Saturday , June 25 2022
Valenzuela

24th 3S center sa Vale binuksan

PINANGUNAHAN ni Mayor Rex Gatchalian at Deputy Speaker Wes Gatchalian ang opisyal na pagbubukas ng ika-24 Sentro ng Sama-samang Serbisyo o 3S Center sa Barangay Tagalag kasabay ng isinagawang inagurasyon nito.

Ang 24th Sentro ng Sama-samang Serbisyo ay isang two-storey building na may mga pasilidad na binubo ng  Barangay Hall, Health Station, Daycare Center, ALS (Alternative Learning System) Center, Sangguniang Kabataan (SK) Office, at Multi-Purpose Hall.

“Ito na lang po ang challenge, dapat kung ano ang kagandahan ng ating mga gusaling itinayo, gayundin ang kagandahan sa serbisyong ibibigay natin sa taong-bayan. Dapat efficient, dapat maayos,”  mensahe ni deputy speaker Gatchalian.

“Ang layunin ng 3S Centers natin, ilapit sa inyo ang serbisyo. Bukod sa ilapit, gusto natin One-Stop Shop, ‘yung tipong pagpunta n’yo, andiyan na ‘yung health center, daycare, andiyan na lahat ng kailangan ninyo,” pahayag ni Mayor Rex.

Ang unang 3S Center ay pinasinayaan noong 2014 sa Barangay Poblacion. Ito ay mga pinagsama-samang pasilidad na naglalayong itaguyod ang pamamahala na bukas sa mga tao at para sa mga serbisyo ng lungsod na mas mapalapit sa komunidad.

Kasamang dumalo sa inagurasyon si Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, Councilor Ricar Enriquez, Liga ng mga Barangay President Councilor Jon Jon Bartolome, SK Federation President Councilor Goyong Serrano, Tagalag Punong Barangay Obet Geronimo, Council and SK Chairman Arcee Dayego and Council. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

062322 Hataw Frontpage

Dismissal binaliktad ng korte
ARESTO VS DOC NATY MULING INIUTOS 

IPINAG-UTOS ng Regional Trial Court ng Bayugan, Agusan del Sur Regional Trial Court ang pagdakip …

SM Southmall Southtopia UFC

UFC GYM NASA SM SOUTHMALL NA
Plus, take a trip down good ol’ days of fun games and retro activities at #Southtopia post workout

SA PANAHON ngayon, mahalagang magkaroon ng mas aktibong lifestyle upang mapataas ang immunity ng isang …

gun shot

Sa Jaen, Nueva Ecija
BRGY. KAGAWAD LIGTAS SA AMBUSH

NAKALIGTAS ang isang kagawad ng barangay matapos tambangan sa Brgy. Malabon Kaingin, sa bayan ng …

Rizal Police PNP

Sa 7-araw SACLEO sa Rizal
P2.4-M DROGA KOMPISKADO, 180 KATAO TIMBOG

NASAMSAM ang P24-milyong halaga ng ilegal na droga habang arestado ang 180 katao sa ikinasang …

Car Wash

Silid sinalakay ng kaalitang katrabaho
CARWASH BOY PATAY, KASAMA SUGATAN

HINDI nakaligtas ang isang trabahador sa isang carwash shop habang sugatan ang isa pa nang …