Wednesday , December 25 2024

Local

13 Chinese nationals kalaboso (Sa ilegal na online modus)

thief card

INARESTO ng mga awtoridad ang 13 Chinese nationals na nagpapatakbo ng ilegal na online activities sa operasyong ikinasa sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Linggo, 3 Oktubre. Sa ulat mula kay P/Col. Rommel Batangan, direktor ng Angeles City Police Office, inihain ng mga operatiba ng CIDG CFU Angeles at CIDG PFU Pampanga dakong 4:30 pm kamakalawa, ang warrant …

Read More »

4 bus drivers suspendido sa illegal drugs

Drug test

NAGSAGAWA ng Random drug testing ang Philippine National Police (PNP), Land Transportation Office (LTO), at Local Government Units (LGUs) sa mga bus drivers na bumibiyaheng Cavite at Batangas  sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) . Sinabi ng tagapagsalita ng PITX na si Jason Salvador, layunin nilang maging ligtas ang mga pasahero sa kanilang paglalakbay. Dagdag ni Salvador, sinuspende ang driver’s …

Read More »

Sanggol pinukpok ng tatay, patay (Ayaw tumahan)

baby milk bottle

ARESTADO ang isang 20-anyos tatay matapos mapaslang ang kanyang tatlong-buwang gulang na anak nang pukpukin ng bote ng gatas nang ayaw tumahan sa pag-iyak nitong Biyernes, 2 Oktubre, sa lungsod ng Cotabato, lalawigan ng Maguinda­nao. Ayon kay P/Maj. Elexon Bona, commander ng Cotabato City Police Office precinct 2, dahil sa lakas ng pag-iyak ng bata sa kalalaliman ng gabi, nagtimpla …

Read More »

Ex-city hall official patay sa tambang )Sa Biñan, Laguna)

dead gun police

BINAWIAN ng buhay ang isang retiradong opisyal ng lungsod ng Biñan, sa lalawigan ng Laguna matapos barilin ng hindi kilalang suspek noong Sabado ng tanghali, 3 Oktubre. Kinilala ni P/Lt. Col. Giovanni Martinez, hepe ng Biñan police, ang biktimang si Virgilio Dimaranan, dating head ng city accounting office ng nabanggit na lungsod. Ayon kay Martinez, financier at leader umano ng …

Read More »

‘Mother and son tandem’ tiklo sa droga (Sa Zambales)

shabu drug arrest

NABUWAG ang operasyon ng mag-inang pinanini­walaang kapwa high-profile personalities at nasa klasipikasyon na Regional Level Drug Watch List nang maaresto ng mga awtoridad sa anti-illegal drug operation sa Subic, lalawigan ng Zambales, nitong Sabado, 3 Oktubre. Batay sa ulat mula kay P/Col. Romano Cardiño, acting provincial director ng Zambales PPO, dakong 1:45 am kamakalawa nang magkasa ang mga operatiba ng …

Read More »

Anomalya ‘di politika dapat tutukan ng Task Force LAG (Sa Pandi, Bulacan)

Pandi Bulacan

NARARAPAT tutukan ng Task Force LAG ni Pandi Mayor Rico Roque ang pagpapalutang ng kato­tohanan kung may naga­nap ngang anomalya sa likod ng reklamo tungkol sa  pagbabawas ng P5,000 hanggang P10,000 sa Livelihood Assistance Grant (LAG) imbes na palutangin ang usapin ng politika. Ito ang pahayag ni Pandi Councilor Cris Castro kasunod ng pagkakadawit ng kanyang pangalan sa imbestigasyon ng …

Read More »

Konsehal ng Pandi, Bulacan, nagpasoklolo kay LMP President Ambrosio Cruz

Konsehal ng Pandi, Bulacan, nagpasoklolo Micka Bautista

MAGKASAMANG humarap sa media sina LMP President Mayor Ambrosio Cruz at Pandi Councilor Cris Castro upang magpaliwanag tungkol sa sinasabing usapin ng anomalya sa Livelihood Assistance Grant (LAG) sa Pandi, Bulacan. (MICKA BAUTISTA) UMAPELA ng tulong kay League of Municipalities in the Philippines (LMP) President Mayor Ambrosio Cruz si Konsehal Cris Castro ng Pandi, Bulacan kaugnay sa mapanirang paratang laban …

Read More »

Ilegal na sabungan muling sinalakay at ipinasara ng PNP

Val de Leon, illegal online sabong

ISANG araw matapos ipasara ng National Bureau of Investigation (NBI) ang illegal online sabong sa San Leonardo, Nueva Ecija, muli itong nagbukas kaya’t nagdagsaan muli ang mga parokyano nito. Agad namang ipinasara ni Philippine National Police (PNP) Region 3 Chief Brig. Gen. Val de Leon ang naturang illegal live streaming cockfighting sa Mavis sports complex sa nasabing bayan. Ayon kay …

Read More »

Mayor ng Tanay, dedma sa wasak-wasak na tulay

Tanay Rizal bridge, Edwin Moreno

NAGPAHAYAG ang mga guro na nahihirapan makatawid sa ilog dahil sa sira-sirang tulay na kawayan sa bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal, na winasak nang manalasa ang bagyong Ulysses noong Nobyembre 2020. Ibinahagi ng isang gurong kinilalang si Jerolyn Caber ang hirap umanong tumawid sa tulay na gawa sa kawayan at kahoy lalo na kung tag-ulan. Aniya, sa tuwing masisira …

Read More »

Ilegal na online sabong sinalakay ng NBI, 250 katao inaresto

e-Sabong

DINAKIP ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) Central Office ang 250 katao, kabilang ang operator, empleyado at mananaya ng ilegal na online sabong sa San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon kay Atty. Emeterio Dongallo Jr., pinuno ng  NBI – Special Project Team, isinagawa ang pagsalakay nitong Lunes ng hapon sa Mavin’s Events Center sa San Leonardo, Nueva Ecija. …

Read More »

Kadete ng PNPA patay (Sinikmuraan ng upperclassman)

Philippine National Police Academy, PNPA

BINAWIAN ng buhay ang isang kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa bayan ng Silang, lalawigan ng Cavite, matapos suntukin sa tiyan ng kanyang upperclassman nitong Huwebes, 23 Setyembre. Kinompirma ni P/Lt. Col. Louie Gonzaga, hepe ng PNPA public information office (PIO) ang pagkamatay ni Cadet 3rd Class Karl Magsayo ng PNPA Batch 2024. Ayon sa ulat ng Silang municipal …

Read More »

1K manggagawa sa konstruksiyon at manupaktura binakunahan (Sa Bulacan)

Daniel Fernando, Bulacan, Covid-19 vaccine

NAUNA nang binakunahan ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang 1,000 mangga­gawa sa industriya ng konstruk­siyon at manupaktura ng Sinovac vaccine bilang bahagi ng 10,000 target mabakunahan kaugnay ng pangako ng National Employment Recovery Strategy (NERS) Task Force na mapadali para sa mga manggagawa sa ilalim ng proyektong Reform. Rebound. Recover: 1 Million Jobs for 2021. Sa ginanap na paglulunsad ng …

Read More »

Pugante, 9 taon nagtago, nasukol sa Zambales

Botolan, Sta Cruz, Zambales

NADAKIP ng mga awtoridad nitong Sabado, 25 Setyembre, ang itinuturing na most wanted person ng Botolan, Zambales, sinabing siyam na taon nagtago sa batas. Ayon kay P/Col. Romano Cardiño, acting provincial director ng  Zambales PPO, nagsagawa ng manhunt operation ang magkatuwang na puwersa ng Botolan MPS, Sta. Cruz MPS, 1st PMFC ZPPO, at 305th MC, RMFB3 sa Shang Fil Port na matatagpuan …

Read More »

4 preso nagtangkang tumakas sa Liangga District Jail bulagta

Liangga District Jail, Surigao del Sur

KAMATAYAN anginabot ng apat na preso, kabilang sa 11 inmates na nagtangkang tumak­as, habang isang jail guard ng Bureau of Jail Management and Penology personnel (BJMP) ang sugatan sa Liangga District Jail, sa Surigao del Sur nitong Linggo ng umaga. Ayon kay BJMP spokesperson Jail Chief Inspector Xavier Solda, dakong 6:50 am, kahapon, 26 Setyembre, nang maganap ang insidente sa …

Read More »

2 hitman ‘dedbol’ sa target (Propesor nakaligtas sa ambush)

dead gun police

PATAY sa isang propesor na ‘target’ itumba, ang dalawang hinihinalang hired killer, nang mauwi sa barilan ang pananamabang nitong Martes ng hapon, 21 Setyembre, sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, sa lalawigan ng Maguindanao. Ayon kay P/Lt. Col. Rommel dela Vega, hepe ng lokal na pulisya, nagmamaneho ang biktimang si Prof. Daud Kadon ng Mindanao State University – Maguindanao ng …

Read More »

Bulacan, DOLE sanib-puwersa para sa ayuda (Para sa higit 400 benepisaryo)

DoLE, Bulacan

SA PANGUNGUNA ng Department of Labor and Employment (DOLE) at sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office (PYSPESO), nabigyan ang 497 Bulakenyo ng ayuda at tulong pangkabahuhayan. Sa idinaos na Singkaban Festival kamakailan, nakapaloob rito ang mga programa ng DOLE at PYSPESO na 227 ang napagkalooban ng Tulong Panghanapbuhay …

Read More »

Miyembro ng Ramat Drug Group timbog (Sa Zambales)

Castillejos Zambales

NASAKOTE ng mga awrtoridad sa inilatag na manhunt operation ang isang pinaniniwalaang miyembro ng notoryus na drug group sa bayan ng Castillejos, lalawigan ng Zambales, nitong Martes, 21 Setyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Romano Cardiño, acting provincial director ng Zambales PPO, kinilala ang naarestong akusadong si Jimmy Aglibot, alyas Jim, 55 anyos at residente sa Purok 4, Brgy. San …

Read More »

6 lineman, 4 pa arestado sa nawawalang telephone wires (Sa Marilao, Bulacan)

Telephone Wires

NALUTAS ng mga awtoridad ang talamak na nakawan ng mga kable ng telepono sa lalawigan ng Bulacan nang madakip ang anim kataong may pakana nito sa bayan ng Marilao. Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Rolando Gutierrez, hepe ng Marilao Municipal Police Station (MPS) kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang mga naarestong suspek na …

Read More »

Ulo ng biker napisak sa killer truck (Sa San Mateo, Rizal)

Bike Wheel

ISANG biker ang namatay nang magulungan ang kanyang ulo ng 10-wheeler truck matapos matumba habang nagbi-bike sa bayan ng San Mateo, lalawigan ng Rizal, nitong Martes, 21 Setyembre. Kinilala ang biktimang si Hermiñano Cargullo, nasa hustong gulang, habang kusang loob na sumuko sa mga awtoridad ang driver ng truck na si Jobert Cortes. Sa naantalang ulat ng pulisya, dakong 9:30 …

Read More »

Doktora sa Abra niratrat patay sa atake sa puso

dead gun police

SUGATAN ang isang doktor, ngunit binawian ng buhay kalaunan nang atakehin sa puso, matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa kanyang bahay sa bayan ng Pilar, lalawigan ng Abra, nitong Sabado ng gabi, 18 Setyembre. Kinilala ang biktimang si Amor Trina Dait, 53 anyos, isang doktor at natalong kandidato sa pagka-alkalde noong Mayo 2019. Tinamaan si Dait ng bala sa …

Read More »

NPA finance officer timbog sa Bulacan

Ma Lorena Sigua, NPA finance officer

IPINAHAYAG ni PRO3 Regional Director P/BGen. Valeriano De Leon na nadakip ng mga awtoridad ang top 1 most wanted person sa talaan ng PNP-PRO13 sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 19 Setyembre. Kinilala ang suspek na si Ma. Lorena Sigua, 44 anyos, iniulat na finance officer ng New People’s Army (NPA), kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Muzon, lungsod ng San Jose …

Read More »

2 timbog sa illegal logging sa Ipo Dam gate sa Bulacan

2 timbog sa illegal logging sa Ipo Dam gate sa Bulacan Micka Bautista

NASAKOTE ang dalawa kataong hinihinalang sangkot sa illegal logging sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Norzagaray, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 19 Setyembre. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, ang mga suspek na sina Jennifer Sarandona at Renato Patulot, kapwa residente sa Ipo Rd., Brgy. San Mateo, sa naturang bayan. Batay …

Read More »

Anak ng bilyonaryo tiklo sa cocaine kasamang pintor natagpuang patay (Sa La Union)

Julian Ongpin, Bree Jonson

DINAKIP ang anak ng isang prominenteng negosyante matapos makakita ang mga awtoridad ng cocaine sa tinutuluyang silid, na kinaroroonan din ng nobyang walang malay, sa isang hotel sa San Juan, La Union nitong Sabado, 18 Setyembre. Kinilala ni P/Maj. Gerardo Macaraeg, hepe ng San Juan MPS, ang suspek na si Julian Ongpin, 29 anyos, anak ng negosyanteng si Roberto Ongpin, …

Read More »

Cessna 125 plane bumagsak sa Bulacan (Imbestigasyon ipinag-utos ng PRO3-PNP)

CESSNA 125 PLANE BUMAGSAK SA BULACAN Micka Bautista

INIIMBESTIGAHAN ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng isang Cessna 152 plane sa bayan ng Plaridel, lalawigan ng Bulacan nitong Biyernes ng umaga, 17 Setyembre. Ayon kay P/BGen. Valeriano De Leon, regional director ng PRO3-PNP, lumipad sa direksiyon ng timog ang two-seater plane mula sa Plaridel Airstrip runway lulan ang pilotong si Paul Jemuel Gayanes at pasaherong …

Read More »

1 patay, 7 sugatan sa LGBTQ group sa Maguindanao (Mga miron sa volleyball game pinasabugan)

Datu Piang, Maguindanao Explosion

ISA kataoang namatay, habang sugatan ang pitong iba pang miyembro ng LGBTQ community sa pagsabog sa bayan ng Datu Piang, lalawigan ng Maguindanao, nitong Sabado ng hapon, 18 Setyembre. Kinompirma ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na namatay, kamakalawa ng gabi, ang isang biktimang nasa kritikal na kondisyon dahil sa pinaniniwalaang pagpapasabog ng improvised explosive device (IED). Ayon kay Lt. …

Read More »