Wednesday , May 22 2024

 ‘Utak’ sa pagdukot, pagpatay sa pharma CEO nasakote sa QC

040524 Hataw Frontpage

ni ALMAR DANGUILAN

NADAKIP sa Quezon City ang sinabing utak sa kidnap-for-ransom (KFR) at pagpatay sa isang chief executive officer ng isang pharmaceutical company, sa kasagsagan ng pandemya noong 2022, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Inihayag ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen Redrico Maranan, ang suspek na si Carlo Cadampog, 35 anyos, ay naaresto ng mga operatiba ng Novaliches Police Station (QCPD-PS4) sa parking lot ng isang mall sa Quirino Highway dakong 12:10 pm nitong Lunes, 1 Abril.

Ang pag-aresto kay Cadampog ay base sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Nevic Adolfo ng Regional Trial Court Branch 83 sa Tanauan City, Batangas.  Walang piyansang inirekomenda para sa kaniyang pansamantalang paglaya.

Si Cadampog, kasama ang siyam pang sinsasabing mga kasabwat ay idinadawit sa pagpatay kay Eduardo Tolosa, CEO ng Iraseth Pharma Inc., na nawala at huling nakitang buhay sa Bonifacio Global City sa Taguig noong 19 Hulyo 2022.

Noong panahong iyon, sinabing may dalang P5.7 milyong cash at dalawang mamahaling relo ang biktima. Ang kaniyang sasakyan ay natagpuang sunog sa San Luis, Pampanga.

Sa report, sinabing tatlong araw sinunog ang bangkay ni Tolosa sa isang sakahan sa Sto. Tomas, Batangas upang itago ng mga suspek ang kanilang krimen.

Sina Cadampog, kapatid nitong si Cesar, Adrian Joseph Mendez, Richmel Riel Ignilan, Jomer Vizcarra, at Aldrin Antonio ay sinampahan ng kaso bilang pangunahing mga suspek.

‘Accessories’ sa krimen ang kasong isinampa laban kina John Benedict Dumalanta, Victor Ferrer, David Gundran, Jr., at Melvin Andes.

Sa pulisya, inamin ni Cadampog na alam niyang may warrant of arrest laban sa kanya ngunit tumangging magkomento nang tanungin kung bakit siya nagtago.  

About Almar Danguilan

Check Also

Cyberlibel vs health advocate doctor inihain ng Bell-Kenz Pharma sa NBI

Cyberlibel vs health advocate doctor inihain ng Bell-Kenz Pharma sa NBI

SINAMPAHAN ng kasong cyberlibel si public health advocate doctor Anthony Leachon kaugnay ng anila’y akusasyon …

Chiz Escudero Migz Zubirri

Escudero aminadong pasimuno ng kudeta laban kay Migz Zubiri

INAMIN ng bagong halal na Senate President na si Senador Francis Joseph “Chiz” Escudero na …

DOST SETUP MSME marks significant invention in the Abaca Industry

DOST SETUP MSME marks significant invention in the Abaca Industry

TO UPGRADE the technological capabilities and improve the productivity and efficiency of MSMEs in the …

Citywide Clearing Ops inilarga ng Pasay LGU sa ilang barangay para paghahanda vs La Niña

Citywide Clearing Ops inilarga ng Pasay LGU sa ilang barangay para paghahanda vs La Niña

NAGSAGAWA ng Citywide Clearing Operation ang pamahalaang lungsod ng Pasay partikular sa Barangay 55, 53, …

Drug den operator, PDEA regional target, 4 pa, arestado sa Subic

Drug den operator, PDEA regional target, 4 pa, arestado sa Subic

ANIM na katao na pinaghihinalaang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang drug den …