Tuesday , November 11 2025
Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang mas pinaigting na kampanya laban sa kriminilidad sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Linggo ng umaga, 7 Agosto.

Ayon kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang tatlong suspek dahil sa agresibong pagtugis sa mga katulad nilang wanted persons at sa bisa ng warrant of arrest.

Naaresto ng mga tauhan ng Meycauayan CPS ang suspek na kinilalang si Ramoncito Renoria, residente sa Brgy. 167, Caloocan sa kasong Frustrated Murder.

Gayondin, naaresto ng MPS katuwang ang 2nd PMFC at 24 SAC 2 SAB PNP SAF ang mga suspek na sina Teodoro Emerson Salvatierra, ng Brgy. San Vicente, Sta. Maria, Bulacan, sa dalawang bilang ng kasong paglabag sa Section 10 (A) ng RA 7610 o Special Protection Against Child Abuse; at Trinidad Cruz, para sa paglabag sa Section 10 (A) ng RA 7610.

Samantala, sa ikinasang drug bust operation ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) sa Brgy. Meysulao, Calumpit dakong 12:10 am kahapon, nasukol ang suspek na kinilalang si Edna Calceta, 53 anyos, residente sa Tramo St., Pasay City at narekober sa kanya ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu at marked money.

Sa inilatag na anti-illegal gambling operation ng mga tauhan ng Plaridel MPS sa Brgy. Parulan, Plaridel, inaresto ang limang indibidwal na naaktohan sa sugal na pusoy at nasamsam mula sa kanila ang baraha at perang taya sa iba’t ibang denominasyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Kris Aquino Bea Alonzo Andrea Brillantes

Bea nasorpresa kay Kris, magnininang nga ba? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KUNG marami ang nasorpresa sa pagbati ni Kris Aquino kay Bea Alonzo, ganoon din …

PNP handa Bagyo Uwan

PNP Chief Nartatez nanguna sa malawakang paghahanda laban sa super typhoon Uwan

SA PAGHAHANDA ng bansa sa pagtama ng super typhoon Uwan, puspusan ang ginawang paghahanda ng …

Bodjie Dy III

Maging handa, magkaisa at huwag magpakampante

kay Uwan – Speaker Bodji ni Gerry Baldo NANAWAGAN si House Speaker Faustino “Bodj” Dy …