Friday , February 7 2025
Arrest Caloocan

No. 3 MWP ng Navotas arestado sa Kankaloo

NADAKIP ng mga tauhan ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) ang lalaking itinuturing na No. 3 most wanted person (MWP) sa Navotas sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni DSUO chief P/Lt. Col. Robert Sales ang naarestong akusado na si alyas Badjao, 22 anyos, residente sa Brgy. 28, Caloocan City na pansamantalang nakapiit sa custodial facility unit ng DSOU habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.

Sa kanyang ulat kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Lt Col. Sales, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pinagtataguang lugar ng akusado kaya bumuo ng team sa pangunguna ni P/Major Marvin Villanueva para sa gagawing pagtugis kay Badjo.

Kasama ang mga tauhan ng NPD-DID, Northern NCR Maritime Police Station, at WSS ng Navotas police, agad nagsagawa ang DSOU ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong 3:30 pm sa kahabaan ng Blk. 14 Pamasawata, Brgy. 28, Caloocan City.

Ani Maj. Villanueva, binitbit nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Romana Maria Melchora P. Lindayag-Del Rosario ng Branch 287, Navotas City noong 30 Enero 2024 para sa kasong Murder. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Flagship ng ICTSI FIRST NEAR-ZERO EMISSION RTGs SA PH

Flagship ng ICTSI
FIRST NEAR-ZERO EMISSION RTGs SA PH

GUMAWA ng isang makabuluhang hakbang ang Manila International Container Terminal (MICT), flagship operation ng International …

020625 Hataw Frontpage

Impeachment vs VP Sara inihain na ng Kamara

ni GERRY BALDO  SA BOTONG 215, sinampahan ng impeachment case ng Kamara de Representantes si …

SM Foundation opens 2025 College Scholarship Application

SM Foundation opens 2025 College Scholarship Application

Continuing the mission of SM Group Founder Henry Sy, Sr. in education, the SM College …

P128-M paihi nasakote ng Customs

P128-M ‘paihi’ nasakote ng Customs

TINATAYANG nasa P128 milyon halaga ng smuggled fuels ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau …

Shamcey Supsup Arte Partylist

Beauty Queen Shamcey Supsup sasabak sa Pasig, Arte Partylist todo suporta

ANG magnaCum Laude, architect at beauty queen na si Shamcey Supsup-Lee ay naghain ng kandidatura …