Saturday , May 28 2022

‘Endo’ wakasan — Ping

032422 Hataw Frontpage

NANINDIGAN si Partido Reporma standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson na pabor siya na wakasan ang kultura ng kontraktuwalisasyon sa bansa, pero kailangan ibalanse ang mga interes ng mga manggagawa at mga may-ari ng negosyo sa usaping ito.

Sa programang “Go Negosyo Kandidatalks: The Presidential Series” na umere nitong Miyerkoles, inihayag ni Lacson na nais niyang protektahan ang sektor ng mga manggagawa na patuloy na pinagkakaitan ng pagkakataong maging permanente sa trabaho sa ilalim ng umiiral na sistemang end-of-contract o ‘endo.’

Ngunit sa kabilang banda, sinusuri rin ni Lacson ang panig ng mga employer na inaalala ang posibleng maging negatibong epekto nito sa ilang aspekto ng kanilang negosyo. Kaya naman maingat siya sa paglikha ng desisyon sa panukalang batas para tapusin ang kontraktuwalisasyon.

“Kailangan sigurong ibalanse ‘yung business at saka ‘yung ating mga manggagawa, ‘yung mga employees, ‘yon siguro. Nagtatalo ‘yan e, parang to favor one would disfavor the other, but not necessarily. Kailangan i-balance talaga,” sabi ni Lacson sa forum host na si Cheryl Cosim.

“I think may makikita naman ditong middle ground para maproteksiyonan din ‘yung ating mga manggagawa na alam mo, anim na buwan lang e, pagkatapos wala namang security of tenure… Ako, I’m for ending ‘yung contractualization, actually,” dagdag ng presidential candidate.

Aniya, kailangan pag-aralan muli ng pamahalaan ang mga probisyon sa mga naunang panukalang batas na inihain upang masolusyonan ang isyung ito. Binanggit niya na sa ika-18 Kongreso ay naipasa na nila ang panukalang batas na tatapos sa endo, ngunit hindi ito inaprobahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinukoy ng batikang senador ang Senate Bill 1826 o ang Security of Tenure Bill na inakda at isinulong ni Senador Joel Villanueva. Ipinasa ito ng dalawang kapulungan ng Kongreso ngunit ibinalik ng Malacañang noong Hulyo 2019 nang hindi pinirmahan ni Pangulong Duterte.

Ipinangako na ni Villanueva, na muling tumatakbo bilang senador, na ihahain niyang muli ang tinaguriang ‘anti-endo’ bill sa susunod na Kongreso. Sa kanyang pangangampanya sa Laguna noong Pebrero, inilahad ni Lacson na susuportahan niya ang panukalang batas na ito kung maihahalal siya bilang ika-17 pangulo.

“We will support that… Kailangan lang mayroong parameters na pagka nagsilbi na sa isang kompanya (ang isang empleyado) for a certain period of time, dapat ‘yon huwag nang contractual,” sabi ni Lacson sa mga mamamahayag. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Gun Fire

Helper malubha sa pamamaril

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 21-anyos na helper matapos barilin ng isa sa …

arrest prison

Mangingisdang wanted, nalambat

HIMAS-REHAS ang isang mangingisda na wanted matapos masakote ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation …

dead gun

2 retiradong parak nagduwelo 1 patay, binatilyo sugatan

Napatay ang isang retiradong pulis ng kanyang kapitbahay habang sugatan ang isang 15-anyos na binatilyo …

dead gun police

Sa Ilagan, Isabela
ASAWA NG HUKOM TINAMBANGAN NG RIDING-IN-TANDEM, PATAY

Binawian ng buhay ang asawa ng isang hukom ng Regional Trial Court sa bayan ng …

CoVid-19 vaccine

Huling COVID patient sa Bulacan nakauwi na

Matapos ang dalawang taon na paggamot at pag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19, nakalabas na …