“KUNG sakaling ‘aakyat’ o papalaot pa sa karera ng politika si Yorme Isko, kayang-kayang igiya at pamunuan ni Vice Mayor Honey Lacuna ang Lungsod ng Maynila.” Ito ang inihayag ng negosyante at dating konsehal ng Maynila na si Don Ramon Bagatsing. “Walang nakaalam kung ano ba talaga ang plano ni Yorme sa susunod na eleksiyon kundi siya at ang kanyang destiny. …
Read More »Bangkay ng lalaki, lumutang sa dike
BANGKAY na nang matagpuan ang isang lalaking hindi nakauwi sa kanilang bahay na nagpaalam sa kanyang pamilya na mangingisda sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, kinilala ang biktimang si Jaymark Panganiban, edad 25-30 anyos, nakatira sa Judge Roldan St., Brgy. San Roque. Dakong 7:20 pm nang matagpuang nakalutang ang bangkay ng biktima …
Read More »Motorsiklo sumalpok sa van, rider todas (Angkas sugatan)
PATAY ang isang rider habang sugatan ang angkas niyang dalaga na kasamahan sa trabaho nang sumalpok sa hulihang bahagi ng nakaparadang van ang kanilang motorsiklo kahapon ng madaling araw sa Caloocan City. Patay agad ang biktimang kinilalang si Efren Admana, 36 anyos, gasoline pump attendant, at residente sa Talangka St., Dagat-dagatan, Brgy. 20 sanhi ng tama sa ulo at katawan. …
Read More »3 tulak hoyo sa P.4-M shabu (Sa Navotas)
KULUNGAN na ang hinihimas ng tatlong tulak ng shabu matapos maaresto at makuha ang mahigit P.4 milyon halaga ng ilegal na droga sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Navotas City chief of police (COP) Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Clarence Lucas, 18 anyos, iniulat na isang tulak; Francisco …
Read More »Caloocan City nagpatupad ng barangay at granular lockdowns
ISASAILALIM sa isang linggong total lockdown ang Barangay 123 habang ipatutupad ang granular lockdown sa mga kalye ng Panay, Guinugitan, Masbate, at Victoria sa H. Dela Costa Homes, Barangay 179, sa Caloocan City. Magsisimula ang lockdown sa nasabing barangay at mga kalye simula 12:01 am, 3 Setyembre hanggang 11:59 pm ng 9 Setyembre 2021. Base sa kautusang nilagdaan ni Caloocan …
Read More »1,000 benepisaryo ng DOLE TUPAD ‘kinotongan’ ng lady solon
NAGKAGULO at sumugod sa barangay upang magreklamo ang mahigit 1,000 benepisaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa sinabing ‘pangongotong’ ng isang lady solon sa Quezon City. Ayon sa mga benepisaryo, biktima umano sila ng korupsiyon ng isang halal na kongresista, imbes P7,518 ang kanilang makukuhang suweldo sa TUPAD …
Read More »Binata nag-videocall sa GF bago nagbigti
TINAWAGAN muna ng 21-anyos lalaki ang kanyang kasintahan sa pamamagitan ng video call at nagpaalam bago nagbigti sa Quezon City, nitong Miyerkoles ng madaling araw. Ang biktima ay kinilalang si Axel John De Leon, 21, binata, aircon technician, at residente sa Military Road, Barangay Holy Spirit, Quezon City. Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police …
Read More »Notoryus na robbery duo nadakip sa hot pursuit operation sa Quezon City
ni TracyCabrera QUEZON CITY, METRO MANILA — Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng anti-crime unit ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawa sa pinakanotoryus na mga holdaper sa lungsod sa isang hot pursuit operation matapos na biktimahin ang isang 26-anyos na binata sa Barangay Fairview. Kinilala ni QCPD chief Brigadier General Antonio Yarra ang mga suspek na sina Eddie …
Read More »Cybersex ops timbog sa Vale, at Batangas
UMABOT sa 41 indibidwal na sinabing pawang sangkot sa cybersex ang inaresto sa sabay-sabay na anti-cybercrime operations ng mga awtoridad sa tatlong magkakaibang lugar sa Valenzuela City at lalawigan ng Batangas nitong nakaraang araw ng Martes, 31 Agosto. Sa pahayag ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Guillermo Eleazar kahapon, sinabi niyang ang operasyon ay isinagawa ng Anti-Cybercrime Group (ACG) …
