HINDI tinotoo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag na magreretiro sa politika pagbaba sa Malacañang sa 2022. Isinumite kahapon sa Commission on Elections (Comelec) ni Atty. Melchor Jaemond Aranas ang certificate of candidacy (COC) ni Pangulong Duterte bilang senatorial bet ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan party (PDDS). Pinalitan ni Duterte si Mona Liza Visorde na iniatras ang kanyang senatorial …
Read More »Face shield pinatanggal ng Palasyo
INAPROBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Emerging Infectious Diseases na luwagan ang patakaran sa paggamit ng face shield. Mandatory na lamang ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level at granular lockdowns. Habang sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3, 2, at 1 …
Read More »‘Musical director’ ni ‘Suklay Diva’ natagpuang naaagnas sa condo
NAAAGNAS nang matagpuan ang bangkay ng isang American Citizen na sinabing musical director at mister ng kilalang singer sa loob ng condo unit nito sa Quezon City, nitong Linggo ng hapon. Ang biktima ay kinilalang si Michael Adam Shapiro, 58, American Citizen, entertainer at residente sa Unit 3015 Zinnia Tower na matatagpuan sa Brgy. Katipunan, Quezon City. Siya ay asawa …
Read More »Walang nagdidikta at nagkokontrol sa pangulo — Bong Go
SINAGOT ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang paratang ni retired military general, pamosong red-tagger at presidential aspirant Antonio Parlade, Jr., na walang nagdidikta at nagkokontrol kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Go, ang desisyon ng Pangulo ay sarili niyang pasya at kanyang pinag-isipan nang ilang beses. Ngunit aminado si Go, nagbibigay siya ng mga suhestiyon o payo sa Pangulo …
Read More »
Kontrolado desisyon ni Duterte
BONG GO, PROBLEMA NG BAYAN – PARLADE
ni ROSE NOVENARIO ITINUTURING ni retired military general, pamosong red-tagger at presidential aspirant Antonio Parlade, Jr., na isa sa mga problema ng bayan ang isa pang presidential candidate na si Sen. Christopher “Bong” Go. Sa panayam kay Parlade matapos maghain ng certificate of candidacy (COC) bilang presidential bet ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino kapalit ni Antonio Valdez na iniatras ang …
Read More »Social media pages, ilang personalidad, sinampahan ng kaso ni Rose Lin sa NBI
DUMULOG sa National Bureau of Investigation (NBI) ang negosyanteng si Rose Nono-Lin nitong Lunes ng umaga para paimbestigahan at sampahan ng kaso ang mga nagpapakalat ng ‘malisyosong’ social media post na nag-aakusang drug lord umano ang kaniyang asawa at nagdadawit sa kanilang mga anak na pawang mga menor de edad sa naturang isyu. Tinukoy ni Lin ang ilang social media …
Read More »Direk Cathy 1st time sa MMFF; Abalos positibong magtatagumpay ang festival
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SA tinagal-tagal ng pagiging direktor ni Cathy Garcia Molina, ngayon lang pala siya nagkaroon ng entry at ito ay sa 47th Metro Manila Film Festival, ang Love at First Stream na pinagbibidahan nina Daniela Stranner, Kaori Oinuma, at Anthony Jennings. Hindi naman ikinaila ni Direk Cathy na gusto niya ring magkaroong ng entry sa MMFF. Aniya, hindi naisasali ang kanyang mga pelikula sa festival. “Medyo matagal …
Read More »Prankisa ng Meralco puwedeng kanselahin kahit sa 2028 pa mapapaso — solon
IPINAREREPASO ni House Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang prankisa ng Manila Electric Company (Meralco) sa gitna ng patuloy na pagtaas sa singil sa koryente. Sa isang privilege speech kamakailan, sinabi ni Rep. Marcoleta na dapat nang suriin at repasohin ng Kongreso ang prankisa ng Meralco kahit sa 2028 pa ito mapapaso. “Ngayon pa lang, Mr. Speaker, ay dapat na nating …
Read More »Kapitan ng barangay kritikal, driver todas sa ambush (Sa Teresa, Rizal)
