BAGSAK sa kulungan ang isang helper na nakuhaan ng improvised na baril sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) chief P/Lt. Col. Jay Dimaandal, ang naarestong suspek na si John Rey Medina, 23 anyos, residente sa Malaya St., Tondo, Maynila. Batay sa ulat ni /PLt. Col. Dimaandal kay NPD Director …
Read More »Kaso vs QCPD Yarra ikakasa sa Ombudsman (Sa utos ng ilegal na pag-aresto?)
NAKATAKDANG sampahan ng patong-patong na kaso ng Globaltech Mobile Online Corporation sa Office of the Ombudsman si Quezon City Police District (QCPD) director, P/BGen. Antonio Yarra kaugnay sa sinabing utos niyang pag-aresto umano sa mga kawani ng Peryahan ng Bayan kamakailan sa lungsod. Ayon kay Atty. Bernard Vitriolo ng Globaltech, ito ay direktang paglabag sa karapatan ng kompanya na ipagpatuloy …
Read More »19 Ateneo priests, seminarians, positibo sa Covid-19
AABOT sa 19 na mga pari at seminarista ang nagpositibo sa CoVid-19 sa Ateneo Jesuit Residences sa Quezon City. Ayon kay Jesuit Communications executive director Rev. Father Emmanuel “Nono” Alfonso, agad na isinailalim sa lockdown ang apat sa Jesuit residences dahil sa CoVid-19 outbreak. “Nineteen people at the Ateneo Jesuit Residence in Quezon City have tested positive for the coronavirus …
Read More »70-anyos tulak, ‘Boss’ timbog sa Marikina; 11 ‘suki’ timbog sa pot session
NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang 70-anyos lolo, hinihinalang tulak, ang kanyang kasabwat, at 11 nilang ‘parokyanong’ huli sa aktong sumisinghot ng droga sa lungsod ng Marikina, nitong Sabado, 25 Setyembre. Kinilala ni P/Col. Benliner Capili, hepe ng Marikina PNP, ang mga nadakip na sina Exequiel Bautista, 70 anyos; Jeffrey Moquite, 30 anyos, alyas Boss, hinihinalang mga tulak; at Brandon …
Read More »2 mister tiklo sa P126K shabu sa Caloocan (Nasitang walang suot na facemask)
KULUNGAN ang kinabagsakan ng dalawang mister matapos makuhaan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu nang sitahin ng mga pulis dahil walang facemask sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Caloocan City chief of police P/Col. Samuel Mina, Jr., ang naarestong mga suspek na sina Richard Cenon, alyas Empoy, 46 anyos, at Emar Villanueva, 44 anyos, pintor, kapwa …
Read More »Navotas nagdagdag ng skilled workers
NADAGDAGAN muli ang bagong batch ng skilled workers sa Navotas City kasunod ng virtual graduation ng 138 Navoteños mula sa Navotas Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute. Sa NAVOTAAS Institute Annex 1, 46 ang nakakompleto ng Japanese Language at Culture habang 11 ang nakatapos ng Basic Korean Language & Culture. May limang nakapagtapos sa Beauty Care NC II; apat sa Hairdressing …
Read More »Maliliit na negosyo uunlad kay Isko — Bagatsing
NANINIWALA ang dating konsehal, ngayon ay businessman na si Don Bagatsing, uunlad ang maliliit na negosyante kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Ayon kay Bagatsing, maganda at napapanahon sa General Tax Amnesty plan ng lungsod ng Maynila na magsisimula ngayong 1 Oktubre hanggang 29 Disyembre. Sinabi ni Bagatsing, uusbong ang maliliit na negosyo dahil sa kautusang ito ni Yorme …
Read More »Riding-in-tandem snatchers arestado sa Malabon
HINDI nakawala sa kamay ng mga awtoridad ang isang riding-in-tandem na snatcher matapos hablutin ang cellphone ng isang E-trike driver sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon City chief of police Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Jaycee Nuestro, 18 anyos, at Jonel Reyes, fish vendor at kapwa residente sa Navotas City. Ayon kay …
Read More »Kelot isinako, itinapon sa QC
