Saturday , January 11 2025

News

Sa arrest order ni Duterte vs protocol violators, piitan magiging punuan

arrest prison

INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, posibleng mapuno agad ang mga piitan sa paiigtinging pag-aresto sa mga lalabag sa ipinatutupad na health protocols ng pamahalaan.   Ito ay kaugnay sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkoles sa mga tauhan ng Phillipine National Police (PNP) na ikulong at imbestigahan ang mga …

Read More »

Covid-19 cases sa lungsod ng Pasay ‘tumatamlay’ (Sa record ng Pasay City General Hospital)

Pasay City CoVid-19 vaccine

BUMABABA ang occupancy rate sa CoVid-19 confirmed ward sa Pasay City General Hospital.   Mula sa 65%, bumaba ito sa 59% occupancy rate sa CoVid-19 confirmed ward ng PCGH, sinabing maituturing na normal/safe risk rating.   Nangangahulugang patuloy na bumababa ang bilang ng mga nagkakasakit ng CoVid-19 sa lungsod.   Kinompirma rin ng PCGH may bakante pa silang tatlong CoVid-19 …

Read More »

Kelot tinarakan sa ulo ng 22-anyos kabarangay

knife saksak

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 46-anyos lalaki matapos saksakin sa ulo ng kabarangay sa Malabon city, kahapon ng madaling araw.   Kasalukuyang inoobserbahan sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Roger Acedera, residente sa Block 44, Lot 25, Brgy. Longos sanhi ng saksak sa ulo. Nahaharap sa kasong frustrated murder ang suspek na kinilalang si Melchor Marbida, …

Read More »

P17.5-M shabu nasakote sa big time tulak at mag-ina

shabu drug arrest

UMABOT sa tinatayang P17.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakompiska sa itinurong tatlong big time tulak, na kinabibilangan ng isang 59-anyos ina at anak niyang online seller sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Caloocan city chief of police (COP) Col. Samuel Mina, Jr., ang mga suspek na sina Josephine Rada, …

Read More »

Hirit na kulong kapag walang suot na face mask, HR violation

Face Shield Face mask IATF

MAAARING magbigay daan sa paglabag sa karapatang pantao ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestohin, ikulong, at sampahan ng kaso ang mga wala o mali ang pagsusuot ng face mask kapag nasa pampublikong lugar.   “Now itong mask, iyong iba ano lang for compliance lang. Naglalagay ng mask pero nakalabas ‘yong ilong. My orders to the police are those …

Read More »

Donated Sinopharm CoVid-19 vaccines, ipinabawi sa China

HINILING ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Chinese Embassy na bawiin ang donasyong 1,000 Sinopharm CoVid-19 vaccine matapos ulanin ng batikos ang pagpapaturok ng hindi aprobadong bakuna.   “Don’t follow my footsteps. It’s dangerous because there are no studies, it might not be good for the body. Just let me be the sole person to receive it,” aniya sa public address …

Read More »

Duterte resign now (Carpio segurado)

ni Rose Novenario   “PRESIDENT Duterte should now resign immediately to keep his word of honor.”   Inihayag ito ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio matapos mangako si Pangulong Rodrigo Duterte na magbibitiw kapag napatunayang nagsinungaling sa paratang na nagsabwatan ang dating mahistrado at si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario para paatrasin ang mga barko ng …

Read More »

DFA Sec. Locsin ‘napuno’ sa China

HINDI napigilan ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin, Jr., na maglabas ng maanghang na salita laban sa bansang China.   Kasunod ito ng naging apela ng China sa Filipinas na tigilan ang anomang aktibidad sa West Philippine Sea na makapagdudulot ng tensiyon.   Sa tweet ni Locsin, ang China ang may problema dahil hindi marunong makinig maging sa kanyang sarili …

Read More »

Kankaloo nanguna sa pamamahagi ng ECQ ayuda

Caloocan City

NANGUGUNA ang Lungsod ng Caloocan sa buong National Capital Region sa pagtatala ng 96.93% accomplishment rate sa pamamahagi ng enhanced community quarantine (ECQ) ayuda.   Batay sa datos, nasa mahigit P1.295 bilyong pondo ang naipamahagi sa 388,415 pamilyang benepisaryo sa lungsod.   Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), naririto ang natapos ng iba pang lungsod sa NCR …