HINDI nakaligtas sa kamatayan ang driver-bodyguard habang sugatan ang isang kapitan ng barangay nang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa bayan ng Teresa, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo ng madaling araw, 14 Nobyembre. Kinilala ang namatay na biktimang si Renato de Guzman, driver-bodyguard ni Brgy. Captain Allan Abunio ng Brgy. Calawis, Antipolo, dinala sa ospital dahil sa siyam na tama …
Read More »13-anyos ginawang sex slave ng ama
NAGWAKAS ang 10-buwan pagiging sex slave ng 13-anyos batang babae sa kamay ng sariling ama nang tuluyang madakip ng pulisya ang suspek kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City. Nabatid na nagsimula ang kalbaryo ng Grade 8 student na itinago sa pangalang Shane noong buwan ng Enero ng kasalukuyang taon habang nagtatrabaho bilang overseas Filipino worker (OFW) ang kanyang ina kaya’t ang …
Read More »
Dahil sa ‘rice scam’
EMPLEYADO NG BOCAUE PNP NASA ‘HOT WATER’
NALALAGAY sa alanganin ang isang non-uniformed personnel ng Bocaue Municipal Police Station (MPS) sa lalawigan ng Bulacan dahil sa reklamong pang-i-scam sa negosyong bigasan. Ayon kay P/Lt. Col. Ronnie Pascua, acting police chief ng Bocaue MPS, lumitaw sa imbestigasyon na si Ayla Joy Dela Cruz, residente sa JMJ Subd., Abangan Norte, Marilao, at empleyada sa naturang estasyon ay pinangakuan ang kanyang …
Read More »Top 1 most wanted ng Olongapo City timbog sa Bulacan
ARESTADO ang isang lalaking may kabit-kabit na warrants of arrest at itinuturing na top 1 most wanted person ng lungsod ng Olongapo matapos magtago ng apat na taon sa isinagawang manhunt operation sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 13 Nobyembre. Kinilala sa ulat ni P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PPO, ang …
Read More »Baby, 4 kapatid ‘nalibing’ sa landslide
BINAWIAN ng buhay ang limang batang magkakapatid kabilang ang bunsong sanggol, habang nakaligtas ang kanilang mga magulang, nang tamaan ng landslide ang kanilang bahay nitong Linggo ng umaga, 14 Nobyembre, sa Purok 2, Sitio Sawsaw, Brgy. Mandulog, sa lungsod ng Iligan, lalawigan ng Lanao del Norte. Ayon sa kaptian ng Brgy. Mandulog na si Abungal Cauntungan, walong pamilya ang apektado ng …
Read More »
Sa dalawang address na ibinigay
LAO HINDI NAHAGILAP NG OSAA
BIGO ang team ng Office of the Sargent at Arms (OSAA) ng Senado na maaresto si dating Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM) Undersecretary Christopher Lao sa mga address na kanyang itinala. Batay sa inilabas na impormasyon at larawan at video ng Senate PRIB, lumalabas na walang Christopher Lao na nanunuluyan sa mga address na kanyang ibinigay. Sa kanyang …
Read More »Yul at Raymond magbabakbakan sa pagka-Vice Mayor
I-FLEXni Jun Nardo MAGBABAKBAKAN yatang talaga sina Yul Servo at Raymond Bagatsing bilang Vice Mayor ng Maynila next year. Ayon sa report, nag-file na ng kanyang kandidatura si Raymond. Ang Mayor niya ay ang anak umano ng dating mayor ng Maynila na si Mel Lopez. Mas nauna nga lang sumabak sa politika si Yul. Si Raymond ay ang apelyidong Bagatsing ang dala-dala na …
Read More »Ping Lacson, G na G sa kulitan sa iPingTV
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGANDA pala kapag relax lang ang interview kay presidential aspirant Senador Ping Lacson dahil panay ang tawa niya, at mas makikilala pa siya lalo bilang isang asawa, ama, at boss. Sa video ng iPingTV( https://www.facebook.com/PingLacsonOfficial/videos/241069888013163), may panayam din sa kanyang mga anak na si Jay at Pampi (mister ni Iwa Moto). Gayundin ang butihing maybahay ng senador na si Maam Alice, at sa dalawang …
Read More »Mag-utol na Pharmally execs, arestado sa Davao City
DINAKIP ng Senate security personnel ang magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani, mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation kahapon sa Davao City International. Ayon kay Senate Sergeant-At-Arms Rene Samonte, nakatakdang sumakay sa chartered flight patungong Kuala Lumpur, Malaysia ang magkapatid na Dargani nang harangin ng Senate security team sa naturang paliparan. Nakadetine sa kasalukuyan ang magkapatid na Dargani sa gusali …
