Friday , October 7 2022
Bulacan Police PNP

P.734-M shabu nasabat
24 TULAK SWAK SA REHAS

SA patuloy na pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad ng Bulacan PPO, nadakip ang 24 mga pinaniniwalaang tulak at nasamsam ang higit P743-K halaga ng hinihinalang ilegal na droga hanggang nitong Miyerkoles ng umaga, 10 Agosto.

Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, naarersto ang walong hinihinalang drug dealers sa drugbust operation na ikinasa ng Provincial Intelligence Unit (PIU) katuwang ang mga police sation ng Norzagaray at San Jose Del Monte, at mga elemento sa SOU3 PDEG.

Narekober ang 80 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P544,000 mula sa mga nadakip na suspek na kinilalang sina Kristine Guerina, Richard Pineda, Joven Bugarin, Leon Bello, Romnick Isidro at Jorge Lopez sa Brgy. FVR, Norzagaray, Bulacan.

Gayundin, nasukol sa San Jose del Monte dakong 4:00 ng madaling araw kamakalawa ang mga suspek na kinilalang sina Allan Sabino at Alice Cooper Kenniker dahil sa pangangalakal ng droga.

Nakumpiska mula sa kanila ang 15 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P102,000 at buy-bust money.

Samanatala, narekober ng anti-drug operatives ng Malolos CPS, Norzagaray, Bocaue at Hagonoy MPS ang may kabuuang P97,308 halaga ng hinihinalang shabu na may timbang na 14.31 gramo mula sa nadakip nilang 13 suspek sa droga.

Kinilala ang mga suspek na sina Carlo Turco at Jeffrey Velarde mula sa Malolos; Jerald Khenn Bonales , Anthony Tabasa at  Oliver Poliedo, mula sa Norzagaray; Christian Gabrielle Gallarde at John Angelo De Castro mula sa San Jose del Monte; Charmaine Gonzales at Mark Ian San Gabriel, mula sa Bocaue; at Angelo Bernabe, Ulit Balbada, Reynaldo Pacheco, Jr., at Diosdado Nopal, Jr. mula sa Hagonoy.

Nasakote din ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pandi, Baliwag at Obando MPS ang mga suspek na kinilalang sina Rufino Feliciano ng Pandi; Arsenio Sortiz ng Baliwag; at Jayferson Joseph ng Obando kung saan nakumpiska mula sa kanila ang 10 pakete ng hinihinalang shabu at marked money. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Trixie Cruz-Angeles Mike Toledo Gilbert Remulla Cesar Chavez

3 Media big shots pinagpipiliang Press secretary

TATLONG nagmula sa media industry ang mga kandidatong susunod na Press Secretary ng administrasyong Marcos, …

100622 Hataw Frontpage

SPD may namumuong lead
AMBUSH NG BETERANONG BROADCAST JOURNALIST INAASAHANG MAY RESULTA SA LOOB NG 24-ORAS

ni MANNY ALCALA IPINAHAYAG ng Southern Police District (SPD) na nakakuha na sila ng lead …

gun shot

Nagdala ng ‘boga’ sa paaralan, binatilyo dinakip

INARESTO ng mga awtoridad ang isang binatilyong mag-aaral sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan …

prison rape

2 rapists sa Bulacan  deretso sa rehas

NAGTULONG-TULONG ang mga awtoridad sa pag-aresto sa dalawang akusado sa kasong panggagahasa sa lalawigan ng …

shabu drug arrest

MWP, kinakasama timbog sa droga

ARESTADO ang isang lalaking pinaghahanap ng batas kasama ang kanyang live-in partner na nakialam sa …