Wednesday , June 19 2024
Lito Lapid

Lito Lapid naghain ng panukalang-batas para mabigyan ng ‘tax break’ ang mga producer 

TIYAK na matutuwa ang mga movie producer sa pagsusulong ng isang panukalang-batas para mabawasan ang tax na binabayaran ng mga local film at entertainment industries.

Ito ay sa paghahain ni Sen. Lito Lapid ng Senate Bill No. 2056 na magkakaroon ang local entertainment industry ng mas malaking tsansa na makabawi mula sa pagkalugi dulot ng pandemya, piracy, at pagdami ng streaming media.

Sa pamamagitan ng probisyon ng kinakailangang income tax break at ang exemption ng mga exhibitor mula sa pagbabayad ng amusement tax, malaki ang magiging tulong nito sa mga producer.

Ang paghahain ni Sen Lapid ay tamang-tama sa  magaganap na 1st Summer Metro Manila Film Festival na walong pelikula ang maglalaban-laban sa takilya simula sa April 8 at tatagal hanggang April 18.

“Ang panukalang-batas na ito ay para na rin mahikayat natin ang mas marami nating mga kababayan na bumalik sa mga sinehan at suportahan ang mga pelikulang Filipino gaya na lamang po ng mga official entries sa Summer MMFF.

“Kailangan nating bigyan ang industriya ng kinakailangang suporta sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga tax breaks na tutulong sa kanilang lumikha ng mahuhusay na sining na may competitive pricing na abot-kaya pa rin para sa ating mga kababayan,” ani Sen. Lapid.

Sinabi pa ni Sen. Lapid, “Ang pagbabalik po ng ating mga kababayan sa ating mga sinehan at teatro ay makapagbibigay ng tulong sa ating ekonomiya hindi lamang sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho sa mga nasa industriya, kundi sa mga karatig na economic activities sa paglikha ng mga pelikula at live performance kagaya ng mga restoran at mga shop na nagtitinda sa mga nanood ng mga pelikula at concert.

“Kasama pong benepisyo nito ay ang pagbibigay buhay sa ating sining ng mismo nating mga kababayan,” sabi pa ng senador.

Nakasaad pa sa iminungkahing panukala ng aktor/senador na kikilalanin bilang “Local Arts and Entertainment Industry Promotions Act,” sinumang lokal na producer ng pelikula na gumagamit ng hindi bababa sa 80% ng badyet para sa talento at kawaning Filipino ay maaaring mag-claim ng kabuuang mga gastos na nagamit sa pagpapatupad, produksiyon, at pagpapalabas ng pelikula sa kondisyon na ang paghahabol para sa exemption ay dapat payagan bilang bawas mula sa kabuuang kita ng kompanya para sa parehong taxable year na ang kabuuang halaga ng tax exemption ay dapat isama sa kanilang kabuuang kita o mga kita at sasailalim sa wastong dokumentasyon at sa mga probisyon sa mga pinahihintulutang bawas.

“Umaasa ako na susuportahan din ng aking mga kasamahan sa Senado ang pagpasa ng panukalang ito upang mas maiangat pa natin ang kalidd ng ating local film and music industries.

“Inaanyayahan ko rin po ang lahat na suportahan ang unang Metro Manila Summer Film Festival.  Ang inyo pong lingkod ay parte ng #APAG sa direksiyon po ito ng napakagaling na si Direk Brillante Mendoza,” giit pa ng senador. (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrea nagpagulong-gulong at umiyak, picture pinusuan ng Koren star 

MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang maiyak ni Andrea Brillantes pagkatapos i-heart ng isang Korean star ang litrato …

Liza Soberano Julia Barretto Kathryn Bernardo

Liza at Julia ‘di issue mag-unfollow man kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon EWAN kung bakit parang issue pa na nag-unfollow si Liza Soberano at Julia Barretto kay Kathryn …

Maine Mendoza TV5

Maine Mendoza ‘di binastos nagpakuha ng selfie

HATAWANni Ed de Leon BINANATAN ng isang netizen si Maine Mendoza dahil nagpa-picture nga raw iyon pero hindi …

Jhong Hilario Vhong Navarro Ogie Alcasid Vice Ganda

Ogie, Jhong, Vhong ‘nakakanti’ rin ni Vice Ganda

HATAWANni Ed de Leon EWAN kung paanong natatagalan ng mga kasama niya sa show si Vice …

DingDong Dantes Marian Rivera Zia Sixto

Marian tagos sa puso mensahe kay Dingdong sa Father’s Day 

I-FLEXni Jun Nardo SIMPLE pero tagos sa puso ang mensahe ni Marian Rivera sa asawang si Dingdong Dantes sa Facebook nito …