes ng umaga, 12 Abril, sa National Highway sa Brgy. Abango, sa bayan ng Barugo, lalawigan ng Leyte. Kinilala ni P/Capt. Luis Hatton, hepe ng Barugo Police Station, ang biktimang si …
Read More »