Read More »

Palasyo tikom-bibig sa bigwas ni Pacman

TIKOM ang bibig ng Palasyo sa pagbatikos ni Sen. Manny Pacquiao sa napakong pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaglalaban ang West Philippine Sea laban sa pangangamkam ng China.   Sinabi kamakalawa ng senador, desmayado siya sa paninindigan ngayon ng Pangulo sa WPS, taliwas sa pangako niya noong 2016 presidential elections na sasakay ng jet ski upang itirik ang bandila …

Read More »

Serye-Exclusive: DV Boer victims muntik linlangin (Gustong gawing stockholders)

TILA teleseryeng hindi nauubusan ng gimik ang DV Boer Farm ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a Dexter Villamin upang paulit-ulit na ‘gatasan’ ang mga hilahod nang investors ng mga programang Pa-Iwi at Microfinance.   Nabatid sa source, nagtangka umano si Villamin na huthutan pa ang mga nalinlang niyang investors kahit naglabas ng advisory ang Securities and Exchange Commission noong Abril 2019 …

Read More »

PH balik alyansa sa US (Sa kabila ng ‘pro-China best efforts’ ni Duterte)

ni Rose Novenario   SA KABILA ng walang patumanggang papuri ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China, hind niya maiiwasang bumalik ang Filipinas bilang masugid na kaalyado ng Amerika.   Inihayag ito ni Derek Grossman sa kanyang analysis na inilathala kamakalawa sa foreignpolicy.com, may titulong China Has Lost the Philippines Despite Duterte’s Best Efforts.   Si Grossman ay isang senior defense …

Read More »

5 sabungero huli sa tupada

arrest posas

LIMANG sabungero, kabilang ang isang barangay tanod ang nadakip matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang tupadahan sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.   Kinilala ni Malabon Ctiy Police chief Col. Joel Villanueva ang naarestong suspek na sina Rey Castillo, Sr., 39 anyos, barangay tanodl; Levy Galangue, 48 anyos; Ronel Gregana, 31, kapwa ceiling installer; Renante Ragasa, 27 anyos; Eddie …

Read More »

Navotas nagsimula na sa payout ng pondo ng LGU para sa ECQ Ayuda

Navotas

SINIMULAN na ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang payout ng enhanced community quarantine (ECQ) cash assistance mula sa pondo ng lungsod.   Nasa 3,407 Navoteño families ang nakatanggap ng P1,000 – P4,000 mula sa P32 milyong pondo ng lungsod na ibinalik bilang budget mula sa various offices.   “The P32-million will cover the ECQ ayuda of 10,233 families waitlisted …

Read More »

3 wanted persons timbog sa NCRPO ops

NCRPO PNP police

KALABOSO sa magkakasunod na manhunt operations ng Regional Special Operations Group (RSOG) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang tatlong most wanted persons sa kasong rape, kidnapping, at serious illegal detention, sa Makati at Quezon City, nitong Linggo, 2 Mayo.   Sa ulat na isinumite kay NCRPO chief, P/MGen. Vicente Danao, Jr., nahuli sa Block 165, Lot 23, Road …

Read More »

Panlinis ng pilak, ipinabawi ng FDA sa merkado (Gamit sa pagpapakamatay)

MULING naglabas ng advisory sa publiko ang Food and Drug Administration (FDA) kahapon kaugnay sa pagbabawal na maibenta ang silver jewelry cleaning solution dahil nagagamit ito sa pagpapatiwakal.   Base sa FDA Advisory No.2021-0879 “Ban of Silver Jewelry Cleaners Containing Cyanide” muling ipinaalala sa publiko ang Joint Advisory No. 2010-0001 ng Department of Health (DOH) at Department of Environment and …

Read More »

