ni BRIAN BILASANO ANIM katao ang dinakip at nakompiska ang P1.2 bilyong halaga ng shabu sa magkakahiwalay na operasyong inilunsad kontra sa lahat ng uri ng ilegal na gawain at ipinagbabawal na gamot na pinamunuan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PMGen. Vicente D. Danao, Jr. Nakompiska ng pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence Division (RID), Regional Mobile …
Read More »Kelot balik-hoyo sa ‘pan de shabu’
BALIK-KULUNGAN ang isang lalaki na dadalaw sa kanyang dating kakosa nang makuhaan ng shabu na ipinalaman sa tinapay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Caloocan City chief of police (COP) Col. Samuel Mina, Jr., ang naarestong suspek na si Francisco Paquiado, 23 anyos, residente sa DM Cmpd. Heroes Del 96, Brgy, 73, nahaharap sa kasong paglabag sa RA …
Read More »Electric cooperatives gatasan sa eleksiyon
GINAGAMIT na gatasan ang electric cooperatives ng mga opisyal na nais maluklok sa Kongreso. Ibinunyag ito ni Atty. Ana Marie Rafael, bagong talagang general manager ng Benguet Electric Cooperative (BENECO) sa virtual Palace briefing kahapon. Si Rafael ay hinirang na bagong BENECO GM ng National Electrification Administration (NEA) ngunit tinututulan ng ilang BENECO Board of Directors kahit dumaan at pumasa …
Read More »PDL nag-amok sa provincial jail 2 patay, 5 pa sugatan
BINAWIAN ng buhay ang dalawang PDL (persons deprived of liberty) kabilang ang siyang may hawak ng baril, habang sugatan ang limang iba pa, sa insidente ng pamamaril sa loob ng isang selda ng Oriental Mindoro Provincial Jail nitong Martes ng madaling araw, 7 Setyembre. Iniulat sa pulisya ni Prison Guard I Ricky Rom, na dakong 2:00 ng madaling araw kahapon …
Read More »Alkalde sa Bulacan positibo sa CoVid-19
INIANUNSIYO ni Mayor Cipriano Violago, Jr., ng San Rafael, Bulacan sa kanyang Facebook account na siya ay positibo sa CoVid-19. Ayon sa alkalde, ilang araw na siyang nakararamdam ng flu-like symptoms kung kaya agad siyang sumailalim sa RT-PCR test. Pahayag ni Violago, naka-quarantine na siya simula nang magkaroon ng sintomas pero patuloy siyang nakikipag-ugnayan sa Municipal Health Office. Aniya, “Sa …
Read More »Manyakis ng Bataan, nakorner sa Caloocan
NADAKIP sa pinagtataguan sa Caloocan City ang isang lalaking nakatala bilang top 7 most wanted person ng Bagac, Bataan nitong Lunes, 6 Setyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Joel Tampis, acting provincial director ng Bataan PPO, nagkasa ang magkasanib na puwersa ng Bagac Municipal Police Station (MPS), 2nd PMFC Bataan PPO, at Northern Police District DDEU ng manhunt operation sa …
Read More »3 puganteng Koreano arestado (Nagtago sa Angeles City, Pampanga)
NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong Koreano na nagtatago sa bansa nang hainan ng warrant for deportation sa lungsod ng Angeles, sa lalawigan ng Pampanga, nitong Lunes ng umaga, 6 Setyembre. Ayon kay P/Col. Rommel Batangan, city director ng Angeles City Police Office, matapos ang court hearing ng tatlong Korean nationals sa Angeles City Regional Trial Court, agad isinilbi ng …
Read More »4 Chinese nationals dedo sa enkuwentro (P3.4-B shabu nasabat sa Zambales)
PATAY angapat na Chinese nationals sa itinuturing na pinakamalaking ‘biyahe’ ng ilegal na droga, sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Candelaria, lalawigan ng Zambales, iniulat kahapon. Nasabat ng anti-narcotics operatives nitong Martes, 7 Setyembre, ang aabot sa 500 kilo ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy bust operation laban sa apat na Chinese nationals na pinaniniwalaang pawang kasapi ng …
Read More »Kawatang pugante nasukol sa Nueva Ecija (Pitong taon nagtago)