NATAGPUAN ang isang hubo’t hubad na bangkay ng hindi kilalang lalaki, nakasilid sa isang sako sa Brgy. Greater Lagro, Quezon City, nitong Linggo ng umaga. Ang biktima ay inilarawang nasa edad 25 hanggang 30 anyos, may taas na 5’2, blonde ang buhok, at katamtaman ang pangangatawan. Batay sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police …
Read More »Globaltech vs QCPD-PS2 Claravall, et al (Mga kasong kriminal at administratibo)
SINAMPAHAN ng patong-patong na kaso sa Office of the Ombudsman nitong Biyernes, 24 Setyembre si P/Lt. Col. Ritchie Claravall at ang kanyang limang tauhan sa Quezon City Police District Masambong Station (QCPD-PS 2) dahil sa pagbalewala sa umiiral na kautusan ng korte sa patuloy na operasyon ng Peryahan ng Bayan ng Globaltech Mobile Online Corporation. Batay sa mga reklamong kriminal …
Read More »3 tulak timbog sa pain na P500 (P.1M shabu kompiskado)
TIMBOG ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga na nakuhaan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang P500-buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Malabon City police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Romel Villaester, alyas Omi, 33 anyos, residente sa Mangustan Road, Brgy. Potrero; Ricmar Ang, …
Read More »Budol-Budol King nasakote sa Kankaloo (Top 6 most wanted)
NASAKOTE ng mga tauhan ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) sa bisa ng warrant of arrest ang tinaguriang Budol-Budol King at top 6 most wanted person sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni DSOU head P/Lt. Col. Jay Dimaandal ang naarestong akusado na si Eduardo Dela Rosa, alyas Edwin, 43 anyos, J&T Express Delivery rider …
Read More »8 RVM sisters pumanaw na
HINDI nakaligtas sa salot na CoVid-19 ang walong madre ng Congregation of the Religious of the Virgin Mary (RVM) na unang napaulat na nagpositibo sa impeksiyon ng nasabing virus. Ang walong madre ay pawang nasa edad 80 hanggang 90 anyos at kabilang sa 62 RVM sisters na nagpositibo sa virus mula sa Saint Joseph Home at sa kanilang kombento sa …
Read More »Mula Smokey Mountain patungo sa Malacañang (Landas ni Isko sa 2022)
ni ROSE NOVENARIO MULA sa Smokey Mountain sa Tondo, Maynila patungo sa Malacañang. Ito ang landas na nais tahakin ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang opisyal na anunsiyo kahapon, bilang 2022 presidential candidate ng partido Aksyon Demokratiko na ginanap sa BASECO Compound sa Port Area, Maynila. “Kaya buong kabababaang loob, inihahayag ko sa darating na Mayo, tanggapin …
Read More »Belmonte pa rin sa QC
HINDI natinag ng kahit anong paratang ng katiwalian, ang pagtitiwala ng mga mamamayan sa Lungsod Quezon dahil patuloy nilang sinusuportahan ang mahusay na pamamahala ni Quezon City Mayor Joy Belmonte. Sa huling resulta ng independent survey na pinangasiwaan ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) sa pamumuno ni Dr. Paul Martinez, muling nakapagtala ang Mayora ng malaking porsiyento kompara sa …
Read More »Cellphones at headsets para sa 10 estudyante (Pa-birthday ni P/BGen. Baccay)
NAGHANDOG para sa kanyang kaarawan si Eastern Police District (EPD) Director P/BGen. Matthew Baccay ng 10 Huawei T-10 tablets at 10 Sony headsets para sa 10 mahihirap na estudyante sa lungsod ng Pasig, nitong Martes, 21 Setyembre. Imbes maghanda, pinili ni Baccay na mag-donate sa Brigada Eskuwela at Adopt-A-School program na bahagi ng kanyang programa mula nang manungkulan bilang District …
Read More »Abalos nagrekorida para sa Alert 4 status guidelines sa Makati
