Sunday , November 24 2024

News

Bantay salakay
DRUG STORE HINOLDAP NG ‘SARILING SEKYU’

120722 Hataw Frontpage

TINUTUGIS ng mga awtoridad ang 35-anyos security guard na nangholdap at lumimas sa perang kinita ng binabantayang drug store sa Quezon City, Martes ng umaga. Kinilala ang suspek na si Erick Sebongero Mercado, 35, security guard ng Integrated Industrial Security Services Inc., at nakatalaga sa Mercury Drug Banawe branch, tubong San Carlos City, Negros Occidental, residente sa Brgy. Payatas, Area …

Read More »

Kuweba sa Kalinga gumuho minero natabunan, patay

HINDI nakaligtasang isang 35-anyos minero nang matabunan sa kinaroroonang kuweba sa Sitio Magadgad, Brgy. Galdang, bayan ng Pasil, lalawigan ng Kalinga nitong Linggo, 4 Disyembre. Kinilala ng Pasil MPS ang biktimang si Milnar Wa-il Bag-ayan, 35 anyos, binata, at residente sa nabanggit na barangay. Ayon sa pulisya, pumasok ang minero sa “minahan ng bayan” dakong 3:00 pm noong Sabado, 3 …

Read More »

Nahulog na tsinelas sinagip, 11-anyos totoy nalunod

Lunod, Drown

BINAWIAN ng buhay ang isang bata sa bayan ng San Rafael, sa lalawigan ng Bulacan, nang malunod sa irigasyon habang nagtatangkang kunin ang nahulog niyang tsinelas nitong Sabado, 3 Disyembre. Kinilala ang biktimang si Anthony Basquiña, 11 anyos, isang Grade 5 student. Ayon sa lola ni Anthony na si Juanita Bagay, nagpunta sa naturang irigasyon ang kaniyang apo noong Sabado …

Read More »

Sa Cebu City
P12-M ARI-ARIAN NAABO SA 2 SUNOG

fire sunog bombero

TINATAYANG higit sa P12-milyong halaga ng ari-arian ang natupok sa dalawang magkahiwalay na sunog sa lungsod ng Cebu nitong Linggo, 4 Disyembre. Naganap ang unang sunog pasado 1:00 am sa Brgy. Mambaling, hindi bababa sa 150 bahay ang naabo. Umabot ng higit dalawang oras bago tuluyang naapula ng mga pamatay sunog ang apoy. Ayon kay Fire Officer 3 Emerson Arceo, …

Read More »

23 law breakers sa Bulacan inihoyo

Bulacan Police PNP

ARESTADO ang 23 kataong pawang mga lumabag sa batas sa sunod-sunod na operasyong isinagawa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 4 Disyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, narekober ang halagang P170,000 hinihinalang shabu ng Provincial Intelligence Unit (PIU) katuwang ang San Jose del Monte CPS sa ikinasang buy-bust operation sa  Brgy. …

Read More »

Bata isinasama sa pagnanakaw
MAG-ASAWA TINUTUGIS SA ‘MOTORNAPPING’

Motorcycles

KASALUKUYANG pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang babae at isang lalaki na may kasamang bata nang tangayin ang motorsiklo ng isang residente sa bayan ng Sta. Maria, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 4 Disyembre. Kinilala ang may-ari ng ninakaw na motorsiklong si Degie Gisalan, residente sa Sitio Pisang, Brgy. San Jose Patag, sa naturang bayan. Naganap ang pagnanakaw dakong …

Read More »

MWF hindi na bago – GMA
Makabayan tutol sa panukala

Money Bagman

HINDI na bago ang pagbuo ng isang sovereign wealth fund kagaya ng Maharlika Wealth Fund dahil ginagawa ito sa ibang bansa, ayon kay dating Pangulo Gloria Macapagal -Arroyo. Si Arroyo, kinatawan ng Pangalawang Distrito ng Pampanga, ay naglabas ng liham na sumusuporta sa panukalang magbubuo ng Maharlika Wealth Fund mula sa pondo ng Social Security System (SSS) at GSIS na …

Read More »

High-rise housing projects tugon sa kakapusan ng disenteng tirahan

High-rise housing projects BLISS

IKINOKONSIDERA ng pamahalaan ang pagtatayo ng high-rise housing o matataas na yunit ng pabahay upang matugunan ang kasalukuyang backlog at makahabol sa tumataas na pangangailangan para sa disenteng tirahan. Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa kanyang talumpati sa ceremonial turnover ng mga house and lot units mula sa National Housing Authority (NHA) sa Naic, Cavite kahapon na kulang …

Read More »

Aprobado sa bicameral conference committee
P5.27-T NAT’L BUDGET RATIPIKADO SA SENADO
P10-B ng NTF-ELCAC, P150-M DepEd confidential funds ibinalik

Sonny Angara Money Senate

RATIPIKADO na sa senado ang inaprobhang Bicameral Conference Committee report o ang P5.27 trilyon national budget para taong 2023. Tanging sina Senate Minority Leader Aqulino “Koko” Pimntel III at Senadora Risa Hontiveros ang tumutol sa ratipikasyon ng panukalang 2023 national budget. Sa bicam report, muling naibalik ang P150 milyong confidential funds para sa Department of Education (DepEd) na pinamumunuan ni …

Read More »

Pondo ng SSS, GSIS para sa Maharlika  ‘unconstitutional’ — retired SC justice

120622 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO UNCONSTITUTIONAL o labag sa Konstitusyon ang paggamit ng investible funds para sa panukalang Maharlika Wealth Fund, ayon kay retired Supreme Court Justice Antonio Carpio.                Sinabi ni Carpio, ang mga pondo ng GSIS at SSS ay personal na kontribusyon ng kanilang mga miyembro, kasama ang counterparts mula sa kanilang mga amo.                “Kaya, ang kita ng SSS …

Read More »

Karinderya pinaulanan ng bala
2 PATAY, 2 SUGATAN

dead gun police

AGAD namatay ang dalawang lalaki habang sugatan ang dalawang iba pa nang paulanan sila ng bala ng apat na hindi kilalang mga suspek sa isang karinderya sa National Highway, sa Brgy. Sto. Niño, sa bayan ng Tunga, lalawigan ng Leyte, nitong Linggo, 4 Disyembre. Kinilala ang mga napaslang na biktimang sina Benjamin Balais at Ace Sonorio, kapwa mga residente sa …

Read More »

P.3-M droga nasabat
2 HVT arestado sa Rizal

Rizal Police PNP

NADAKIP ang dalawang indibidwal na pinaniniwalaang mga tulak at nakatala bilang high value target sa ikinasang anti-drugs operation ng Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit sa bayan ng San Mateo, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo, 4 Disyembre. Sa ulat ni P/SSgt. Ederico Zalavaria, ng Rizal Provincial Intelligence Unit (PIU) kay Rizal PPO Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kinilala …

Read More »

Sa Cagayan
MAG-ANAK, KAPITBAHAY PATAY 8 SUGATAN SA 3 SASAKYANG NAGBANGGAAN

road traffic accident

BINAWIAN ng buhay ang tatlong magkakaanak at kanilang kapitbahay habang sugatan ang walong iba pa, sa banggaang sangkot ang dalawang tricycle at isang sports utility vehicle sa National Highway, bayan ng  Gonzaga, lalawigan ng Cagayan, nitong Sabado ng gabi, 3 Disyembre. Kinilala ng PRO2 PNP ang mga biktimang sina Donato at Marineth Barsatan ng Brgy. Malumibit Sur, Flora, ang kanilang …

Read More »

10 tulak, 4 pugante nalambat sa Bulacan

Bulacan Police PNP

MAGKAKASUNOD na naaresto ang 10 hinihinalang tulak at apat na pugante sa pagpapatuloy ng pinaigting na Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 3 Disyembre. Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, dinakip ang 10 indibiduwal sa ikinasang anti-drug bust na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng …

Read More »

Sa Mabalacat City, Pampanga
3 SUSPEK SA PAGPASLANG SA DALAWANG PULIS TIKLO

arrest, posas, fingerprints

ILANG oras matapos mapatay ang dalawang pulis sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga nitong Sabado, 3 Disyembre, nasukol ang tatlo sa limang suspek sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad. Ipinahayag ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen kamakalawa ng tanghali ang pagkakadakip sa tatlong pangunahing suspek sa krimen na kinilalang sina Jun Jun Baluyut, 44 anyos, ng Xevera …

Read More »

HVI huli sa P .3-M shabu

shabu drug arrest

ARESTADO ang isang high value individual (HVI) na miyembro ng isang criminal group matapos makuhaan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu nang masakote ng pulisya sa buy-bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni P/Lt. Col. Renato Castillo, hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDED) ang naarestong suspek na si Jonnel Nabera, alyas Iyang, 37 anyos, …

Read More »