NATAPOS ang pitong taong pagtatago sa batas nang maaresto nitong Linggo, 5 Setyembre, ang isang lalaking may kinakaharap na kaso sa lalawigan ng Nueva Ecija. Ayon kay Nueva Ecija Police Provincial Director P/Col. Rhoderick Campo, sumugod ang mga tauhan ng San Jose City Police Station (CPS) sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Criselda De Guzman, bitbit ang warrant of …
Read More »15 sugarol, 3 tulak, 3 pa tiklo sa PNP ops (Sa Bulacan)
SA GITNA ng krisis dulot ng CoVid-19, nananatiling mahigpit ang pagpapatupad ng batas ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan na nagresulta sa pagkakadakip ng 21 suspek na kinabibilangan ng 15 sugarol at tatlong hinihinalang tulak ng droga, hanggang nitong Lunes ng umaga, 6 Setyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, naaresto sa ikinasang operasyon …
Read More »Driver, pahinante, 91 pa todas, 1 sugatan (Truck nawalan ng kontrol sa Southern Leyte)
BINAWIAN ng buhay ang isang driver at ang kanyang pahinante nitong Lunes ng hatinggabi, 5 Setyrembre, nang mawalan ng kontrol ang minamanehong truck sa kahabaan ng national highway sa bahagi ng Brgy. Katipunan, bayan ng Silago, lalawigan ng Southern Leyte. Bukod sa driver at pahinante, namatay din ang 91 baboy na ihahatid sa Tacloban mula sa Zamboanga del Sur. …
Read More »Lola timbog sa Pampanga (Wanted sa human trafficking)
DINAMPOT ng mga awtoridad ang isang senior citizen na wanted sa kasong human trafficking sa inilatag na manhunt operation sa bayan ng Minalin, lalawigan ng Pampanga, nitong Biyernes ng tanghali, 3 Setyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Arnold Thomas C. Ibay, provincial director ng Pampanga PPO, napag-alamang nagkasa ang mga operatiba ng Minalin Municipal Police Station (MPS) ng manhunt operation …
Read More »3 tulak, 5 pa deretso sa hoyo (Anti-crime ops ikinasa ng Bulacan PNP)
ARESTADO ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations, habang idineretso sa kulungan ang apat na kabilang sa listahan ng most wanted persons (MWPs) sa iba’t ibang operasyon laban sa krimen na ikinasa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Linggo, 5 Setyembre. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, …
Read More »Tulak na HVT sa Bulacan tiklo sa entrapment (P.1-M shabu kompiskado)
KALABOSO ang inabot ng isang pinaniniwalaang tulak na kabilang sa target list ng PDEA- PNP at nasamsaman ng higit P100,000 halaga ng shabu sa ikinasang buybust operation sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Huwebes ng gabi, 2 Setyembre. Magkatuwang na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bulacan Provincial Office at San Jose del Monte …
Read More »60-anyos tulay bumagsak 1 patay, 1 sugatan sa Digos
PATAY ang isang trabahador habang sugatan ang isa pa nang bumagsak ang isang lumang tulay na nakatakda nang gibain dahil sa mga pinsalang dulot ng mga nakaraang lindol sa lungsod ng Digos, lalawigan ng Davao del Sur, dakong 12:00 ng tanghali nitong Sabado, 4 Setyembre. Nabatid na parehong trabahador ng TSK Builders and Supply, contractor ng proyekto, ang namatay at …
Read More »4 laborer nalibing nang buhay sa construction site (Sa Nueva Vizcaya)
HINDI nakaligtas sa kamatayan ang apat na construction workers matapos matabunan ng lupa sa isang construction site nitong Biyernes, 3 Setyembre, sa Sitio Naduntog, bayan ng Tiblac Ambaguio, lalawigan ng Nueva Vizcaya. Kinilala ng pulisya ang mga namatay na biktimang sina Rafael Villar, 42 anyos, foreman, at John Retamola, 25 anyos, construction worker, kapwa residente sa bayan ng Villaverde; at …
Read More »Pekeng yosi binebenta, tindera arestado 2 ACCERT volunteer tiklo sa damo
INARESTO ng mga awtoridad ang isang babaeng nagmamay-ari ng isang tindahan dahil sa pagbebenta ng mga pekeng sigarilyo samantala dalawang kabataang volunteer rin ang dinampot sa quarantine checkpoint dahil sa pag-iingat ng marijuana sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 1 Setyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, naglatag ang mga operatiba ng Bulacan …
