Thursday , July 17 2025
fire sunog bombero

3-anyos paslit nalitson sa sunog

HINDI na nakilala ang katawan ng isang 3-anyos na batang lalaki matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP) chief Supt. Roberto Samillano, Jr., dakong 1:30 pm nitong Miyerkoles nang sumiklab ang sunog sa bahay na pag-aari ni Edelita Sacil sa Block 5, Lot 14, Pampano St., Brgy. 14.

Gumagawa ng kama si Edmar Francisco sa kanilang bahay sa Pompano St., sa Brgy. 14 bandang tanghali nang sinabihan siya ng kaniyang pamangkin na may nasusunog sa kabilang kuwarto kung saan naroon ang kanyang anak.

“Pupuntahan ko ‘yung anak ko. Sumisigaw anak ko, tinatawag ako. Nakita ko malaki na ang apoy. ‘Di na ko makapasok sa loob ng kuwarto kasi nakaharang ‘yung foam ng kama namin,” ani Francisco.

Sa pagpupumilit ni Francisco na iligtas ang anak, sinuong niya ang sunog. Pero nabigo pa rin siya at napaso sa braso.

Labis ang hinagpis ng ama dahil hindi niya nagawang iligtas ang anak.

Dito, mabilis umanong kumalat ang apoy sa naturang compound kung saan nakatira ang anim na pamilyang magkakamag-anak kaya’t hindi na nagawang makalabas ng kanilang bahay ang 3-anyos na si Patrick Ace Francisco na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Umabot sa unang alarma ang sunog at idineklarang under control ni F/Sr. Insp. Arvin Jude Rapano, dakong 1:56 pm habang idineklara itong fire-out bandang 2:00 pm.

Ayton kay fire investigator FO3 Mark Vincent Severino, anim na bahay ang tinupok ng apoy na naging dahilan upang mawalan ng tirahan ang anim din na pamilya.

Aabot sa P80,000 halaga ng ari-arian ang natupok sa insidente.

Ayon sa fire investigator ng Bureau of Fire Protection (BFP) Caloocan, iniimbestigahan nila ang tunay na sanhi ng sunog. Umabot ito sa first alarm at walang nadamay na ibang bahay. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Kamara, Congress, money

House Committee on Appropriations, dapat independent — Tiangco

ISANG independent na House Committee on Appropriations na hindi nagpapadikta kahit kanino at tanging kapakanan …

underground internet cable wire

Sa Talisay, Negros Occidental
P2.2-M ninakaw na underground internet cable wire narekober

NABAWI ng mga awtoridad ang P2.2-milyong halaga ng ninakaw na underground internet at cable wire …

Yosi Sigarilyo

P28-M puslit na yosi nasabat 2 suspek nasakote sa Cavite

DALAWANG lalaki ang naaresto habang nasamsam ang hindi bababa sa P28-milyong halaga ng ismagel na …

Dead Road Accident

PWD patay sa umatras na bus driver, 4 katao, sugatan

NAMATAY ang isang taong may kapansanan (PWD), habang lima ang sugatan kabilang ang driver nang …

3 minero todas sa gumuhong tunnel sa Palawan

TATLONG minero ang namatay sa supokasyon nang biglang gumuho ang lupa sa loob ng isang …