Saturday , May 28 2022
shabu drug arrest

2 tulak na bebot kelot swak sa buy bust

SA KULUNGAN bumagsak ang tatlong bagong identified drug personalities, kabilang ang dalawang babae matapos madakma sa buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon City police chief, Col. Albert Barot ang mga naarestong suspek na sina Fe Santiago alyas Pepot, 42 anyos, Lorielyn Cadacio, 31 anyos, at Rogelio Brigido, 38 anyos, pawang residente sa Celia 2 St., Brgy. Bayan-Bayanan.

Ayon kay P/MSgt. Randy Billedo, nakatanggap ng impormasyon mula sa kanilang impormante ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Alexander Dela Cruz hinggil sa illegal drug activities ng mga suspek.

Dahil dito, ikinasa ng mga operatiba ang buy bust operation sa Celia 2 Brgy. Bayan-Bayanan dakong 3:30 am, nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos bentahan ng dalawa sa kanila ng halagang P500 shabu ang isang police na umakto bilang poseur buyer.

Tinatayang aabot sa siyam na gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P61,200 ang nasamsam sa mga suspek, kasama ang marked money.

Kakasuhan ng pulisya ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Gun Fire

Helper malubha sa pamamaril

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 21-anyos na helper matapos barilin ng isa sa …

arrest prison

Mangingisdang wanted, nalambat

HIMAS-REHAS ang isang mangingisda na wanted matapos masakote ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation …

dead gun

2 retiradong parak nagduwelo 1 patay, binatilyo sugatan

Napatay ang isang retiradong pulis ng kanyang kapitbahay habang sugatan ang isang 15-anyos na binatilyo …

dead gun police

Sa Ilagan, Isabela
ASAWA NG HUKOM TINAMBANGAN NG RIDING-IN-TANDEM, PATAY

Binawian ng buhay ang asawa ng isang hukom ng Regional Trial Court sa bayan ng …

CoVid-19 vaccine

Huling COVID patient sa Bulacan nakauwi na

Matapos ang dalawang taon na paggamot at pag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19, nakalabas na …