Thursday , June 4 2026
dead baby

Nabitiwan ng kapatid
BABY GIRL NAHULOG SA TRIKE, NASAGASAAN NG JEEPNEY PATAY 

SA HINDI malamang dahilan, humulagpos sa kamay ng nakatatandang kapatid ang isang 12-buwang sanggol na babae saka nahulog sa sinasakyang tricycle at nasagasaan ng pampasaherong jeepney sa J. Sumulong Ave., Brgy. Bagumbayan, Teresa, Rizal, nitong Biyernes ng umaga, 2 Setyembre.

Nabatid sa imbestigasyon ng Teresa MPS, dakong 10:30 am, tinatahak ng tricycle na minamaneho ng ama ng mga bata ang highway nang biglang mahulog ang bata mula sa loob.

Ayon sa Teresa MPS, angkas sa likod ng motorsiklo ang ina ng mga bata habang nasa loob ng side car ang tatlong magkakapatid.

Hawak ng isa sa mga bata ang biktimang nalaglag sa hindi matukoy na dahilan saka bumagsak sa kalsada at nasagasaan ng isang pampasaherong jeepnney.

Naitakbo sa pagamutan ang sanggol ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Samantala, nasa kustodiya ng Teresa MPS ang ama ng biktima at driver ng jeep para sa imbestigasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …