TALIWAS sa resulta ng Pulse Asia poll, sinabi ni dating senador Antonio Trillanes na umangat si presidential candidate at vice president Leni Robredo sa internal survey na ginawa ng Magdalo Group noong Enero. Sa katatapos na Pulse Asia survey na ginawa mula 19-24 Enero 2022, nakakuha si Ferdinand Marcos, Jr., ng 60 porsiyento habang 16 porsiyento si Robredo. Ngunit sinabi …
Read More »Pulse Asia ay ‘FALSE ASIA’
Bong napangiti sa pilyang sagot ni Rabiya sa kanilang kissing scene
I-FLEXni Jun Nardo NAPAPALIBUTAN ng tatlong beauty queens si Senator Bong Revilla, Jr. sa Book 2 ng Kapuso fantaseries niyang Agimat Ng Agila – Rabiya Mateo, Michelle Dee, at MJ Lastimosa. Aminado ang tatlong beauty titlists na nakadama sila ng takot nang malaman na ang senador ang makakasama nila. Pero napahanga si Senador Bong sa sagot ni Rabiya nang tanungin kung may kissing scene sila ng senador. …
Read More »Kapitbahay kinursunada kelot timbog sa boga
NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos pagtangkaang patayin ang nakursunadahang kapitbahay habang dumaraan sa labas ng kanyang bahay sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 12 Pebrero. Sa ulat kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang suspek na si Alberto Legazpi, residente sa Brgy. Bulusukan, sa nabanggit na bayan, dinakip …
Read More »
Sa Mabalacat, Pampanga
DRUG MAINTAINER, 10 PAROKYANO TIKLO SA BITAG NG PULISYA
ARESTADO ang isang pinaniniwalaang talamak na drug den maintainer kabilang ang kanyang 10 parokyano sa inilunsad na entrapment operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Central Luzon at lokal na pulisya sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado ng tanghali, 12 Pebrero 2022. Isinagawa ang napagkasunduang buy bust operation sa South Daang Bakal, Brgy. Dau, …
Read More »
Pagbebenta ng rights niraket
HOA PRESIDENT SA MONTALBAN SWAK SA SUMPAK
PERA na naging bato pa. Ito ang karanasan ng binansagang ‘lasenggong pangulo’ ng homeowners association na nahulihan ng baril matapos ireklamo sa madalas na panunutok tuwing nalalasing sa bayan ng Montalban (Rodriguez), lalawigan ng Rizal, nitong Sabado ng umaga, 12 Pebrero. Sa ulat na tinanggap ni Rizal PPO Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kay Rodriguez MPS P/Lt. Col. Marcelino Pipo, …
Read More »
13 taon nagtago
PUGANTE NG MARIKINA NASABAT SA PANGASINAN
NASAKOTE sa bayan ng Sison, lalawigan ng Pangasinan ang isang murder suspect sa Marikina na nagtago ng 13 taon sa mga awtoridad, nitong Sabado ng gabi, 12 Pebrero. Sa ulat, kinilala ni P/Col. Benliner Capili, hepe ng Marikina CPS, ang nadakip na suspek na si Leo Bassi, 51 anyos, may asawa, residente sa Brgy. Alibing, sa nabanggit na bayan. Sinalakay …
Read More »3 Chinese nationals arestado sa kidnapping
ARESTADO ang tatlong Chinese nationals sa ikinasang rescue operation ng mga awtoridad sa dalawa nilang kababayan na sinabing kinidnap at sinaktan, sa Parañaque City, nitong Sabado ng umaga, 12 Pebrero 2022. Kinilala ni Southern Police District (SPD) director P/Brig. General Jimili Macaraeg ang tatlong suspek na sina Jiang Jialin, 22 anyos; Wang Lei, 27, HR Officer ; at Wu, Jin …
Read More »
Tumanggi sa isinasanlang baril
NEGOSYANTE BINOGA NG KAPITBAHAY
SUGATAN ang isang negosyante matapos barilin ng kanyang kapitbahay makaraang tumanggi sa isinasanlang baril, Sabado ng umaga, sa Malabon City. Isinugod sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang kinilalang si Joey Tullo, 43 anyos, residente sa Block 9C, Lot 25, Hiwas St., Brgy. Longos, ngayon ay nakaratay matapos isailalim sa operasyon sa tama ng bala sa kanang hita. Tinutugis ng …
Read More »P2-M alahas tinangay ng nag-iisang akyat-bahay sa QC
UMABOT sa halos mahigit P2 milyong halaga ng mamahaling alahas ang natangay ng nag-iisang akyat bahay na nanloob sa tahanan ng isang negosyante sa Quezon City, nitong Linggo ng gabi. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) District Director, BGen. Remus Medina ang mga biktimang sina Richardson Chua Hernandez, 36 anyos, businessman, at live-in partner na si Shane Patiag Baredo, …
Read More »
NTC dapat kumilos
MAGING MATALAS VS FAKE NEWS — SENs. KIKO & SOTTO
KAPWA nanawagan sa publiko sina vice presidential candidates Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senator Francis “KIko” Pangilinan sa publiko na huwag maniwala at mag-ingat sa mga kumakalat na ‘fake news.’ Ayon kina Sotto at Pangilinan, hindi biro ang mga maling paratang at ipinapakalat na maling impormasyon sa pamamgitan ng social media at maging sa mga texts. Ipinunto ni …
Read More »Validity ng lisensiya ng tricycle at jeepney drivers palawigin — Solon
SA GITNA ng patuloy na pagbaba ng bilang ng nahahawa ng CoVid-19, hiniling ni House Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera sa Department of Transportation (DOTr) na palawigin ng anim na buwan ang bisa ng drivers license motor certificate of registration (CR) ng tricycle drivers at operators maging ang mga tsuper sa bansa. Naunang nagpadala ng liham ang …
Read More »Endoso ni Bro. Mike kay Marcos, Jr., maling-mali — Bacani
“ANG endorsement ni Bro. Mike kay Bongbong Marcos, sa aking palagay, ay maling-mali. Sapagkat kung mayroon man dapat i-endorse na pagka- presidente, hindi iyon si Bongbong Marcos.” Inihayag ito ni Most Rev. Bishop Teodoro Bacani, spiritual adviser ng Catholic charismatic group El Shaddai, kahapon bilang paglilinaw sa isyu ng pag-endoso ni Bro. Mike Velarde sa tambalang Marcos-Duterte sa 2022 elections. …
Read More »
Sa sponsored presidential debate
QUIBOLOY ‘BINOYKOT’ NG 4 ASPIRANTS
ni Rose Novenario INISNAB ng apat na presidential aspirants ang itinakdang presidential debate ng Sonshine Media Network International (SMNI), broadcasting arm ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ni Pastor Apollo Quiboloy ngayon. Hindi kaya ng konsensiya ni presidential candidate Senator Manny Pacquiao na dumalo sa naturang debate lalo na’t si Quiboloy ay wanted sa US sa iba’t ibang kaso kabilang …
Read More »Protocol violators sa campaign period, kakasuhan – Año
NAGBABALA si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na kaniyang kakasuhan ang kandidato o mga supporters na lalabag sa health protocols sa panahon ng kampanya para sa halalan sa Mayo. Ayon kay Año, nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang political parties at candidates upang mapaalalahanan ang kanilang mga supporters na obserbahan ang CoVid-19 health protocols …
Read More »Leni-Kiko suportado ng urban poor group
NAGPAKITA ng buong-puwersang pagsuporta ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang chapter ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa tambalang presidential candidate Leni Robredo at vice presidential candidate Francis “Kiko” Pangilinan. Ang suporta ng grupo sa tambalang Leni-Kiko ay nag-ugat sa ipinadamang pagkalinga upang sila’y makatawid noong 2020 sa kasagsagan ng unang Luzon hard lockdown. “Gusto namin si [Kiko] na …
Read More »Kasalan sa QC District 6
Pinag-isang dibdib ni QC Mayor Joy Belmonte ang 105 magkasintahan sa libreng magarbong wedding ceremony sa loob ng QUEZON n City Memorial Circle (QCMC) na dinaluhan din bilang ninang at ninong ang Team Marangal na Paglilingkod sa pangunguna ni Congresswoman Marivic Co Pilar, Councilors Eric Medina, Vic Bernardo, Doc Ellie Juan, Kristine Matias, Banjo Pilar, at Vito Sotto. Kasama rin …
Read More »
Sa pagkalat ng kasinungalingan
MARCOS, JR., MAY MALAKING PAKINABANG SA ‘FAKE NEWS’
ni ROSE NOVENARIO NAKIKINABANG ang anak ng diktador at presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa mga kumakalalat na kasinungaligan o falsehoods, ayon sa grupo ng fact-checkers para sa 2022 elections sa bansa. Sa weekly update sa website ng tsek.ph, grupo ng fact-checkers, nakasaad na ang mga lumalaganap na kabalintunaan ay pumapabor kay Marcos, Jr. Inihalimbawa ng grupo ang umano’y …
