Friday , November 22 2024

Metro

6 binitbit sa drug ops sa Malabon, Navotas

shabu drug arrest

ANIM na hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang babae ang natiklo sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities. Ayon kay Malabon City police chief, Col. Albert Barot, dakong 2:00 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Halaan …

Read More »

3 DPs kalaboso sa P68K shabu, baril sa Valenzuela

arrest, posas, fingerprints

BAGSAK sa kulungan ang tatlong hinihinalang drug personalities (DPs) nang makuhaan ng baril at P68,000 halaga ng shabu sa isang buy bust operation sa Valenzuela City. Kinilala ni P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang mga naarestong suspek na sina Jonathan Awud, alyas Tutan, 34, Ronie Diaz, alyas Nuno, 34, at Richard Rivera, …

Read More »

Mister pinagsasaksak ng katagay, patay

knife saksak

TIGOK ang isang 57-anyos lalaki nang pagsasaksakin ng kainuman makaraan ang kanilang mainitang pagtatalo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Hindi umabot nang buhay sa Navotas City Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Melvin Gariando, residente sa Oliveros dike, Brgy., Tangos North ng lungsod. Nakapiit habang nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na kinilalang si Rogelio …

Read More »

Fetus ibinalot sa plastic

baby old hand

BIGLANG NAGKAGULO ang limang kabataang naglalaro, nang makakita sila ng isang patay na sanggol na nakasilid sa isang plastic bag sa Navotas City kamakalawa ng hapon. Sa ulat ni P/SSgt. Reysie Peñaranda, dakong 4:10 pm, masayang naglalaro ang mga batang mag-aaral sa Brgy. San Rafael Village, nang makatawag sa kanilang pansin ang isang plastic bag na may tatak ng isang …

Read More »

33 benepisaryo ng GIP, natanggap sa Navotas

Navotas

UMABOT sa 33 benepisaryo ng Government Internship Program (GIP) ang malugod na tinanggap ng pamahalaang lungsod ng Navotas matapos silang sumailalim sa oryentasyon. Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, sila ay mabibigyan ng pagkakataong makapagtrabaho sa pamahalaang lungsod mula 1 Setyembre hanggang 20 Disyembre ngayong taon at makatatanggap ng P570 kada araw. “Sa serbisyo ng gobyerno, nandito tayo hindi lang …

Read More »

Sa Maynila
8 MPD OFFICIAL BINALASA NI DD P/BGEN. DIZON

Andre Dizon PNP MPD

BINALASA ni Manila Police District (MPD) Director P/BGen. Andre Dizon ang hanay ng station commanders sa bawat estasyon gaya ng Sta. Cruz Station (PS3), Sampaloc (PS4), Abad Santos (PS7), Pandacan (PS10), Meisic (PS11) at Delpan (Ps12) bilang hakbang tungo sa pagpapanatili ng peace and order na kabilang sa programa nina Manila Mayor Honey Lacuna at VM Yul Servo sa lungsod …

Read More »

MPD Adopt a Student program inilunsad

MPD Adopt a Student

INILUNSAD ng mga pulis-Maynila sa pangunguna ni MPD Station 2 commander P/Lt. Col. Harry Lorenzo lll ang “Adopt A Student Program” na nagsimula sa 14 estudyante ng Isabelo Delos Reyes Elementary School na kabilang sa poorest of poor. Ang 14 na estudyante ay mabibiyaan ng regular na monthly cash assistance at one-time school supplies, bag, at cash upang pabaon ngayong …

Read More »

Wanted sa carnapping  
KELOT ARESTADO

Arrest Caloocan

BINITBIT sa selda ang isang most wanted person (MWP) sa kasong carnapping nang maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi Kinilala ang wanted person na nagresulta sa pagkakaaresto kay Adrian Pangilinan, 33 anyos, residente sa Bagong Barrio, Caloocan City. Ayon kay P/Lt. Col. Rommel Labalan, nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan ang akusado sa …

Read More »

P68-K shabu nasamsam ng mga parak sa 2 suspek

shabu drug arrest

TIMBOG sa shabu ang isang 45-anyos na babae at 22-anyos na lalaki makaraang kumagat sa buy bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Navotas City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Col. Dexter B. Ollaging, chief of police ng Navotas City ang mga suspek na sina Lea Rodriguez, 45 anyos, at si Roniel Olivar, 22 anyos, kapwa residente sa …

Read More »

Japanese national tumalon mula 48/F nagkalasog-lasog

suicide jump hulog

HALOS magkalasog-lasog ang katawan ng isang Japanese national na hinihinalang tumalon mula sa rooftop ng isang condominium na kanyang tinutuluyan sa Makati City kahapon ng madaling araw. Kinilala ang nasawing biktima na si Takaoka Shigeo, nasa hustong gulang. Sa imbestigasyon ni P/EMSgt. Rico P. Caramat, ng Makati City Police Investigation Division, naganap ang insidente dakong 1:20 am sa swimming pool …

Read More »

Opinyon ng OSG sa TRO vs NCAP hiling ng MMDA

MMDA, NCR, Metro Manila

INIHAYAG ni Metrpolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson at Legal Services chief, Atty. Cris Suruca, Jr., sasangguni sila sa Office of the Solicitor General (OSG) ng Sandiganbayan matapos magpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court laban sa pagpapatupad ng no contact apprehension policy ( NCAP). Ayon kay Suruca, magtutungo sila sa OSG sa Sandiganbayan para alamin kung dapat …

Read More »

Sa kasong attempted murder
WANTED PERSON HULI NG NPD SA KANKALOO

District Special Operation Unit Northern Police District, DSOU-NPD

MATAGAL na muling magiging malaya ang isang e-trike driver na wanted sa kasong attempted murder matapos masakote ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Lt. Col. Rommel Labalan, hepe ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) ang naarestong suspek na si Ronald Bautista, alyas Onad, 39 anyos, residente sa Malaya …

Read More »

Sa Malabon  
3 TULAK HOYO SA BUY BUST 

shabu drug arrest

HOYO ang kinalalagyan ng tatlong hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang buy  bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon City police chief, Col. Albert Barot ang mga naarestong suspek na sina Rolando Cruz, alyas Olan, 46 anyos, bike assembler; Norlito Lopez, alyas Ohle, 56 anyos, kapwa residente sa Brgy., Ibaba; at Jerry …

Read More »

Iconic at popular na Annabel’s Resto sa Morato, nasunog

Annabel’s Resto QC Fire

NASUNOG ang iconic at popular na Annabel’s Restaurant sa Quezon City, matapos ang dalawang ulit na pagsiklab ng apoy sa kanilang gusali, nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), unang sumiklab ang apoy sa kusina ng kilalang restaurant dakong 4:32 am, 31 Agosto, pero agad naapula matapos ang isang oras. Batay sa arson investigator, ang sunog …

Read More »

Pulis, 3 pa naaktohang nagnanakaw ng kable ng PLDT sa manhole

Man Hole Cover

DINAKIP ang isang pulis na nakatalaga sa Eastern Police District (EPD), kasama ang tatlong kasabwat nang maaktohang ninanakaw ang mga kable ng PLDT sa manhole ng Barangay Krus na Ligas, Quezon City, nitong Martes ng madaling araw. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) P/BGen. Nicolas Torre III, ang mga suspek na sina Pat. Francis Arcenas Baquiran, 27, nakatalaga sa …

Read More »

P53.31-M drug shipment nasabat ng NAIA inter-agency team

P53.31-M drug shipment nasabat ng NAIA inter-agency team

ISANG shipment mula sa Nigeria, naglalaman ng hinihinalang ilegal na droga, ang nasakote ng isang team mula sa Bureau of Customs (BoC) Port of NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Plant and Industry (BPI) at NAIA-Inter Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) mula sa isang lugar sa San Andres, Maynila. Sa ulat ng BoC Port of NAIA, hindi …

Read More »

