Sunday , May 28 2023
paputok firecrackers

 Kaligtasan muna, ayon sa mga pyro manufacturer dealers

Upang mapanatiling sariwa sa kaisipan ng mga stakeholder ang safety practices sa paggawa, pagbebenta, pamamahagi at tamang paggamit ng mga produktong paputok, nagsagawa ng seminar ang Philippine Pyrotechnics Manufacturer Dealers Association Inc.. kasama ang Philippine National Police Civil Security Group-Firearms and Explosive Office sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Lungsod ng Malolos, Bulacan nitong nakaraang Linggo.

Kailangan ng retailers, manufacturers, dealers, at display operators ang pagdalo sa nasabing safety seminar upang sila ay makakuha ng lisensya.

Samantala, bilang panauhing pandangal at tagapagsalita, pinaalalahanan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga dumalo sa kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa iba’t ibang safety protocols pagdating sa pamamahala ng mga paputok.

“Iniiwasan po natin na may masaktan at mapahamak nang dahil sa hindi maayos na pag-ooperate ng mga paputok. Sa atin po nagsimula ang kaligtasan ng bawat isa kaya naman mahalaga na may karagdagang kaalaman ang ating mga retailer upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng bawat isa,” ani Fernando.

Dumalo rin sa seminar sina Chief of Staff at concurrent Provincial Cooperative and Enterprise Development Head Atty. Jayric L. Amil at ilang opisyal ng PNP kabilang sina RCSU3 PCOL Nolie Q. Asuncion, FEO Acting Chief PCOL Paul Kenneth T. Lucas, at Bulacan PPO Provincial Director Relly B. Arnedo.(Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Nelson Santos PAPI RTC

Pagpili ng ‘PAPI’s Outstanding Court Sheriff inilunsad na

BINUKSAN na ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) ang pagpili sa natatanging sheriff …

DOST 10 PAPI DOST Flores Lantapan, Bukidnon Pineapple Fiber

DOST, Congressman Flores ink partnership to launch project on Pineapple Fiber Extraction in Lantapan

The Department of Science and Technology (DOST) and Representative Jonathan Keith Flores of the 2nd …

DOST 10 Subanen S&T Digital library

628 Subanen learners benefit from DOST’s S&T Digital library

Six hundred twenty-eight Subanen learners from Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) in Conception, Misamis …

Bulacan Police PNP

Negosyante na may kasong sexual abuse nasakote; 24 pang law breakers siyut sa balde

Umiskor ng matagumpay na operasyon ang pulisya sa Bulacan nang mahulog sa kanilang mga kamay …

dead gun police

Engkuwentro sa Bataan: 2 gunrunner 1 pulis patay 2 sugatan