Saturday , July 27 2024
arrest prison

Sigang tambay, kulong

‘IBINALIBAG’ sa selda ang 22-anyos tambay makaraang pumalag at ‘magpamalas ng kabangisan’ nang ireklamo ng pagdadala ng baril kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si alyas Rey, 22 anyos, residente sa Banal St., Brgy. 141, Bagong Barrio ng nasabing lungsod na nahaharap sa mga kasong paglabag sa Art. 151 ng Revised Penal Code o ang Disobedience to a Person in authority; at RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ayon kay Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong 1:30 am nang humingi ng tulong sa Police Sub-Station 5 ang mga barangay tanod dahil hindi nila malapitan ang suspek na nagwawala habang armado ng baril.

Pagdating ng mga pulis, inabutan nilang nakatayo sa  bangketa ang suspek ngunit nang lapitan upang isagawa ang beripikasyon, pumalag at nagpamalas ng kabangisan kaya ginamitan siya ng puwersa ng mga parak hanggang tuluyang maposasan.

Nang kapkapan, nakompisa ang nakasukbit na kalibre .357 magnum, may tatlong bala sa chamber sa likurang bahagi ng baywang na kanyang ginagamit sa paninindak ng mga tao sa lugar. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …