Saturday , January 11 2025

News

Bulacan 911, maaari nang tawagan para sa emergency cases

BULACAN 911

OPERASYONAL na at maaari nang tumawag sa emergency hotline 911 ang mga Bulakenyo para sa anomang uri ng emergency na nangangailangan ng agarang tugon matapos pormal na ilunsad ang Bulacan 911 nitong Linggo ng umaga, 31 Oktubre, sa Bulacan Capitol Gymnasium, sa lungsod ng Malolos. Sinabi ni Gob. Daniel Fernando, matapos ang matagal na paghihintay, mabilis at madali nang makatatawag …

Read More »

Bistek may ‘konek’ kay Ping Lacson

Herbert Bautista, Ping Lacson

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MATAGAL na palang kakilala si dating Quezon City mayor at ngayo’y senatorial aspirant, Herbert “Bistek” Bautista ang presidential candidate niya na si Ping Lacson sa May 2022 election. Sa nakaraang Online Kumustahan sa Rizal na ginawa ni Ping, kasama ang ilan pang senatorial aspirants na sina Paolo Capino at Dr. Minguita Padilla, ikinuwento ni Bistek ang pelikulang ginawa niya noon kasama si Rudy Fernandez—ang Ping Lacson …

Read More »

Handog ni Mayor Boy Cruz tinanggap ni Konsehal Cris Castro
2 AMBULANSIYA SA 2 BARANGAY NG PANDI, BULACAN

ambulance Boy Cruz, Cris Castro, Micka Bautista

MASAYANG TINANG­GAP ni Pandi Councilor Cris Castro nitong nakaraang 24 Oktubre 2021 ang dalawang ambulansiya na ipinag­kaloob ni Guiguinto Mayor Ambrosio “Boy” Cruz para sa dalawang barangay ng naturang bayan, sa lalawigan ng Bulacan. Sa pagsuporta ni Mayor Boy Cruz, na tatakbong congressman sa ikalimang distrito ng Bulacan, isinabay na rin ang isang medical mission sa mga barangay ng Cacarong Bata …

Read More »

Taytay LGU wagi sa pandemic response

Taytay Rizal

DINAIG ng Garments Capital of the Philippines ang 1,497 munisipalidad sa pagpapatupad ng pandemic response, batay sa resultang inilabas ng Department of Interior and Local Government (DILG). Sa pinag-isang kalatas na inilabas ng DILG, Department of Information and Communications Technology (DICT), at National ICT Confederation of the Philippines (NICP), iginawad sa nasabing munisipalidad ang parangal bilang “Best on CoVid-19 Pandemic Response” …

Read More »

Motornapper ng Bulacan tiklo sa Pampanga

BUMAGSAK sa kamay ng batas ang isang kawatan ng motorsiklo sa Bulacan na kabilang sa most wanted persons (MWPs) ng Region 3 sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Brgy. Niqui, bayan ng Masantol, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado, 30 Oktubre. Ayon kay P/BGen. Valeriano De Leon, regional director ng PRO3 PNP,  kinilala ang suspek na si Roell Guintu, nakatala bilang pang-37 Regional …

Read More »

PNP applicants kinikilan Med rep timbog sa bitag

arrest, posas, fingerprints

NASAKOTE sa ikinasang entrapment operation malapit sa regional headquarters ng pulisya ang isang babaeng medical representative na inirekla­mong nangingikil ng pera mula sa mga aplikanteng magpupulis sa bayan ng Palo, lalawigan ng Leyte, nitong Biyernes, 29 Oktubre. Kinilala ang suspek na si Cherie Pulga, 36 anyos, isang medical representative, huli sa aktong tumanggap ng boodle money mula sa isang aplikanteng kanyang …

Read More »

Paninira sa panahon ng halalan, ‘wag patulan — Angat VM

Jowar Bautista

SA MENSAHE sa Facebook na inilahad ni Vice Mayor Jowar Bautista, tatakbong alkalde ng bayan ng Angat, sa lalawigan ng Bulacan, kanyang sinabing hindi niya pinapatulan ang mga paninira na walang kabuluhan lalo kung mga fictitious o dummy accounts ang nagbabato nito. Kasunod ito ng bintang na siya ang nasa likod ng mga paninira sa kanyang kalaban sa mayoralty race na …

Read More »

