Saturday , May 28 2022
DFA Parañaque PNP Food
NAMAHAGI ng pagkain kahapon ng umaga ang Tambo Police Sub-Station 2 sa pamumuno ni P/Maj. Jolly Soriano sa overseas Filipino workers (OFWs) na nakapila sa labas ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahit nakababaad sila sa init ng araw para makakuha ng passport at iba pa nilang kailangan upang makapagtrabaho sa labas ng bansa. (EJ DREW)

36 oras nang nakapila
DFA PASSPORTS APPLICANTS ‘KINALINGA’ NG MGA PULIS

NAGPAKAIN ng lugaw at pandesal sa mahabang pila ng passports applicants sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga tauhan ng Sub-Station 2 ng Parañaque City police upang makatulong sa halos 36 oras nang nakapilang aplikante sa pagkuha ng pasaporte sa harap ng tanggapan ng DFA, sa Macapagal Blvd., Tambo, Parañaque City, kahapon ng umaga.

Pinuri ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Jimili Macaraeg ang ginawang pagsisikap ng mga tauhan ng nasabing estasyon ng pulisya sa pangunguna ni P/Col. Maximo Sebastian, na pamimigay ng mainit na lugaw at pandesal sa passports applicants na nagtitiyagang maghintay habang nakapila kahit hindi pa kumain.

Naisipan ng mga pulis na makatulong sa maliit na paraan matapos makita ang sitwasyon ng walk-in na nag-a-apply ng passports sa naturang ahensiya na karamihan ay 36 oras nang nakapila.

“Nakatutuwang makita ang ating mga pulis na nagkukusang tumulong sa ating mga kababayan, ito na marahil ang brand ng ating mga pulis na mayroon tayo ngayon. Matulungin, maaasahan, at hindi mag-aatubiling tumulong sa mga taong nangangailangan nito.

“Nang makita ng ating mga pulis na mahaba ang pila sa ahensiya ng DFA para sa mga nagpapa-authenticate ng kanilang mga dokumento, agad silang gumawa ng hakbang na kahit sa munti nilang paraan ay mapawi ang puyat at pagod ng ating mga kababayan. Kaya naman as your District Director kagalakan at tuwa ang hatid nito sa aking puso nawa’y ipagpatuloy natin ang ganitong mga gawain,” ani Macaraeg.

“We are blessed to be a blessing to others,” pahayag ni SPD director Macaraeg. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Gun Fire

Helper malubha sa pamamaril

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 21-anyos na helper matapos barilin ng isa sa …

arrest prison

Mangingisdang wanted, nalambat

HIMAS-REHAS ang isang mangingisda na wanted matapos masakote ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation …

dead gun

2 retiradong parak nagduwelo 1 patay, binatilyo sugatan

Napatay ang isang retiradong pulis ng kanyang kapitbahay habang sugatan ang isang 15-anyos na binatilyo …

dead gun police

Sa Ilagan, Isabela
ASAWA NG HUKOM TINAMBANGAN NG RIDING-IN-TANDEM, PATAY

Binawian ng buhay ang asawa ng isang hukom ng Regional Trial Court sa bayan ng …

CoVid-19 vaccine

Huling COVID patient sa Bulacan nakauwi na

Matapos ang dalawang taon na paggamot at pag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19, nakalabas na …