Tuesday , May 24 2022
Dante de Guzman Gani Oro Melissa Mendez Apple Francisco

Apat kandidato ng  QC Aksyon lumipat ng suporta kay Leni

 APAT na kandidato sa pagkakonsehal ng Quezon City Aksyon Demokratiko sa pangunguna ni reelectionist Dante de Guzman ang umabandona kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at lumipat ng suporta kay Vice President Leni Robredo.

Kasama ni De Guzman (3rd district) ang broadcaster na si Gani Oro (5th district), aktres na si Melissa Mendez (2nd district) at Apple Francisco (5th district) sa paglipat ng kanilang suporta kay VP Leni.

Mababatid, ang Quezon City ang nagrerehistro ng pinakamaraming bilang ng mga botante sa National Capita Region, at kung ang mga resulta ng huling dalawang halalan sa pagkapangulo ang magiging batayan, ang kandidatong mananalo sa lungsod na ito ay may mataas na tsansang manalo sa halalan sa pangkalahatan.

Sa magkasanib na pahayag, sinabi nina De Guzman, Oro, Mendez, at Francisco, ang kanilang desisyon na lumipat kay Leni ay nakaangkla sa panawagan kamakailan ng dating pro-Isko volunteer group, IM Pilipinas kabilang ang dating QC councilor at dating DENR Assistant Secretary Rommel Abesamis na humantong sa isang karaniwang batayan anoman ang mga personal at partidong interes upang iligtas ang bansa mula sa pagkadulas pabalik sa pinakamasama nitong kabanata sa kasaysayan kung mahahalal si Marcos.

Binigyang-diin ng apat na konsehal, hindi sila aalis sa Aksyon at mananatili silang nakatuon sa pagsuporta sa vice presidential at senatorial slates ng partido.

Ayon kina De Guzman, Oro, Mendez at Francisco, ang lubos na kawalan ng suporta sa partido mula noong Unang Araw hanggang ngayon ay naging dahilan upang hindi nila matiis ang patuloy na pagsuporta kay Isko.

“Sad to say, we have walked the extra mile in supporting Isko and his Aksyon slate, but we have not received any form of support from the national headquarters. Up to now, we’re still in the dark if we will even have party watchers,” sabi nila.

“Naniniwala kami, ang pag-aalala namin na ito ay hindi kakaiba sa amin. Ang ibang mga kandidato ng Aksyon sa Metro Manila at mga probinsiya ay maaari rin maagrabyado gaya natin,” dagdag ng apat nma konsehal.

Ang desisyon nilang lumipat kay Leni ay kasunod ng pagbibitiw ni Abesamis, dating tagapangulo ng NPC Quezon City, bilang lead convenor ng Isko Quezon City.

Sinasabi ng mga ulat na mas maraming kandidato sa Aksyon Demokrariko ang nakatakdang tumalon at sumali sa pangkat ni Vice President Leni Robredo.

About Almar Danguilan

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Sa Caloocan City
P55-M SHABU TIMBOG SA BIG TIME TULAK

ISANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhaan ng mahigit P55 milyong …

Marawi

462 units ng pabahay ipinamahagi sa Marawi

PORMAL nang naipamahagi ang 462 permanenteng bahay sa mga benepisaryong nawalan ng tirahan noong 2017 …

MMDA, NCR, Metro Manila

Pumping station sa Metro handa sa tag-ulan — MMDA

KINOMPIRMA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na operational at nasa maayos na working conditions …

shabu drug arrest

P.4-M kompiskado sa nasakoteng 6 drug pushers

TINATAYANG 60 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P408,000 ang nakompiska sa anim na …

shabu

P3-M droga tiklo, 8 tulak arestado

AABOT sa mahigit sa P3 milyon (P3,808,000) halaga ng hinihinalang ilegal na droga (shabu) ang …