Wednesday , November 13 2024
dead gun

Sa Sariaya, Quezon
2 LALAKI TUMIMBUWANG SA BOGA

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki na pinaniniwalaang pinagbabaril ng hindi kilalang suspek habang nakatayo sa isang waiting shed sa Brgy. Lutucan, bayan ng Sariaya, lalawigan ng Quezon, nitong Sabado ng gabi, 5 Oktubre.

Kinilala ang mga biktimang sina Bernardo Maranan, alyas Tibor; at June Regalado, alyas Asim, na natagpuan ng mga nagrespondeng pulis na may mga tama ng bala ng baril sa kanilang mga katawan sa Sitio Mangga, sa nabanggit na barangay, dakong 8:30 pm kamakalawa.

Ayon kay P/Lt. Col. Carlo Caceres, hepe ng Sariaya MPS, nakalaya si Maranan mula sa police custodial facility para sa kaso kaugnay ng droga dahil sa plea bargaining agreement.

Ani Caceras, tinitingnan nila ang anggulong onsehan sa droga bilang motibo sa pamamaslang.

Kagagaling umano ng mga biktima sa kanilang bahay na magkaangkas sa motorsiklo nang makasalubong ang isang tao sa madilim na bahagi ng tabing kalsada.

Ilang minuto ang nakalipas, dumating ang gunman na sakay ng isang motorsiklo at pinagbabaril ang mga biktima gamit ang kalibre .45 baril na naging sanhi ng kanilang agarang pagkamatay.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga responsable sa krimen. (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

GCash

Pinaghirapang pera ng GCash users dapat ibalik — Kiko

MABUTING tiyakin ng gobyerno na maibabalik sa lalong madaling panahon ang pinaghirapang pera ng ating …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

Carlwyn Baldo

Daraga Mayor Carlwyn Baldo, isinugod sa pribadong ospital

ISINUGOD sa isang ospital sa Bonifacio Global City si Daraga Mayor Carlwyn Baldo mula sa …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …