SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
MARAMI ang humanga sa pagiging game at walang arte ng Hollywood star na si Vanessa Hudgens sa ginanap na media conference nito noong March 31 sa Manila House sa Bonifacio Global City, Taguig City na ang host ay si Boy Abunda.
Lahat ng katanungan ng King of Talk ay magiliw na sinagot ni Vanessa kasama na ang pagsasabing kung siya ang masusunod, isasama niya ang Pilipinas sa mga pagpipiliang lugar kung saan sila magpapakasal ng kanyang fiancé na si Cole Tucker.
Gustong-gusto at masayang-masaya si Vanessa nang makapasyal siya Pilipinas kaya naman nasabi niya ito. Bukod pa sa paghanga niya sa magagandang kaugalian ng mga Pinoy na pina-praktis nila ang ilan sa kanilang tahanan dahil Filipina ang kanyang inang si Ms. Gina Guangco.
Bumisita si Vanessa sa bansa para balikan at mapag-aralan ang kanyang Filipino heritage. Balak niyang ipamana sa kanyang magiging mga anak ang lahat ng matututunan niya sa gagawing travel docu.
Pagbabahagi ni Vanessa, madalas ikuwento sa kanila ng kanyang ina ang tungkol sa Pilipinas. “It’s always about family. It’s very much about the closeness of your family.
“How when someone’s married, they’re like, ‘Move into the family.’ And it’s like you don’t leave when you go to college, you don’t leave the house, everybody sticks together.
“But, like, I didn’t really know much about the history and the lineage and what the vibe was, honestly.”
At madalas din daw silang lutuan ng kanyang ina ng pancit at adobo.
Nang kumustahin ang pananatili niya sa Pilipinas sa loob ng ilang araw, nakita niya kung gaano kahalaga ang pamilya sa mga Pinoy. “It’s been really interesting and really beautiful and eye-opening. I feel like just the family aspect of the Philippines is something that is so prominent and so strong.
“I’ve always been close to my mom and my sister. We kinda like go as a pack all the time. That’s definitely something that comes from my heritage,” ani Vanessa.
Sinabi rin ni Vanessa kung gaano siya ka-obsess sa mga furniture na matatagpuan sa Cebu. “I’m so obsessed with the Filipino furniture and lighting. The use of natural elements, the wicker, the rattan, the mother of pearl.
“It’s all just so beautiful to me. And something that I’ve always loved. And I’m, like, ‘Oh yeah, makes sense, because it’s Filipino,’” sambit pa ng bida sa High School Musical.
Samantala, gandang-ganda siya sa Pangulasian Island sa Bacuit Bay, El Nido, Palawan na aniya’y isang paraside para sa kanya.
“I already can’t wait to come back. I feel like the time I have spent here has been so special. But I need more time. The country is so big, it has so much to offer.
“I’m a big nature girl, big beach girl. There are so many beautiful beaches here that I still have to go to. There’s so much to do. I haven’t even gone shopping,” natatawang pagbubuking pa ni Vanessa sa sarili.
At sa tanong kung paano niya ide-describe ang mga Filipino na nakilala niya sa pagbisita niya sa bansa, “It’s about kindness. Everybody is so warm and so friendly. The people here are very unique. Everyone is just so warm.
“I feel like I haven’t met anyone who seems like they’re having a bad day. The hospitality is unmatched. It’s just a really magical place,” pahayag pa ni Vanessa. (MValdez)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com