Read More »IdeaFirst naglunsad ng kompetisyon para sa playwrights
PABONGGAHANni Glen P. Sibonga NAGLABAS ng anunsiyo sa social media ang The IdeaFirst Company, na pinamumunuan nina Direk Jun Robles Lana at Direk Perci Intalan, para sa paglulunsad ng nationwide competition para sa playwrights at manunulat sa teatro. Ayon sa social media post ng IdeaFirst, “To ensure that the country’s legacy of dramatic writing will continue, we will be launching THE FILIPINO PLAYWRIGHT’S PRIZE …
Read More »Heart ‘di nakapagpigil magpaka-fangirl kay Chel Diokno
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAGPAKA-FANGIRL si Heart Evangelista kay senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno nang magkita sila sa Sorsogon kamakailan. Hindi nga napigilan si Heart para i-post ang picture nila ni Diokno sa kanyang Twitter account at sinabing, “I’m kilig. fan mode @ChelDiokno good luck po.” Hindi rin naman itinago ni Diokno na nagpaka-fanboy din siya kay Heart. “Ako po talaga yung totoong nag …
Read More »Kris pinasalamatan si Ping; Coco bet ni Lacson
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PINASALAMATAN ni Kris Aquino si Senator Panfilo Lacson ukol sa pagpapahayag nito ng magagandang salita tungkol sa kanyang kapatid na si dating Pangulong Benigno S. Aquino III. Ani Kris, naliwanagan siya sa mga sinabi ng senador. “From watching Jessica Soho’s interviews then seeing his statement repeated sa INQUIRER, I’d like to personally THANK Sen. Ping Lacson for making me feel …
Read More »Toni ‘di tamang tawaging traydor
HATAWANni Ed de Leon HINDI kami kani-kanino ha, at hindi kami nag-eendoso ng sinomang kandidato, pero sa tingin namin maling-mali iyong sinasabi nilang ‘traydor si Toni Gonzaga sa ABS-CBN’ nang mag-host siya ng proclamation of candidacy ng mga kandidatong may kinalaman sa pagpapasara ng ABS-CBN. Lalong hunghang ang nagsasabi na binayaran kasi siya ng “milyon para mag-host.’ Buti hindi sinabing binigyan ng isang …
Read More »BBM-Sara, NCR incumbents nanguna sa survey
SA NATIONAL Capital Region (NCR), nangunguna ang alyansa nina dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., (47.94%) at Mayor Sara Z. Duterte (44.62%). Isinasaad ng survey na karamihan sa mga nanunungkulan sa Metro Manila na tumatakbo para sa muling halalan o sa ibang katungkulan ay nananatiling pinakagustong kandidato sa pinakahuling pag-aaral ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD). Lumitaw sa survey …
Read More »Mga artista tuloy-tuloy na sumusuporta kay Robredo
TULOY ang pagdagsa ng suporta mula sa mga artista o celebrity sa kandidatura ni presidential bet at Vice President Leni Robredo. Kabilang sa mga bagong nagpahayag ng suporta ang mga beteranang aktres na sina Carmi Martin, Angel Aquino, at Marjorie Barretto. Sa isang video na ipinaskil sa Facebook, sinabi ni Martin na iboboto niya si Robredo sa May 2022 elections …
Read More »HB umalis at ‘di tinanggal sa Ping-Sotto tandem
I-FLEXni Jun Nardo BIRTHDAY month ngayong February ni Kris Aquino. Maaga ngang bumati sa kanya si Manay Lolit Solis na malapit sa kanya. Sa post ni Manay sa kanyang Instagram kahapon, sa opinyon niya, bagay sila ng senatoriable Herbert Bautista dahil may sariling career. Tinanong namin si Bistek kung ano ang reaksiyon niya sa aming group chat. Tiklop ang bibig niya! Pero nang tanungin naming …
Read More »Karla nakaligtas sa lait, natakot kay Daniel
HATAWANni Ed de Leon HABANG halos maghapong nilalait si Toni Gonzaga sa cable channels at sa social media, dahil sa kanyang pinanindigang political leanings, wala isa mang lumait kay Karla Estrada na naroroon din sa kaparehong rally. Sabi nila, si Karla naman daw ay guest lang at lumitaw doon dahil sa kanyang party list, hindi gaya ni Toni na host pa . May nagsasabing …
Read More »