Friday , December 5 2025

Local

Rapist na Top 6 MWP timbog sa Pampanga

arrest posas

ARESTADO ang isang puganteng nakatala bilang top 6 most wanted person (MWP) ng Pampanga sa inilatag na manhunt operation ng mga awtoridad nitong Linggo, 27 Marso, sa bayan ng Mexico, sa naturang lalawigan. Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Robin Sarmiento, provincial director ng Pampanga PPO, kinilala ang suspek na si Ariel Pamintuan, 27 anyos, nakatira sa San Guillermo …

Read More »

Gusali ng trucking company nasunog

fire sunog bombero

TINUPOK ng apoy ang gusali ng isang trucking company sa loob ng Muralla Industrial Park sa lungsod ng Meycauayan, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng gabi, 27 Marso. Sa naging pahayag ng security guard na kinilalang si Jeffrey Casia, dakong 10:00 pm kamakalawa nang makita nilang may apoy sa bahagi ng barracks kaya agad nagpulasan palabas ang mga manggagawa sa …

Read More »

Sa isang linggong SACLEO sa Bulacan
P.601-M DROGA NASABAT, 369 LAW OFFENDERS HOYO

Bulacan Police PNP

NASAMSAM ang may kabuuang P601,000 halaga ng ilegal na droga at nasakoe ang 369 law offenders sa isinagawang isang linggong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Unit (SACLEO) ng mga tauhan ng Bulacan PPO mula 21-27 Marso 2022. Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PPO, nakompiska ang P601,650 halaga ng ilegal na droga sa …

Read More »

3 magpipinsang paslit nalunod sa ilog, patay

Lunod, Drown

TATLONG paslit, edad 3-5 anyos ang nalunod sa isang ilog sa Brgy. San Miguel, sa bayan ng San Antonio, lalawigan ng Zambales, nitong Lunes, 28 Marso. Kinilala ni P/Sgt. Noel Cunanan, imbestigador ng San Antonio MPS, ang mga biktimang sina Brietanya Alexa Ancho, 3 anyos; at kanyang mga pinsang sina John Andre Guania at Prince Nythan Ocol, kapwa 5 anyos. …

Read More »

Halalan 2022
3 BAYAN SA ZAMBALES IDINEKLARANG ‘AREAS OF IMMEDIATE CONCERN’

Elections

IDINEKLARA ang tatlong munisipalidad sa lalawigan ng Zambales bilang ‘areas of immediate concern’ kaugnay sa papalapit na pambansa at lokal na eleksiyon sa Mayo. Ayon kay P/Col. Fitz Macariola, Zambales PPO provincial director, ito ang mga bayan ng Botolan, San Felipe, at San Marcelino. Tinukoy ni Macariola ang isang insidente ng harassment na naganap noong Hunyo 2017 kaya naisama ang …

Read More »

Batanes niyanig ng 5.2 magnitude lindol

earthquake lindol

NIYANIG ng 5.2-magnitude lindol ang Batanes nitong Sabado ng gabi. Batay sa inilabas na bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 9:53 pm, nitong SAbado, 26 Marso, nang tumama ang lindol sa Basco, Batanes. Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng naturang lindol, na tectonic ang origin ay natukoy na may 40 kilometro sa hilagang silangan ng Basco, …

Read More »

4 kasabwat timbog din
KANDIDATONG KONSEHAL, ARESTADO SA CHILD ABUSE AT PAGLABAG SA GUN BAN

gun ban

ARESTADO ang isang kandidato sa pagkakonsehal sa bayan ng Gapan, lalawigan ng Nueva Ecija matapos mahuling lumabag sa gun ban kasama ang apat na iba pa. Kinilala ni P/Col. Jesse Mendez, acting provincial director ng Nueva Ecija PPO, ang nadakip na suspek na si Elizalde Tinio at apat niyang kasamahan. Narekober mula sa sasakyan ng mga suspek ang kalibre .45 …

Read More »

Totoy patay sa convoy ng kandidato

road traffic accident

ISANG 6-anyos batang lalaki ang namatay matapos masagasaan ng sasakyang bahagi ng convoy ng isang kandidatong kongresista sa bayan ng Solana, lalawigan ng Cagayan nitong Huwebes, 24 Marso. Kinilala ang biktimang si Augusto Cauilan, kindergarten student, at residente sa Brgy. Sampaguita, sa nabanggit na bayan. Ayon sa imbestigador ng kaso na si P/SSgt Jeriemar Prieto, naganap ang insidente dakong 11:30 …