Rider todas, angkas kritikal

road accident

PATAY ang isang rider habang nasa kritikal na kalagayan ang kanyang angkas nang ma-hit and run ng isang trailer truck sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Kaagad binawian ng buhay sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Cristopher Endrac, 22 anyos, ridge sling man ng TBSCY Container Yard, at residente sa R-10 Sitio Puting Bato, North …

Read More »

FM Jr., nag-Santa Claus sa 600 bata sa Malacañang

Bongbong Marcos Santa Claus Malacañang

MAY 600 batang nakatira sa mga komunidad sa paligid ng Malacañang complex sa San Miguel, Maynila ang  tumanggap ng mga aginaldo mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., sa Malacañang kahapon ng umaga. May temang “Balik Sigla, Bigay Saya,” pinangunahan ni FM Jr., ang nationwide gift giving activity sa Kalayaan Grounds sa Malacañan Palace, kasama si First Lady Louise “Liza” …

Read More »

Ngayong Christmas rush
PROTEKSIYON PABOR SA MGA MAMIMILI NAIS PAIGTINGIN

Consumer Act

SA GITNA ng biglaang dagsa ng mga mamimili bago sumapit ang Pasko, sinabi ni Senador Win Gatchalian na sa ganitong panahon ay hindi dapat naaabuso ang karapatan ng mga mamimili, bagkus dapat ay nabibigyan pa nga ng proteksiyon. Kaugnay nito, sinabi ng senador na nais niyang maamyendahan ang Consumer Act of the Philippines (Republic Act No. 7394) upang palakasin ang …

Read More »

Suplay ng baboy, sapat para sa Pasko — DA

baboy money Department of Agriculture

TINIYAK ni Department of Agriculture (DA) Deputy Spokesperson Rex Estoperez, sapat ang suplay ng baboy para matugunan ang pangangailangan sa merkado ngayong kapaskuhan. Ayon kay Estoperez, dahil mas gusto ng mga mamimili na bumili ng sariwang karne, tanging ang mga nagbebenta ng frozen meat ang nag-aalangan na ilabas ang kanilang mga supply nang maramihan. “Ayun nga lang, kung may frozen …

Read More »

Bebot na-trap, sa gumuhong building, 2 pa sugatan 

Bebot na-trap, sa gumuhong building, 2 pa sugatan

NA-TRAP ang isang 22-anyos babae habang dalawa ang sugatan matapos gumuho ang isang 4-storey residential building sa Malabon City, kahapon ng umaga. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, si Ronalyn Tumbokon ay na-rescue dakong 11:25 am nang ma-trap ng higit apat na oras sa gumuhong residential building sa Orchids St., Brgy. Longos, dakong 7:00 am. Kinilala ang dalawa …

Read More »

Kuya Dick pwede pang umapela sa CA at SC

Roderick Paulate

HATAWANni Ed de Leon NAKIKIUSAP si Roderick Paulate na huwag “pag-fiestahan ang kaso ko.” Matapos na mahatulang guilty ng Sandigang Bayan noong nakaraang linggo, hindi lamang sa lehitimong media kundi lalo na nga sa social media na kung ano-ano pa ang sinasabi. Masakit iyong mga sinasabi nila lalo na nga’t masasabi naman siguro natin na ang totoong layunin ni Kuya Dick ay …

Read More »

Sa Taguig City
2 HS STUDENTS, 4 KAMAG-ANAK INASUNTO VS BOMB THREAT

120522 Hataw Frontpage

SINAMPAHAN ng kasong paglabag sa Anti-Terrorism Act ang dalawang high school students at apat na kamag-anak sa Taguig Prosecutors’ Office dahil sa pagbabantang pasasabugin ang Signal Village National High School. Magugunitang noong nakaraang buwan, nabulabog ang nasabing paaralan dahil sa  pagbabantang pasasabugin at papatayin ang lahat ng mga estudyante. Kinilala ang mga sinampahan ng kaso sa alyas na Angela, 16 …

Read More »

Rank No. 10 MWP
WANTED SA ROBBERY, NASAKOTE SA KANKALOO

Arrest Posas Handcuff

BAGSAK sa kulungan ang isang miyembro ng “Limos Carnapping Group” na nasa talaan bilang rank no. 10 most wanted person (MWP) sa Pasig City matapos maaresto ng pulisya sa manhunt operation sa Caloocan City. Kinilala ni Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones, Jr., ang naarestong akusado na si Romeo Catalan, alyas Estong, 36 anyos, at …

Read More »