ni ED DE LEON NATAGPUANG walang buhay ang batikang aktres na si Jaclyn Jose sa kanyang tahanan sa Quezon City, kahapon (araw ng Linggo) 3 Marso 2024. Kinompirma ito ng management ng 59-anyos aktres, ang PPL Entertainment Inc., na nag-release ng statement ukol sa malungkot na balita. Humihingi ng panalangin ang pamilya Guck at Eigenmann gayondin ang pagrespeto sa kanilang …
Read More »PREMYADONG AKTRES JACLYN JOSE, NATAGPUANG WALANG BUHAY, IMBESTIGASYON NAGPAPATULOY
Pura Luka Vega arestado ulit!
MULING Inaresto ng mga operatiba ni MPD Station 3 commander PltCol Leandro Gutierrez ang tinaguriang drag queen na si Pura Luka Vega sa bisa ng Warrant of arrest sa kasong immoral doctrines, obscene publications and exhibitions at indecent shows. Matatandaan na Oktubre 2023 unang inaresto si Luka dahil sa nasabing kaso. Ang naturang pagaresto ay muling pinangunahan ni PMAJ Billy …
Read More »Pinadali at pinabilis na sistema para maiayos ang mga mali sa Birth Certificate nilinaw ng PSA
DETALYADONG ipinaliwanag ng Philippine Statistics Authority o PSA ang mas pinadaling paraan at pinabilis na sistema sa pag-aayos o pagtatama sa mga may maling detalye ng birth certificates. Sa pagdiriwang ng 34th National Civil Registration Month, sinabi ni Noeville G. Nacion, registration officer II ng PSA-Bulacan, na mainam na maasikaso nang mas maaga kung anuman ang depekto sa isang partikular …
Read More »
Sa DigiPlus
MAGING RESPONSABLENG GAMER, PUWEDE
PINAIIGTING ng DigiPlus Interactive Corp. (DigiPlus), operator ng mga nangungunang digital platform gaya ng BingoPlus, ArenaPlus, at PeryaGame, ang tawag para sa responsableng mga gawi sa gaming, sa gitna ng pag-iimbita nito sa mga costumer na sumali sa kapana-panabik nitong mga handog. Bilang pinakamabilis na grupo ng digital entertainment sa bansa, hatid ng DigiPlus ang walang humpay na saya at …
Read More »Vape company ipinasasara ng Kamara
NANAWAGAN ang Kamara de Representantes sa Securities and Exchange Commission (SEC), sa Department of Trade and Industry (DTI) at sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na buwagin ang negosyo ng Flava, isang kompanya ng vape, sinabing patuloy na lumalabag sa batas. Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, Chairman ng House Committee on Ways and Means, sandamakmak ang paglabag ng Flava …
Read More »Cayetano isinulong maayos na alert system para preparasyon sa banta ng kalamidad
BINIGYANG-DIIN ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Lunes ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na sistema sa pagbibigay ng impormasyon bilang bahagi ng paghahanda sa mga kalamidad. Sinabi ito ni Cayetano, chairperson ng Senate committee on science and technology, sa pagdinig ng panukalang modernisasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) at Earthquake Monitoring and Early Warning System Act. …
Read More »
Rehistradong may-ari pinasusuko
ASUL NA BUGATTI CHIRON NEXT TARGET NG CUSTOMS
MATINDING babala ang inihayag ng Bureau of Customs (BoC) laban sa rehistradong may-ari ng pinaghahanap na Bugatti Chiron hypersports car, hinihinalang ipinuslit papasok sa bansa dahil wala itong dokumento sa importasyon. Nangako si Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio, titiyakin nilang mahanap ang isang Thu Thrang Nguyen, ang registered owner ng asul na sports car, may plakang NIM 5448. “Surrender, or …
Read More »Mataas na singil sa koryente banta sa ‘Bagong Pilipinas’
BANTA sa economic goals na isinusulong ng inilunsad na “Bagong Pilipinas” ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong” Marcos, Jr., ang mataas na singil sa koryente ng Meralco, itinuturing na pinakatamaas na presyo sa buong Asya. Ito ang tahasang sinabi ni Rodolfo Javellana, Jr., Pangulo ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) kasunod ng panibagong anunsiyo ng Meralco na magdaragdag ng P0.57 kada …
Read More »Mataas na bilang ng maagang pagbubuntis dapat sugpuin
KASUNOD ng paglobo ng bilang mga 15-taong gulang na nabuntis mula 2021 hanggang 2022, binigyang diin ni Senador Win Gatchalian ang pangangailangan para sa epektibong pagpapatupad ng Comprehensive Sexuality Education (CSE). “Bagama’t may polisiya na ang DepEd sa pagpapatupad ng CSE sa ilalim ng DepEd Order No. 31 s. 2018, kinakailangang tiyakin natin ang epektibong pagpapatupad nito sa mga paaralan,” ani …
Read More »Muslim na biktima ng ‘Mistaken Identity’ nakalaya na
SA WAKAS, malaya na ang isang matandang Muslim na inaresto noong 2023 dahil sa “mistaken identity” – 176 araw matapos siyang ikinulong, ani Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla nitong Miyerkules. Ani Padilla, si Mohammad Maca-Antal Said na inaresto noong Agosto 10 at tinutukan niya, ay pinalaya mula Taguig City Jail matapos atasan ng korte ang kanyang kalayaan. Ngunit ipinunto ni …
Read More »Puso, bulsa protektahan ngayon Valentines Day
ITO ang paalala ni Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos laban sa pagkalat ng mga mananamantala o scammers ngayong Valentines Day. Ayon kay Abalos, kailangan na maging maingat ang publiko laban sa ‘love scams’ dahil gagawin ng mga ito ang lahat upang makakuha ng pera sa sinumang indibidwal na kanilang mabobola. Target ng mga scammers ang mga indibiduwal na …
Read More »DOTr execs, Solgen kinasuhan sa Ombudsman vs PUV modernization
KINASUHAN kahapon ng transport group na MANIBELA ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) kaugnay ng pagbawi ng prangkisa sa mga unconsolidated public utility vehicles (PUVs). Sa reklamong inihain sa Office of the Ombudsman, sinabi ni MANIBELA president Mario Valbuena na nilabag ng mga opisyal ang Constitution and Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa pagsusulong ng PUV Modernization Program. …
Read More »Pang-aabuso ng mga kabataan gamit ang AI dapat sugpuin
SA gitna ng pagdiriwang ng National Awareness Week for the Prevention of Child Sexual Abuse ngayong ikalawang linggo ng Pebrero, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang pamahalaan na sugpuin ang banta ng artificial intelligence (AI) na siyang nagpapalala ng mga kaso ng online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) sa bansa. Kasunod ito ng babala ni Council for the Welfare …
Read More »Umentong P100 sa mga manggagawa nasa plenaryo na ng Senado
ISINALANG na ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada sa plenaryo ng Senado ang panukalang dagdag na P100 para sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa. Nasa 4.2 milyong manggagawa ang tinatayang makikinabang sa isinusulong ng tagapangulo ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development sa ilalim ng Senate Bill No. 2534. Mula sa …
Read More »
Natakot sa LTO
32,000 DELINQUENT VEHICLE OWNERS NAGPAREHISTRO NA
BUNGA nang mahigpit na kampanya ng Land Transportation Office (LTO) laban sa unregistered vehicles na tumatakbo sa mga lansangan,mahigit sa 32,000 may-ari na ng mga delikwenteng sasakyan at motorsiklo ang nagparehistro ng kanilang mga sasakyan sa LTO – National Capital Region (NCR) mula Enero 1 hanggang 23, 2024. Sulat ni LTO-NCR Regional Director Roque “Rox” I. Verzosa III kay …
Read More »Unti-unting pagbalik sa dating school calendar suportado ng senador
SUPORTADO ni Senador Win Gatchalian ang mga hakbang ng Department of Education (DepEd) para sa pagbabalik ng dating school calendar na nagsisimula sa Hunyo at nagtatapos ng Marso o Abril. Matatandaang ipinanawagan na noon ni Gatchalian ang unti-unting pagbabalik sa dating school calendar. Para sa senador, ang pagbabalik sa dating school calendar ay magbibigay sa mga mag-aaral ng pagkakataong makasama ang …
Read More »Isinusulong na Cha-cha, Peso initiative not peoples initiative — Senador
NANINIWALA si Senador Sherwin Gatchalian na hindi maaring tawagin pang Peoples Initiative kundi Pera initiative na ito ay dahil kapalit ng paglagda ng taong bayan ay may kapalit na halaga. Ayon kay Gatchalian batay sa impormasyong kanyang nakalap sa bawat pirma ng isang tao ay mayroong kapalit na isang daan o dalawang daang piso. Kung kaya’t maituturing na hindi na …
Read More »
Sinalubong ni Gov. Fernando sa Bulacan
PBBM PANAUHING PANDANGAL SA KOMEMORASYON NG IKA-125 ANIBERSARYO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS
SINALUBONG ni Gobernador Daniel R. Fernando si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at lahat ng nasyunal at lokal na delegado sa komemorasyon ng Ika-125 Anibersaryo ng Unang Republika ng Pilipinas na ginanap sa makasaysayang bakuran ng Simbahan ng Barasoain sa Lungsod ng Malolos, Bulacan kahapon ng umaga, Enero 23. Ani Fernando, nag-ugat ang mga simulain sa pamamahala ng bansa sa …
Read More »
Kompara sa electric coops – Philreca
MERALCO BAKIT ‘DI KAYANG IBABA PRESYO NG KORYENTE?