Read More »Mas agresibong Covid testing at contact tracing nais ni Abalos
KInalap ni Tracy Cabrera MAKATI CITY, METRO MANILA — Sa pagbigay pansin sa pagbaba ng mga kaso ng Covid-19 sa Cebu City sanhi ng patuloy na pagpapatupad ng agresibong pagsusuri at contact tracing ng coronavirus ng Emergency Operations Center (EOC) ng lungsod, hinayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) and concurrent Metro Manila Council chairman Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. na dapat mag-adopt …
Read More »DFA Consular Office NCR East branch isinara
SUSPENDIDO simula kahapon, 31 Agosto hanggang 3 Setyembre ang operasyon ang isang sangay ng consular office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Metro Manila bunsod ng close contact ng ilang empleyado sa ilang indibidwal na nagpositibo sa CoVid-19. Ang DFA Consular Office (CO) NCR East branch, matatagpuan sa SM Megamall sa Mandaluyong City ay pansamantalang nagsara para sa kaligtasan …
Read More »Top 1 most wanted sa Misamis Occidental, arestado sa Navotas
NASAKOTE ng mga tauhan ng Maritime police ang tinaguriang Top 1 most wanted person ng Calamba Misamis Occidental sa kanyang pinagtataguan sa Navotas City matapos ang halos anim na taong pagtatago. Kinilala ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) chief P/Maj. Randy Ludovice ang naarestong si Jesson Arcamo, 28 anyos, binata, seaman/oiler ng M/V Andres Javier 8, residente sa Brgy. …
Read More »MMDA Redemption Center back to normal operations
BALIK normal na ang operasyon sa redemption center at puwede na muling magsagawa ng face-to-face transactions sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong araw Martes, 31 Agosto. Lahat ng transaksiyon, kabilang ang pagbabayad ng multa sa traffic violations ay tatanggapin sa Redemption Center. Sa mga nais magbayad sa pamamagitan ng electronic o cashless sa online payment channels ay pinapayagan pa …
Read More »2 bangkay ng lalaki lumutang sa Malabon City
DALAWANG bangkay ng lalaki na pinaniniwalang nalunod ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Malabon City, kahapon ng umaga. Ayon kay Malabon Police Sub-Station 7 head P/Maj. Patrick Alvarado, dakong 6:00 am, nitong Lunes, nang makita ng ilang joggers ang bangkay ni Ernesto Francisco, Jr., 29 anyos, residente sa Bernales II, Brgy. Baritan na nakalutang sa Megadike Riverbank, Brgy. Dampalit. …
Read More »Beautician arestado sa ipinuslit na tsokolate
ISANG 24-anyos beautician ang nadakip nang mang-umit ng tsokolate sa isang drug store nitong Sabado ng umaga, 28 Agosto, sa lungsod ng San Juan. Kinilala ng pulisya ang suspek na si August Leo Quiambao, 24 anyos, isang beautician. Nabatid na dakong 8:00 am kamakalawa, nang pumasok si Quiambao sa drug store sa Brgy. Rivera, sa lungsod, at nagpanggap na namimili. …
Read More »Kawani ng Taguig LGU, kalaguyo huli sa motel
KALABOSO ang isang empleyado ng Taguig City Hall at ang kanyang kalaguyo nang mahuli sa akto sa loob ng isang motel sa lungsod ng Pasig, nitong Sabado ng hapon, 28 Agosto. Kinilala ni P/Col. Roman Arugay, hepe ng Pasig City Police, ang mga nasakote sa motel na sina Von Agsaulio, 45 anyos, may asawa, at empleyado ng Taguig City Hall; …
Read More »Bakuna Bubbles kailangan munang pag-aralan — Abalos
Kinalap ni Tracy Cabrera MAKATI CITY, METRO MANILA — Habang sumusuporta sa panukala ng pribadong sektor sa pagtatatag ng vaccine bubbles, pinag-iingat ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at concurrent Metro Manila Council (MMC) chairman Benhur Abalos, Jr., na bago ipatupad ang ganitong sistema, kailangan magsagawa muna ng pag-aaral at magkaroon ng vaccination target para sa populasyon ng bansa. Sa …