Navotas sasali sa pilot study ng face to face classes

NAVOTAS FACE TO FACE CLASSES

NAGPAHAYAG ng intensiyon ang pamahalaang lungsod ng Navotas sa pagsali sa pilot study ng face-to-face classes na gagawin sa 15 Nobyembre 2021. Ito’y matapos pirmahan ni Mayor Toby Tiangco ang sulat ni Dr. Al Ibañez, OIC-Assistant Schools Division Superintendent ng lungsod, bilang pagsang-ayon na sumali sa pilot study ng F2F classes. Ayon kay Mayor Tiangco, 45 senior high students ang …

Read More »

Mag-ama dinakip sa pagpatay sa retiradong sundalo

Antonio Yarra

QUEZON CITY, METRO MANILA — Dalawang araw makalipas patayin ang isang retiradong miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang mag-amang sinbaing repsonsable sa pagbaril sa sundalo, sa Barangay Inarawan sa Antipolo City.  Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director P/BGen. Antonio Yarra ang mga suspek na sina Deogenes …

Read More »

2 notoryus na miyembro ng criminal group timbog sa SACLEO

SA ISINAGAWANG Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) ng mga tauhan ng Pasay City Police, nasakote ang dalawang hinihinalang kasapi ng noturyos na Romil Villamin Criminal Group sa lungsod nitong 30 Oktubre. Kinilala ni Southern Police District (SPD) director, BGen. Jimili Macaraeg ang mga nasakoteng suspek na sina Raymond Andrade, alyas Raymond, 27, at Yuri Acelar, alyas Yuri, 32, …

Read More »

Akyat-bahay gang member, nagbenta ng baril sa pulis

ARESTADO ang isang notoryus na miyembro ng akyat bahay gang mata­pos bentahan ng baril ang isang pulis sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang naares­tong suspek na si Kevin Naga, alyas Kevin Fernan, 26 anyos, residente sa P. Zamora St., Brgy. 19 ng nasabing siyudad na nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 32 of …

Read More »

P.2-M shabu nabisto sa dalawang tulak sa Vale

HOYO ang kinahinatnan ng dalawang tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan ng mahigit P.2 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Sa ulat, dakong 2:40 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Joel Madre­galejo, sa ilalim …

Read More »

Sa lubak-lubak na iniwan ng Laguna Water
MAYOR MEL GECOLEA PARANG NASA ‘MOON’ ANG MGA TAGA-CABUYAO, HAPPY KA LANG?

Laguna Water, Lubak na daan, Cabuyao Laguna

BULABUGINni Jerry Yap SANDAMAKMAK na ang reklamo na ating natatanggap tungkol sa walang habas na paghuhukay ng mga kalsada riyan sa mga siyudad ng Cabuyao at Sta. Rosa, Laguna ng Laguna Water Co. Ang Laguna Water na isang subsidiary ng Manila Water Co., ay nakabase sa Nuvali, Sta. Rosa ang nangangasiwa sa pagwarak ‘este’ pagsu-supply ng inuming tubig sa mga …

Read More »

Top CPP-NPA leader patay sa ‘ambush’

110121 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO NAPATAY sa pananambang ng military, hindi sa enkuwentro si Jorge “Ka Oris” Madlos, tagapagsalita ng National Democratic Front (NDF) sa Mindanao at top New People’s Army (NPA) commander, at ang isang babaeng medic sa Impasug-ong Bukidnon nitong Biyernes. Inisyal na paglilinaw ito ng isang Maria Malaya, spokesperson ng NDF-Northeast Minda­nao sa isang kalatas kagabi. Ayon kay Malaya, …

Read More »

Al fresco dining ng minors, dedesisyonan ng IATF — DILG

No Entry, mall, indoor dine-in, Covid-19

INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na inaantabayanan nila sa ngayon ang magiging desisyon ng pamahalaan kung tuluyang papayagan ang mga menor de edad sa mga al fresco dining outlets sa mga susunod na araw. Ito ay sa gitna ng posibilidad na tuluyan nang maibaba sa Alert Level 2 ang National …

Read More »

Bus drivers isasalang sa on-the-spot breathalyzer test

INATASAN ni Metropolitàn Manila Development Authority (MMDA) chairman, Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., ang mga miyembro ng Road Emergency Group upang magsasagawa ng random o on-the-spot breathalyzer test sa mga driver ng bus upang matukoy kung sila ay nasa ilalim ng impluwensiya ng alak. Sinabi ni Abalos, hindi papayagang magmaneho ang mga driver na bumagsak sa pagsusulit. Dapat tiyakin ng …