IPINAGTATAKA ng isang mambabatas kung bakit hindi nagagawang magbaba ng singil ng koryente ng Manila Electric Company (Meralco) kompara sa electric cooperatives sa mga probinsiya na nagagawang maningil ng mura at mas mababa. Ito ang tanong ni Philippine Rural Electric Cooperative Association Inc. (Philreca) Rep. Presley De Jesus sa kanyang interpelasyon sa pagdinig ng House committee on legislative …
Read More »Himok ng POLPhil, pagkakaisa ng ‘stakeholders’ para sa kapayapaan
HINIKAYAT ng grupong Political Officers League of the Philippines (POLPhil) ang mga progresibong organisasyon na magsama-sama at lumikha ng ‘adyenda ng bayan’ para sa ganap na tunay na kapayapaan na mapapakinabangan ng bawat mamamayan at ng mga susunod na henerasyon. Ayon kay Noel Medina, POLPhil NCR Vice President, “hindi namin tinutuligsa ang pagsisikap ng opisyal ng pamahalaan at kinatawan ng …
Read More »
Walang paki sa aksiyon ng CCG
CHINESE AMBASSADOR PABALIKIN SA CHINA
ni Niño Aclan THEY have no heart. Ito ang tahasang sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri laban sa Chinese Coast Guard (CCG) o tropang intsik kaugnay ng panibagong pambu-bully sa pamamagitan ng pag-spray ng tubig sa tropang Pinoy na magdadala ng supplies sa mga mangingisda sa Bajo de Masinloc sa Scarcorough Shoal. Ang pahayag ni Zubiri ay kasunod din …
Read More »
Bigong magsumite ng regulatory reports
MERALCO POSIBLENG KANSELAHAN NG PRANGKISA
TAHASANG sinabi ni Surigao Del Sur 2nd District Rep. Johnny Pimentel na lumalakas na ang panawagang kanselahin ang prangkisa ng Manila Electric Company (Meralco) matapos mabigong isumite ang annual financial and operations reports. Sa ilalim ng Republic Act 9209, ang batas na nagkaloob ng prangkisa sa Meralco, obligasyon nilang magpasa ng annual financial and operations reports. Ayon kay Pimentel, batay …
Read More »PMP: Destabilisasyon, alyansang Duterte-Tsina
BINATIKOS ng Partidong Mangaggawang Pilipino (PMP) ang destabilization plot na pinaniniwalaang instigasyon sa kampo ng dating Pangulong Rodrigo Duterte at sinasabing kaalyado nito ang gobyerno ng Tsina, batay sa natanggap nilang intelligence report. Patuloy na kinokompirma ng PMP, isang underground organization ng mga manggagawa na pinamumunuan ng namatay na si Felimon “Popoy” Lagman,” ang natanggap nilang ulat sa ahensiya para …
Read More »Meralco, may P150-B utang na refund sa consumers
TAHASANG sinabi ng dating commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) na may P150 bilyong utang na refund ang Manila Electric Company (Meralco) sa kanilang customers kasunod ang paghayag na dapat ay ibaba na ang singil sa koryente matapos ire-compute ng regulators sa weighted average cost of capital (WACC). Ayon kay Alfredo Non, dating ERC commissioner, batay sa computation dapat i-refund …
Read More »Partisano, Agila Party kinondena maugong na ‘destabilization plan’
NANAWAGAN ng isang armadong grupo, kinilala sa pangalang Partisano, sa mga manggagawa at mamamayan na huwag nitong pahintulutan ang planong destabilisasyon ng ilang kampo na sinabing malapit kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at ilang kasapakat nito. Ipinarating sa media ang pahayag ng Partisano, isang armadong operatiba ng Partido Marxista Lenista ng Pilipinas (PMLP), may title headings na labanan at biguin …
Read More »