Friday , June 2 2023
UV Express Van Accident QC

12 sugatan sugatan
LADY GRAPHIC ARTIST PATAY SA BUMALIKTAD NA UV EXPRESS VAN

PATAY ang isang babaeng graphic/layout artist ng pahayagang Daily Tribune, habang 12 ang sugatan nang bumangga, tumagilid, at nagpaikot-ikot ang sinasakyan nilang UV Express van sa Quezon City, nitong Martes ng gabi.

Patay agad ang pasaherong si Aurora Bulan, nasa hustong gulang, empleyado ng pahayagang Daily Tribune, residente sa Natividad St., San Francisco Del Monte, Quezon City.

Dinala sa Quirino Memorial Medical Center ang iba pang pasahero, kinilalang sina Marian Hernandez, Joseph Erlano, Princess Diane Agohayon, Daisy Mislang, Armie Villarias, Rigelyn Rado, Aileen Joy Agiumatang, Gizelle Marie Hernandez, Reynon Carlos Magallanes, Sandralyn Deuna, at Jona dela Paz, pawang taga-Rizal.

Sugatan rin at ginagamot ang driver ng UV Express na kinilalang si Rhodium Cadiz, ng Block 14, Lot 25, Phase 1, Eastwood Residence, Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Batay sa ulat ni P/CMSgt. Norlan Margallo ng Quezon City Police District (QCPD) – Traffic Sector 3, dakong 11:26 pm nitong 23 Marso, nang maganap ang insidente sa P. Tuazon Blvd., kanto ng Kalantiaw St., sa Brgy. Bagumbuhay, Project 4, Quezon City.

Makikita sa kuha ng CCTV, mabilis ang takbo ng van, may plakang NAL-7253, habang binabaybay ang kahabaan ng P. Tuazon Blvd., mula EDSA, patungong Katipunan Avenue.

Pagsapit sa lugar nmg insidente, biglang nawalan ng kontrol ang driver sa sasakyan hanggang bumangga ito sa isang puno at gate ng bahay, bago tuluyang tumagilid at saka nagpaikot-ikot.

Makikitang tumilapon ang isang pasahero mula sa van at gumapang sa kalsada.

Maya-maya pa ay nagsilabasan na ang mga pasahero mula sa bintana ng van, habang nagtakbuhan ang mga residente para magresponde at tumulong na maisugod ang mga pasahero sa pagamutan.

Wasak ang harapan ng van at basag din ang windshield, mga salamin at bintana nito.

Ayon sa mga pasahero, kagagaling lang van sa terminal sa Cubao at papunta ng Rodriguez (Montalban), Rizal nang maganap ang insidente. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …