Friday , May 24 2024

Angkas rider, kasabwat tiklo sa paawa-epek cp snatching

041524 Hataw Frontpage

NASAKOTE ang isang42-anyos Angkas rider at kanyang tandem sa paawa-epek na cellphone snatching matapos biktimahin ang isang maawaing dalaga sa  Quezon City nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Larry Carbungo Talavera, 42, Angkas Rider, residente sa Barrio Sto. Niño, Tala, Caloocan City; at Raniel Ryan Garcia Bjorn Kapanot, store helper, naninirahan sa Sunflower St., Tala, Caloocan City.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Police Station 10, bandang 5:00 am kahapon, 14 Abril, nang mangyari ang insidente sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl. Ryan Dela Cruz, nilapitan ni Talavera ang biktimang si Karlaine Cabuyong, 19, at nagmamakaawang nakiusap na kung puwedeng hiramin ang kanyang cellphone dahil nanakawan umano siya at may kailangang tawagan.

Sa awa ng biktima ay ibinigay niya ang kanyang cellphone kay Talavera ngunit imbes mag-dial ay agad sumakay sa isang asul na Yamaha Mio na minamaneho ni Kapanot saka mabilis na tumakas sa kahabaan ng Tomas Morato.

Nahindik pero agad natauhan ang biktima kaya mabilis na nakapagpagibik ng saklolo na eksaktong naispatan ng mga elemento ng QCPD District Tactical Motorized Unit (DTMU) Task Force Delta na noon ay nagpapatrolya sa lugar kaya hinabol ang mga suspek hanggang madakip.

Nakapiit na ang mga suspek na sina Talavera at Kapanot sa Kamuning Police Station 10 at inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa kanila. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Alice Guo Chiz Escudero

Presumption nananatili – SP Chiz Escudero 
NAG-AKUSA vs MAYOR GUO DAPAT MAGLABAS NG PRUWEBANG HINDI SIYA PINOY

HINDI si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kundi ang mga nag-aakusa sa kanya ang dapat …

Mr DIY Brigada Pagbasa 1

Teachers for a Day: MR.DIY, World Vision, empower Baseco Youth through ‘Brigada Pagbasa’

Volunteers from MR.DIY engaging in fun activities with 34 schoolchildren from the Sen. Benigno Aquino …

Ops vs krimen umarangkada 24 suspek timbog sa Bulacan

Ops vs krimen umarangkada 24 suspek timbog sa Bulacan

NASAKOTE ang 24 inidbiduwal na sangkot sa iba’t ibang krimen at paglabag sa batas sa …

Sa Orion, Bataan BATAKAN BINAKLAS, 4 DURUGISTA TIKLO

Sa Orion, Bataan
BATAKAN BINAKLAS, 4 DURUGISTA TIKLO

WINASAK ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Police Office (BPO) sa …

2 Most wanted persons ng CALABARZON arestado

2 Most wanted persons ng CALABARZON arestado

NASAKOTE ang dalawang lalaking nakatala bilang Regional Level Most Wanted Persons sa magkahiwalay na manhunt …