Wednesday , December 7 2022
Angat Bulacan GulayAngat Festival

Ika-339 taon pagkakatatag ng Angat, Bulacan, ipagdiriwang ngayon

IDARAOS ngayong Lunes, 24 Oktubre, ang ika-399 taon pagkakatatag ng bayan ng Angat, sa lalawigan ng Bulacan na katatampukan ng mga programang isasagawa sa kanilang munisipyo at simbahan sa pangunguna ni Mayor Jowar Bautista.

Unang naging matagumpay ang inilunsad na Himig ng GulayAngat Festival Song Writing Competition noong 16 Oktubre, sa Greenfields Resort, Brgy. Binagbag, Angat. 

Kasabay nito, idinaos ang Pre-Pageant para sa Lakan at Lakambini ng GulayAngat 2022, kung saan ipinamalas ng mga kandidato ang kanilang talent at pagrampa nang naka-swimwear. 

Nakapaloob ang mga aktibidad na ito sa  pagdiriwang ng Ika-339 Taong Pagkakatatag ng Angat, pormal na binuksan noong 21 Oktubre sa pamamagitan ng Caravan mula sa Brgy. Niugan hanggang sa municipal gymnasium. 

Idinaos ang Laro ng Laking Gulayan 2022 na ginanap sa Matias A. Fernando Memorial School at Hapag ng Pamana-Gulayan Cooking Contest sa Municipal Evacuation Center.

Hinikayat ni Mayor Bautista ang bawat Angatenyo na sumuporta at makiisa sa makasaysayang pagdiriwang ngayong araw, tampok ang Indakan sa Gulayan at 2022 sa Gabe Supermarket Compound-Municipal Gym;  Misa ng Pasasalamat sa Sta. Monica Parish Church; at palatuntunan ng kulminasyon ng pagdiriwang sa Angat Municipal Ground. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

knife saksak

Pera pinagtalunan ng mag-asawa
BABAE KRITIKAL, MISTER PATAY SA SARILING SAKSAK

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang lalaki matapos saksakin ang sarili habang sugatan ang kinakasama …

Covid-19

Sa Cagayan
154 ESTUDYANTE, GURO MAY SINTOMAS NG COVID-19 F2F CLASSES SUSPENDIDO

PANSAMANTALANG ipinassuspende ni Mayor Samuel Siddayao ng bayan ng Gattaran, sa lalawigan ng Cagayan, ang …

Riding-in-tandem

Sa San Rafael, Bulacan
1 PATAY, 1 SUGATAN SA RIDING-IN-TANDEM

DEAD ON-THE SPOT ang isang lalaking sakay ng motorsiklo habang sugatan ang kanyang angkas matapos …

Rodolfo Azurin Jr Sofronio Capitle Jr PNP

Labi ng pinaslang na pulis-Pampanga dinalaw at ginawaran ng pagpupugay

BINISITA at binigyang-pugay ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Rodolfo Azurin, Jr., ang pulis …

MMDA, NCR, Metro Manila

MMDA clearing ops umarangakada na

MAHIGIT 30 sasakyan ang nahuli sa isinagawang clearing operation ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) …