Read More »Navotas kompletong nakapamahagi ng P199.8-M ECQ ayuda
NAKAKOMPLETO ang pamahalaang lungsod ng Navotas sa pamamahagi ng national government allocation para sa enhanced community quarantine (ECQ) ayuda. Nasa P201,407,000 ang naipamahagi ng lungsod sa 62,600 pamilyang Navoteño hanggang 25 Agosto. Nasa P199,871,000 ang pondo mula sa national government, habang P1,536,000 ang mula sa pamahalaang lungsod. “We were able to finish the distribution of ECQ ayuda within the 15-day …
Read More »Kelot kritikal sa palo sa ulo at saksak ng 2 menor de edad
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ang isang 19-anyos lalaki nang patraidor na pinalo ng matigas na bagay sa ulo at saksakin sa likurang bahagi ng katawan ng dalawang menor de edad sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Patuloy na inoobserbahan sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang kinilalang si Ericson Atamosa, residente sa Tahong Alley, Brgy. 20, Caloocan City, …
Read More »Delivery man, construction worker arestado sa pangre-rape ng vendor
DINAKIP ang isang delivery man at kasabwat na construction worker na nagsilbing ‘lookout’ habang pinagsasamantalahan ng una ang 20-anyos dalagang vendor sa Brgy. Central, Quezon City, nitong Sabado ng madaling araw. Ang mga suspek ay kinilalang sina John Michael Del Rosario, 30 anyoss, walang asawa, delivery man, at residente sa No. 1 BFD Compound, Brgy. Central, Quezon City, at kasabwat …
Read More »3 tulak kalaboso sa baril at shabu
SHOOT sa kulungan ang tatlong tulak ng droga matapos makuhaan ng shabu at baril sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon City chief of police (COP) Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Dennis Forfieda, 37 anyos, residente sa Caloocan City; Roberto Santos, 58 anyos, residente sa Brgy. Longos; …
Read More »Danao umiskor vs ilegal na sugal (2 ‘kobrador’ swak sa QC)
ARESTADO ang dalawang hinihinalang kobrador sa dalawang magkahiwalay na operasyon kontra sa lahat ng uri ng ilegal na sugal sa Quezon City batay sa malawakang kampanya na inilunsad ng National Capital Region Police Office sa Metro Manila. Matatandaan na iniutos ni NCRPO chief P/MGen. Vicente D. Danao, Jr., ang pagtutok sa operasyon kontra ilegal na sugal bilang bahagi ng pagpapanatili …
Read More »3 drug suspects deretso kalaboso
BAGSAK sa kulungan ang tatlong drug suspect matapos makompiskahan ng kabuuang P352,036 halaga ng pinaniniwalaang shabu sa buy bust operation ng awtoridad sa Pasay City nitong Miyerkoles. Kinilala ni Pasay City police chief, Col. Cesar Paday-os ang mga suspek na sina Joseph Alverio y Suñiga, alyas Boss Diego; Joseph Morales y Mojica; at Charlita Morales y Mones, pawang nasa …
Read More »P170K shabu timbog sa kelot
NAHULI ng mga operatiba ng Muntinlupa City Police Drug Enforcement Unit (DEU) ang tinatayang 25 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P170,000 sa isang lalaki nang isagawa ang buy bust operation sa lungsod, nitong Miyerkoles, 25 Agosto. Kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek na si Ronnie Rivera y Maranan, alyas Bayag, 41, ng Muntinlupa …
Read More »2 tulak huli sa buy bust sa Navotas at Valenzuela
BUMAGSAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos matimbog sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa mga lungsod ng Navotas at Valenzuela. Ayon kay Navotas City chief of police, Col. Dexter Ollaging, dakong 9:00 pm nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Genere Sanchez ng …
Read More »