Read More »P1.38-M ‘damo’ nasamsam 3 tulak arestado sa Bulacan
TINATAYANG higit sa P1.38-milyong halaga ng hinihinalang marijuana ang nakompiska sa tatlong pinaniniwalaang tulak na nadakip sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng mga awtoridad sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan, nitong Huwebes ng madaling araw, 2 Setyembre. Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan police, nagkasa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Bocaue Municipal Police …
Read More »Alvarado vs Fernando sa gubernatorial seat sa May 2022 elections (Dating magkakalaban sa Bulacan, nagkampihan)
OPISYAL na ang tambalan nina Vice Governor Wilhelmino “Willy” Sy-Alvarado at Jonjon Mendoza upang pangunahan ang PDP-LABAN Bulacan bilang gobernador at bise-gobernador sa darating na Mayo 2022 eleksiyon. Ginawa ang anunsiyo nitong Miyerkoles, 1 Setyembre, sa pagpupulong nina Bokal Anjo Mendoza, Bokal Michael Fermin, Congressman Jonathan Alvarado, Usec. Doneng Marcos, at dating Malolos City Mayor Christian Natividad. Noong nakaraang Hulyo, …
Read More »Solon umaasang mababayaran pinsala sa Marawi
UMAASA si Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman na mababayaran ang mga napinsala sa bakbakan ng mga sundalo at teroristang Maute matapos aprobahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukalang Marawi Compensation Act (House Bill 9925). “Naubusan ng dahilan para patagalin pa ang pagpasa ng panukalang batas. Mahigit apat na taon na mula nang nilusob ng masasamang elemento ang …
Read More »20 pasaway nasakote sa Bulacan PNP anti-crime operations
PINAGDADAMPOT ng mga awtoridad ang 20 kataong pawang lumabag sa batas matapos magsagawa ng operasyon laban sa krimen sa lalawigan nitong Martes, 31 Agosto. Sa pagkilos ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng Norzagaray, San Miguel, at San Jose Del Monte, nadakip ang limang drug personalities na kinilalang sina Manuel Bonifacio at Camilo Ocampo, alyas Camelo, kapwa …
Read More »15,331 kabataang Bulakenyo tumanggap ng tulong pinansiyal
HANGGANG noong 20 Agosto 2021, tumanggap ang may kabuuang 15,331 Bulakenyong iskolar ng kanilang scholarship grant mula sa pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando sa ilalim ng Tulong Pang-Edukasyon Gabay ng Bagong Henerasyon Scholarship Program. Kabilang sa mga benepisaryo ng nasabing scholarship para sa unang semestre ng SY 2020-2021 ang 3,707 estudyante mula sa kategoryang …
Read More »P.420-M shabu nasamsam, tulak timbog sa Tarlac
NADAKIP ng mga awtoridad ang isang pinaniniwalaang drug peddler na nakompiskahan ng kulang sa kalahating milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-illegal drug operation sa lalawigan ng Tarlac, nitong Martes ng gabi, 31 Agost0. Sa ulat mula kay P/Col. Renante Cabico, provincial director ng Tarlac PPO, nagkasa ang magkasanib na puwersa mga operatiba ng PDEU, Tarlac PPO at …
Read More »Bentahan ng parol sa Pampanga umarangkada na (Sa pagpasok ng ‘BER months’)
NAGSIMULA nang umarangkada ang bentahan ng parol sa Pampanga, ang tinaguriang Christmas Capital of the Philippines sa pagsisimula ng BER months. Sinimulan nang i-display ng mga gumagawa ng parol ang kanilang mga tinda, na may iba’t ibang laki at may disenyong tala, poinsettia, reindeer, at iba pa. Karamihan sa mga parol ay ginamitan ng LED lights, na mas matibay at …
Read More »9-unit apartment sa Antipolo, isinailalim sa granular lockdown
ISINAILALIM sa granular lockdown ang isang 9-unit apartment sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal, matapos magpositibo sa CoVid-19 ang ilang residente rito. Sa imbestigasyon ng City Health Office, dalawang unit ang may nagpositibo at may mga suspected cases sa apat pang unit ng apartment na matatagpuan sa Ursula St., Milagros Subdivision, Brgy. Dalig, sa nabanggit na lungsod. Nabatid na …
Read More »