Read More »18,000 ISFs nagkabahay sa Quezon City
HALOS 18,000 informal settler families (ISFs) ang nabiyayaan ng disenteng tirahan sa ilalim ng socialized housing program ng pamahalaang lungsod ng Quezon City sa unang tatlong taon pa lamang ng panunungkulan ni Mayor Joy Belmonte. Ito ang inihayag ni Ramon Asper, hepe ng Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD), sa nakalipas na turn-over ceremony ng bagong tayong three-storey row …
Read More »
Naalarma sa maliit na budget
P50-B PONDO PARA SA KAKULANGAN SA PABAHAY ISINULONG
MATAPOS maalarma sa mababang budget na inilaan sa pabahay, isinulong ni San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes ang pagpasa ng panukalang paglalaan ng P50 bilyong makalulutas sa lumalalang kakulangan sa proyektong pabahay sa buong bansa. Sa kanyang pagsasalita sa Habitat for Humanity Philippines Housing Summit kamakailan, sinabi ni Robes na isusulong niya ang agarang pag-aproba sa …
Read More »Ambisyong politikal hahamakin ang lahat maging ang pamilya
BULABUGINni Jerry Yap KUNG tutuusin wala namang iba sa pag-aaway o paghihiwalay ng magkakapamilya pagdating sa politika. Nagiging mainit lang itong usapin ngayon dahil nga mag-eeleksiyon, bukod pa sa pagkakasangkot ng unpredictable na mag-amang Duterte — Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte. Kahapon, nalantad sa publiko na mukhang hindi alam ni Pangulong Duterte na naghain ng kandidatura para bise presidente …
Read More »
Miyembro kahit 4 lang
P4.1-B BUDGET NG QUEZON IPINASA NG KONSEHO
LUCENA CITY— Paspasang inaprobahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang nakabinbing 2021 Annual Budget kahit apat lamang ang dumalong miyembro nito sa isang special session noong Sabado. Sa pagpupursigi ni Bokal Donaldo “Jet” Suarez, anak ni Quezon Governor Danilo Suarez, ipinasa ng konseho ang 2021 Revised Provincial Annual Budget na P4,157,830,020. Una rito, binuo ng konseho kasama si Vice Governor Samuel …
Read More »
Mga kalaban puro trolls
FOLLOWERS NG TWITTER ACCOUNT NI LACSON, TOTOONG TAO
HATAW News Team LUMABAS sa isang pagsusuri na si Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson ang may pinakamaraming tunay at lehitimong follower sa Twitter, ayon sa random bot analysis at independent monitoring na ginawa ng isang Reddit user. Gamit ang sample size na 5,000 account mula sa 44,155 followers ni Lacson sa kanyang verified personal Twitter account (@iampinglacson), nadiskubre …
Read More »Duterte “cannot be reached” ni Sara
Ayon sa source na malapit sa pamilya Duterte, kawawa si Sara dahil walang access sa kanyang ama dahil binabakuran umano ni Go. Ginagawa umano ni Go ito upang protektahan ang mga “kanegosyo at allies” sa gobyerno. Kasunod nito, tinanggal na umano ni Sara ang lahat ng tauhan ni Go na nasa campaign team niya. Habang ang malapit na kaibigan ni …
Read More »
Agawan sa Palasyo
‘HOUSE OF DUTERTE’ GUMUHO NA
ni ROSE NOVENARIO MISTULANG kastilyong buhangin na gumuho ang pamilya Duterte na nalantad dahil sa mga hakbang at pangyayari kaugnay ng eleksiyon sa Mayo 2022. Malalaman sa mga susunod na araw kung “blood is thicker than water” kapag tinotoo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang banta na anomang oras ay may ‘pasabog’ siya kaugnay sa disgusto niya sa pagtakbo ng kanyang anak …
Read More »Lady Ex-solon inabsuwelto ng Sandiganbayan sa graft charges
IPINAWALANGSALA, kanina 12 Nobyembre 2021, ngayong Biyernes, ng Sandiganbayan si dating Caloocan Second District Representative Mitch Cajayon-Uy sa kasong graft kaugnay ng pork barrel scam o ang Priority Development Assistance Fund (PDAF). Nabatid sa isang unanimous decision ng Sandiganbayan Second Division, si Cajayon-Uy ay napawalang-sala sa dalawang counts ng Graft, isang count ng Malversation of Funds at isang count ng …
Read More »