Sa Navotas buy bust 
4 KATAO TIMBOG SA P139K SHABU 

shabu

APAT katao ang nalambat ng pulisya na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang babae sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City. Ayon kay Navotas City police chief, Col. Dexter Ollaging, dakong 12:10 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Luis Rufo, Jr., ng buy bust operation sa Paltok St., …

Read More »

Vaxx site bubuksan
“PINASLAKAS” SA PALENGKE ISUSULONG NG PASAY LGU 

Pasay City CoVid-19 vaccine

BUBUKSAN ang vaxx site sa ilang palengke sa lungsod ng Pasay. Sa kagustuhan ng marami na makapagpabakuna, ilalapit na ng pamahalaang lokal ng Pasay ang mga bakunahan kontra CoVid 19. Dito ay magtatayo ang Pasay City government ng vaccination site sa ilang pamilihan sa lungsod. Bahagi pa rin ito ng “Pinaslakas” program ng Department of Health (DoH). Bubuksan ang vaccination …

Read More »

NCAP sa QC ipinatigil

No Contact Apprehension Program, NCAP, Quezon City, QC, Traffic

PANSAMANTALANG ipinatigil ng Quezon City government ang ipinatutupad na No Contact Apprehension Program (NCAP) sa lungsod. Ito ay matapos na maglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court (SC) kaugnay sa ipinatutupad na NCAP ng ilang local government units (LGU) sa kanilang mga nasasakupan. “The Quezon City NCAP program has significantly reduced the traffic violations in the affected areas …

Read More »

P5.44-M shabu nasabat 3 HVT nasakote sa Pasig

P5.44-M shabu nasabat 3 HVT nasakote sa Pasig

NADAKIP ang tatlong nakatala bilang high value target (HVT) sa ikinasang anti-drug operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa lungsod ng Pasig nitong Sabado ng hapon, 27 Agosto. Kinilala ni P/Col. Celerino Sacro, Jr., ang mga arestadong suspek na sina Mohaimen Rangaig, 26 anyos; Mate Makebel, 33 anyos, kapwa nakatira sa No. 683 R. Castillo St., Brgy. Kalawaan, sa …

Read More »

7 pusher huli sa buy bust sa Kyusi

Quezon City QC

INARESTO ng mga awtoridad ang pitong tulak matapos makompiskahan ng P204,000 halaga ng shabu sa magkakahiwalay na ikinasang buy bust operations sa Quezon City, Sabado ng gabi. Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Nicolas Torre III, unang nadakip ng mga operatiba ng Holy Spirit Police Station (PS 14), na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Alex DJ Alberto, ang …

Read More »

300 pamilya biktima ng sunog sa pasay

fire sunog bombero

TINATAYANG aabot sa 300 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumupok sa 50 kabahayan sa isang residential area nitong Miyerkoles ng gabi sa Pasay City. Sa ulat  ng Pasay Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa isang bahay sa E. Rodriguez St., Brgy. 144, na naitala ang unang alarma dakong 7:27 pm. Naapula ang sunog makaraan …

Read More »

Kaligtasan, learning recovery ng mga estudyante kailangan

Students school

SA PAGBUBUKAS ng School Year 2022-2023, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral at magpatupad ng mga hakbang tungo sa tinatawag na learning recovery. Ang pagbisita ni Gatchalian sa Marulas Central Elementary School at Valenzuela National High School sa Valenzuela City sa unang araw ng face-to-face classes ay upang suriin ang kahandaan ng …

Read More »

Baclaran CES dinagsan ng enrollees

Baclaran Central Elementary School

INIHAYAG ni Maria Carina Bautista principal ng Baclaran Central Elementary School, susunod sila sa direktiba ng Department of Education (DepEd) na walang tatanggihang estudyanteng nais mag-enrol sa kanilang paaralan. Ayon sa principal kakaunti ang nag-enrol sa kanilang eskuwelahan ngunit nagulat siya kahapon, Sa unang araw ng face-to-face classes ay dumagsa ang mga magulang kasama ang kanilang mga anak na nais …

Read More »