Read More »

MMDA chair makikipag-usap sa Baclaran street vendors

Benhur Abalos, MMDA

HANDA si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman, Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., na makipag-dialogo sa street vendors partikular sa Baclaran na nasasakupan ng mga lungsod ng Pasay at Parañaque. Ito ang naging tugon ni Abalos sa biglang pagdami ng bilang ng illegal vendors sa Baclaran matapos ang ibaba ang alert level 3 sa Metro Manila na posibleng maging sanhi …

Read More »

Dumayo ng pagtutulak damo
MAGDYOWA NALAMBAT SA MALABON

DERESTO sa kulungan ang magdyowang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na dumayo sa Malabon City pero nasakote sa isinagawang buy bust operation ng pulisya, kahapon ng umaga. Kinilala ni Malabon City police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina David Kumar Geñorga at Vida Sandra Devanadera,  kapwa 21 anyos at residente sa Bagong Barrio, Caloocan City. …

Read More »

Bisikleta nadulas mangingisda utas

TODAS  ang isang 41-anyos mangingisda nang mabagok ang ulo sa semento matapos dumulas ang sinasakyang bisikleta habang papalabas ng kanilang garahe sa Navotas City, kahapon ng umaga. Patay agad ang biktimang kinilalang si Johan Calibjo, sa loob ng kanilang garahe sa #10 Fisherman Village, Brgy. Daanghari ng nasabing lungsod, sanhi ng pagkabagok na puminsala sa kanyang ulo at nabalian pa …

Read More »

Barangay chairman, lady official, sugatan sa riding-in-tandem

BINARIL at sugatan ang isang barangay chairman kabilang ang opisyal nito ng motorcycle riding in tandem suspects sa harapan ng barangay hall sa Pasay City. Isinugod sa San Juan De Dios Hospital ang mga biktimang sina Evan Basinillo, 49, chairman ng Barangay 179, Maricaban, Pasay City, may tama ng bala sa kaliwang bahagi ng baywang at kanang braso; at Rowena …

Read More »

Sinibak ng CBCP
3 PARI MAS PINILINGMAGLINGKOD SA TAOKAYSA SIMBAHAN

Sorsogon Diocese priest Father Noli Alparce

MANILA — Sa gitna ng pag-iinit ng usapin ng halalan, maging ilang miyembro ng klerigo ay nahimok nang pumasok sa politika at nagbunsod para alisin sa kanilang tungkulin ng mga opisyal ng Simbahan ang tatlong paring nagdeklarang tatakbo sa nalalapit na eleksiyon sa Mayo ng susunod na taon, 2022. Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), natanggap na …

Read More »

Bulacan PNP handa sa Undas
HIGIT 636 PULIS, 706 FORCE MULTIPLIERS IDE-DEPLOY

HANDA na ang Bulacan PNP sa taunang paggunita ng Undas na inaasahang daragsain ng malaking pulutong ng mga tao kahit nasa gitna ng pandemya ng CoVid-19 upang gunitain ang kanilang namayapang mga mahal sa buhay. Ayon kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PPO, mahigit 636 police officers at 706 force multipliers ang ide-deploy sa iba’t ibang …

Read More »

Sa Pampanga
2 PUGANTE NASAKOTE SA MABALACAT CITY

NAHULOG sa kamay ng mga alagad batas ang dalawang pugante nitong Miyerkoles, 27 Oktubre, sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga na malaon nang pinaghahanap ng batas. Batay sa ulat ni P/Col. Robin Sarmiento, acting provincial director ng Pampanga PPO, nagsagawa ng manhunta operation ang magkasanib na elemento ng Mabalacat CPS, 302nd MC RMFB3 3rd Platoon Polar Base, at 2nd …

Read More »

Most wanted rapist ng Malolos timbog

NASAKOTE ang itinuturing na most wanted person (MWP) ng lungsod ng Malolos, sa lalawigan ng Bulacan sa inilatag na manhunt operation ng pulisya kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Col. Manuel Lukban, Jr., provincial director ng Bulacan PPO, ang suspek na si Aldwin Bernardino, alyas Alphine, residente sa Brgy. Caingin, sa naturang lungsod. Batay sa ulat, nakorner si alyas Alphine sa …

Read More »