MAKATI CITY, METRO MANILA — Pinuri ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at concurrent Metro Manila Council (MMC) chairman Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr., ang mga establisimiyento sa lungsod ng Makati sa pagsunod sa safety protocols na ipinapatupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) para makapagbigay ng proteksiyon sa kanilang mga kostumer sa gitna ng …
Read More »8-anyos bata, nalunod sa ilog
PATAY ang isang 8-anyos batang lalaki matapos malunod sa ilog sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang biktima na si Kevin Hoybia, residente sa Bldg. 7, Rm. 27, Home 1, Tanza 2. Lumabas sa imbestigasyon ni P/MSgt. Jayson Blanco, dakong 4:00 pm nitong ng Linggo nang maganap ang insidente sa Hulong Duhat …
Read More »4 tulak swak sa P144K shabu sa Kankaloo at Navotas
SWAK sa kulungan ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operations ng pulisya sa mga lungsod ng Caloocan at Navotas. Sa ulat, dakong 10:00 pm nang magsagawa ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) sa pangunguna ni P/Maj. …
Read More »4 kelot swak sa cara y cruz sa Malabon
ARESTADO ang apat na lalaki, kabilang ang isang working student, sa isinagawang magkakahiwalay na anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Malabon City. Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, nakatanggap ng tawag sa telepono ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) mula sa isang barangay information network hinggil sa nagaganap na ilegal gambling activity sa Sitio 6, Brgy. …
Read More »Bday party niratrat teenager todas
PATAY ang 16-anyos binatilyo na dumalo sa kaarawan ng anak-anakan ng kaibigan makaraang pasukin ng gunman at paulanan ng bala ng baril ang kanilang masayang inuman sa loob ng tahanan sa Barangay Batasan Hills, Quezon City, nitong Lunes ng madaling araw. Ang biktimang namatay ay kinilalang si Mico Gracia Balosa, 16, estudyante, residente sa Brgy. Batasan Hills, QC, habang sugatan …
Read More »Mister pinatay sa harap ng misis sa Pasig (Kaso pinapatutukan ni Eleazar)
SA KABILA ng nagkalat na close circuit television (CCTV) camera sa lungsod ng Pasig, nakuha pa rin makatakas ng isang gunman na pumaslang sa isang 32-anyos lalaki sa harap mismo ng kanyang asawa sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Bambang, nitong Sabado, 18 Setyembre. Hindi na nakuhang isugod sa pagamutan ang biktimang kinilalang si Gilson Garcia na agad namatay …
Read More »Call center agent, natagpuang patay
PATAY nang matagapuan ng kanyang ina ang isang call center agent matapos makipag-inuman sa mga kaibigan sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, nadiskubre ang walang buhay na katawan ni Armando Escaño, 30 anyos, ng kanyang ina na si Mila, 56 anyos, nakadapa sa kanyang kama sa loob ng kanilang bahay sa VMN …
Read More »Driver, mekaniko at helper, huli sa droga sa Kankaloo
NASAKOTE ang isang driver, mekaniko, at isang helper sa magkakahiwalay na lugar sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Caloocan police Chief Col. Samuel Mina, Jr., dakong 9:10 pm, nakatanggap ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen ang mga tauhan ng Sub-Station 9 tungkol sa nagaganap na transaksiyon umano ng ilegal na droga sa Main Road, Antonio …
Read More »Mayor Belmonte no.1 pa rin sa QC
NAPATUNAYANG muli na si Mayor Joy Belmonte pa rin ang pinagkakatiwalaan ng mga taga-Quezon City para mamuno, magsagawa ng mga programa, at mga polisiya na makabubuti sa lahat ng mamamayan ng lungsod. Sa inilabas na ‘independent survey’ na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc., nitong 6 Setyembre 2021, nangunguna pa rin ang pangalan ni Mayor Joy sa mga pinagkakatiwalaang …
Read More »