Online sabong, aprub na sa PAGCOR

Sabong manok

KAILANGANG-KAILANGAN ng pamahalaan ang pondo ngayong panahon ng pandemya kaya inatasan ng Malacañang ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na bigyan ng lisensiya ang ilang online sabong sites para maging legal na ang kanilang operasyon.   Ayon kay Atty. Jose Tria Gr., SVP ng Offshore and Online Gaming ng PAGCOR, “Bukod kasi sa hinahabol na income para sa pamahalaan, …

Read More »

Basic health protocols unahin — Frontliners

ISANG grupo ng frontliners ang nananawagan sa community pantry organizers na unahin ang pagpapatupad ng basic health protocols bukod sa kanilang malinis na layuning makatulong sa mas nangangailangan sa gitna ng pandemyang dulot ng CoVid-19.   Sa isang virtual na panayam ng Lingkud Bayanihan weekly show sa PTV-4, hinimok ni Alvin Constantino, Confederate Sentinels of God (CSG) Inc. founder, ang …

Read More »

CoVid-19 isinama ng ECC sa work-related diseases

ISANG mainit na pagtanggap ang isinalubong ni Senator Joel Villanueva sa balitang kasama na sa listahan ng “work-related diseases” ang CoVid-19 na pwedeng idulog at makahingi ng pinansiyal na tulong sa Employees’ Compensation Commission (ECC).   Aniya, parehong makatutulong ito sa mga negosyante at manggagawa lalo na kung ay tamaan ng CoVid-19 ang mga empleyado sa mga tanggapan, pabrika o …

Read More »

Imported na baboy, isubasta para malantad sa publiko — Marcos

pig swine

HINIMOK ni Senador Imee Marcos ang mga economic managers ng bansa na isubasta ang mga imported na baboy para makatiyak na lantad ang alokasyon sa mga negosyante oras na madesisyonan ang pinal minimum access volume (MAV) ng aangkating baboy.   Sinabi ni Marcos, chairman ng Senate committee on economic affairs, makatutulong ang subasta sa imported na baboy para matanggal ang …

Read More »

‘Unnecessary delay’ sa pag-apruba ng generic drugs nakababahala – deputy speaker

NAGPAHAYAG ng pagkabahala si House Deputy Speaker Bernadette Herrera sa animo’y ‘unnecessary delay’ sa pag-apruba ng first-time generic medicines para sa chronic diseases kagaya ng diabetes at hypertension.   Ani Herrera, isang uri ng pagkakait sa mga taong nangangailangan ng “affordable life-saving drugs.” [;= Tinawag ni Herrera ang pansin ng Food and Drug Administration (FDA) sa mabagal na aksiyon nito …

Read More »

Proteksiyon sa media hinikayat ni Duterte (Sa World Press Freedom Day)

DAPAT protektahan ang media laban sa lahat ng uri ng pagbabanta at pananakot upang magampanan nang husto ang paglilingkod sa interes ng publiko.   Panawagan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang kahapon ng World Press Freedom Day.   Ang naturang okasyon aniya ay nagpapaalala sa mahalagang papel ng isang malaya at responsableng pamamahayag sa pag-unlad ng lipunan.   “This …

Read More »

Pinoy journos sumama sa petisyon vs Anti-Terror Act

NAGHAIN ng petisyon ang ilang grupo ng Filipino journalists at mga mamamahayag sa Korte Suprema laban sa Anti-Terror Act (ATA).   Kabilang sa mga grupo ang Freedom for Media, Freedom for All network, at 17 news organizations at 79 journalists, sa lumahok sa dumaraming umaalma laban sa ATA dahil ang mga probisyon ay yumuyurak anila sa “fundamental freedoms, including the …

Read More »

Digong tinurukan ng bakunang made in China

TINURUKAN kagabi ng CoVid-19 vaccine na gawa ng Chinese state firm Sinopharm si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.   Inilathala ni Sen. Christopher “Bong” Go sa kanyang Facebook page ang video ng pagpapabakuna ni Pangulong Duterte sa kanyang kaliwang braso kay Health Secretary Francisco Duque III dakong 6:59 kagabi.   “Pumayag dok n’ya,” sabi ni Go sa kanyang text message …

Read More »