Read More »

Para sa tahimik na halalan
UNITY WALK MATAGUMPAY NA GINANAP SA BULACAN

Unity Walk SAFE

TAGUMPAY ang isinagawang Unity Walk at Signing of Peace Covenant for Secure, Accurate, Free and Fair Elections (SAFE) 2022 na ginanap sa Bulacan (KB) Capitol Gym, lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan nitong Huwebes, 24 Marso. Kinatawan ni P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PPO, ang Philippine National Police sa unity walk na nagsimula sa Camp Gen. Alejo …

Read More »

4 pugante sa Bulacan arestado

arrest, posas, fingerprints

TULUYANG nahulog sa kamay ng batas ang apat na pugante sa isinagawang manhunt operations sa lalawigan ng Bulacan nitong Miyerkoles, 23 Marso. Sa ulat mula kay P/Col. Rommel Ochave, provincial director ng Bulacan police, sinasabing pawang mapanganib kaya nagtulong-tulong ang tracker teams ng police stations ng Angat, Balagtas, Meycauayan, Norzagaray, Plaridel, San Jose del Monte, at Sta. Maria, at mga …

Read More »

No.1 PDID ng NPD
LIDER NG CRIMINAL GANG ARESTADO SA PANGASINAN

Arrest Posas Handcuff

HINDI nakapalag nang silbihan ng warrant at arestohin ang lider ng ‘Reyes & Abaya’ criminal gang, nakalistang no. 1 sa Priority Database on Illegal Drugs (PDID) ng Northern Police District (NPD) matapos masakote sa Alaminos City, Pangasinan. Kinilala ni P/Col. Allan Umipig, hepe ng DID-NPD ang naarestong akusado na si Jimmy Abaya, alyas JimJim, 34 anyos, residente sa Zone 4, …

Read More »

Sa Boracay
2 TURISTA NATAGPUANG PATAY SA HOTEL

WALANG BUHAY nang matagpuan ang dalawang turista, kabilang ang isang Australian national, sa loob ng kanilang silid sa isang hotel sa isla ng Boracay, sa Malay, Aklan nitong Lunes, 21 Marso. Kinilala ang mga turistang sina Dennis Yu, 44 anyos, isang Filipino ayon sa kaniyang ID card; at Maria Cecilia Jellicode, isang Australian national ayon sa kaniyang pasaporte. Sa inisyal …

Read More »

OEC violator, tulak timbog sa search warrant

gun ban

ARESTADO ang lalaking lumabag sa ipinaiiral na Omnibus Election Code (OEC) at hinihinalang tulak sa ipinatupad na search warrant ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 21 Marso. Ayon kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PPO, nasakote ang dalawang suspek sa ipinatupad na search warrant ng mga police stations ng Pulilan at San Jose Del Monte …

Read More »

Tulak tiklo sa 1.7 kilo ng ‘damo’

marijuana

NASUKOL ng mga awtoridad sa ikinasang buy bust operation ang isang hinihinalang tulak na nasamsaman ng 1.7 kilo pinaniniwalaang marijuana sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal. Kinilala ni PNP Drug Enforcement Group (DEG) Director P/BGen. Randy Peralta, ang naarestong suspek na si Jheremy Javier, alyas David, nasa hustong gulang, residente sa Brgy. Mambugan, sa lungsod. Nakompiska mula sa suspek …

Read More »

Inatadong lalaki sa Montalban kinilala ng misis

Tsinaptsap na katawan ng lalaki natagpuan sa Montalban

DIREKTANG kinilala ng asawang si Nerissa Rosales, 34 anyos, na mister niya ang may-ari ng putol-putol na katawan at ulo na natagpuan noong 17 Marso ng umaga sa Zigzag Road, Don Mariano Ave., Rodriguez (Montalban), Rizal. Sa ulat ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo, Jr., hepe ng Rodriguez MPS, kinilala ni Nerissa ang biktimang mister na si Ramil Jugar, 38 anyos, …

Read More »

2 most wanted ng PRO4A PNP nasukol sa Bulacan

arrest, posas, fingerprints

INIULAT ng top cop ng Central Luzon na si P/BGen. Matthew Baccay ang matagumpay na pagkakadakip sa isang regional at isang provincial most wanted persons sa inilatag na manhunt operation sa bayan ng Angat, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 21 Marso. Ayon sa ulat mula kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PPO, nagsagawa ang mga tauhan ng …

Read More »

Sa Bulacan
37 TIMBOG SA ANTI-CRIME DRIVE

Bulacan Police PNP

ARESTADO ang may kabuuang 37 indibidwal, pawang nasa talaan ng mga lumabag sa batas sa ikinasang serye ng mga operasyon ng mga awtoridad sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 20 Marso. Nadakip ng mga tracker teams ng mga police stations ng Bocaue, Malolos, at Paombong ang tatlo kataong matagal nang pinaghahanap ng batas na kinilalang sina …

Read More »

MWP ng Laguna PNP arestado sa Victoria

arrest posas

NADAKIP ang ikapitong most wanted person (MWP) ng Laguna PPO sa ikinasang joint manhunt operation ng mga awtoridad sa bayan ng Victoria, sa naturang lalawigan. Sa ulat ni Laguna PPO Director, P/Col. Rogarth Campo kay CALABARZON Regional Director, P/BGen. Antonio Yarra, inaresto ng Victoria MPS, sa ilalim ng direktang pangangasiwa ng kanilang hepeng si P/Capt. Laudemer Abang, at Regional Mobile …

Read More »

18-anyos estudyante todas sa hazing

hazing dead

PATAY ang isang estudyante matapos sumailalim sa initiation rites ng isang fraternity sa bayan ng Kalayaan, lalawigan ng Laguna. Kinilala ang biktimang si Reymart Rabutazo, 18 anyos, estudyante, residente sa Purok 1C, Brgy. Longos, sa nabanggit na bayan. Ayon sa ulat, dakong 4:50 pm noong Linggo, 20 Marso, nang magtungo ang lola ng biktimang si Elizabeth Rabutazo, upang isumbong ang …

Read More »

Trike driver, dyowa kulong sa ‘holdap’

lovers syota posas arrest

KULUNGAN ang binagsakan ng tricycle driver at ng kanyang live-in partner dahil sa reklamong hold-up at obstruction of justice, sa Muntinlupa City, Sabado ng hapon. Isinailalim sa inquest proceedings sa Muntinlupa Prosecutor’s Office ang suspek na si Rommel Landrito, 47, sa paglabag sa Article 293 ng Revised Penal Code o Robbery (Holdup, illegal possession of firearms and ammunitions) o Republic …

Read More »

Gang leader, kasabwat nakalawit ng Bulacan police

Noel Rado

NASUKOL ang lider ng notoryus na Rado criminal gang at kanyang kasapakat sa inilatag na manhunt operation ng mga awtoridad, nitong Sabado ng tanghali, 19 Marso, sa bayan ng Norzagaray, lalawigan ng Bulacan. Isinagawa kamakalawa ng magkasanib na operating troops ng 4th Platoon, 2nd PMFC bilang lead unit, Norzagaray MPS, Pandi MPS, PIU, Bulacan PPO at 24th SAC, 2SAB PNP-SAF …

Read More »

Sa Bulacan buy bust
P.6-M ‘OMADS’ NASAMSAM NG PDEA

marijuana

NASAKOTE ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lalaking pinaniniwalaang isa sa pinakamalaking nagpapakalat ng marijuana sa lalawigan ng Bulacan nang makompiskahan ng tinatayang limang kilong marijuana sa lungsod ng San Jose del Monte, nitong Huwebes, 17 Marso. Sa ulat mula sa PDEA Bulacan Provincial Office, kinilala ang nadakip na suspek na si John Gabriel Gayo, …

Read More »

3 drug suspects timbog sa Laguna

3 drug suspects timbog sa Laguna

INIULAT ni Laguna PNP Provincial Director, P/Col. Rogarth Campo kay PRO-4A PNP Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, ang pagkakadakip sa tatlong drug suspects sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa lalawigan ng Laguna nitong Sabado, 19 Marso. Ayon sa impormasyon, isinumbong ng isang concerned tipster sa Biñan CPS na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Jerry Corpuz, Officer-In-Charge na mayroong nagaganap na …

Read More »