Thursday , June 4 2026
arrest posas

Most wanted estapadora ng Bulacan arestado

NAHULOG sa kamay ng mga awtoridad ang isang babaeng matagal nang pinaghahanap ng batas kaugnay ng mga kasong kinakaharap sa hukuman na kanyang pinagtataguan sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 19 Oktubre.

Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, na si Marichu Vivas, residente sa Brgy. San Pablo, Hagonoy, nakatalang most wanted person sa municipal level ng Baliwag.

Dinakip si Vivas sa kanyang pinagtataguan sa Brgy. Bulihan, sa nabanggit na lungsod, dakong 4:10 pm noong Martes ng tracker team ng Malolos CPS katuwang ang 301st MC RMFB3.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest, sa kasong paglabag sa BP 22 (Bouncing Check Law 2 counts) na nilagdaan ni Presiding Judge Mario Pocholo Maceda Telan ng Baliuag Metropolitan Trial Court.

Kaugnay nito, nagsilbi ang mga operatiba ng Hagonoy MPS ng warrant of arrest laban sa parehong akusado para sa limang bilang ng kasong paglabag sa BP 22 na inilabas ni  Presiding Judge Khrystynn Cyd Rhia De Leon-Garcia, ng Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 134. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …