Saturday , November 8 2025
P120-K shabu nasabat live-in partners nasakote

P120-K shabu nasabat live-in partners nasakote

NASAMSAM ang P120,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa live-in partners sa ikinasang drug buy bust operation sa bayan ng Bay, lalawigan ng Laguna, nitong Sabado, 6 Agosto.

Kinilala ni P/Col. Cecilio Ison, Jr., ang mga suspek na sina Regin Bangay, 37 anyos, construction worker; at Jacquelyn Tobias, 32 anyos, kapwa mga residente sa Brgy. Tranca, Grandvilla, sa nabanggit na bayan.

Inilunsad ng Bay MPS sa pangunguna ni P/Maj. Jameson Aguilar ang isang anti-illegal drug operation 9:25 pm kamakalawa sa naturang lugar sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) 4A.

Huli sa akto ang mga suspek na nagbebenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa pulis na nagsilbing poseur buyer kapalit ng P1,000 marked money.

Narekober mula sa mga suspek ang 12 sachet ng hinihinalang shabu na inilagay sa isang pouch; P400 hinihinalang drug money; at P1,000 buy bust money.

Nabatid, ang suspek na si Bangay ay nauna nang naaresto noong 2013 sa isang drug buy bust operation sa Calauan dahil sa pagmamay-ari at pagbebenta ng shabu at noong 2019 dahil sa pag-iingat ng shabu, habang si Tobias ay naaresto sa Pangil dahil sa pagmamay-ari at pagbebenta ng shabu.

Nasa kustodiya ng Bay MPS ang mga suspek habang nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 Artcicle II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022  sa Prosecutor’s Office.

Pahayag ni P/Col. Ison, “Nakalulungkot na pati ang mga magulang ay parehong involved sa illegal drugs, at inilalagay sa panganib at pag-agaw sa kinabukasan ng kanilang mga anak. Hindi makalkula ang masamang epekto ng mga mapanganib na droga sa kalusugan at sa kalidad ng buhay ng gumagamit, ng kanyang pamilya, at ng mga makakaharap nila. Pero isang bagay ang sigurado, nakadedesmaya. Laging bukas ang mga linya ng telepono para sa ating mga kababayan na mag-ulat ng anumang impormasyon tungkol sa mga ilegal na aktibidad na kanilang nasasaksihan sa kanilang lokalidad. Sa pamamagitan nito, matutulungan natin ang bawat barangay na maalis ang mga mapanganib na droga at ang mga krimen na maaaring gawin ng mga lulong sa droga laban sa kanila.”

Ani P/BGen. Antonio Yarra, “Magpapatuloy kami sa paglulunsad ng mga operasyon laban sa ilegal na droga upang maaresto ang mga suspek na nasa likod ng mga suspek na sangkot sa kalakalan ng droga sa kabila ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga.” (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Isko Moreno sewage treatment plant Manila Bay Sunset

Yorme Isko nagmungkahing ilipat sa CCP
PLANTA NG ‘EBAK’ SA ROXAS BLVD., BAHURA SA MANILA SUNSET VIEW

HINIKAYAT ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso and Department of Public Works and Highways …

Malabon Police PNP NPD

E-trike driver kulong sa rape

NALAMBAT ng Malabon City Police sa ikinasang manhunt operation ang nagtagong e-trike driver matapos isyuhan …

dead gun

Sa Sampaloc, Maynila
MIYEMBRO NG COAST GUARD TODAS SA BOGA NG KASUNTUKAN

BUMULAGTA ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek …

110625 Hataw Frontpage

Sa pananalasa ng bagyong Tino
UMAKYAT SA 98 BILANG NG PATAY SA CEBU

UMABOT na sa 98 ang bilang ng namatay sa lalawigan ng Cebu isang araw matapos …

NUJP PTFoMS

PTFoMS, iimbestigahan banta ni Patidongan laban sa TV reporter

MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa sinabing pagbabanta ni …