Saturday , November 8 2025
arrest, posas, fingerprints

Scammer nagpanggap na ‘US Army’ arestado

DINAKIP ng mga pulis sa lungsod ng Tarlac ang isang babaeng hinihinalang sangkot sa ‘package delivery scam’ na ginagawa sa pamamagitan ng social media.

Kinilala ni P/BGen. Bowenn Joey Masauding, Officer-In-Charge ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), ang suspek na si Marijoe Coquia, 31 anyos, residente ng lalawigan ng Pangasinan.

Naaresto si Coquia sa ikinasang entrapment operation ng pinagsanib na puwersa ng Cyber Financial Crime Unit at Tarlac Provincial Crime Response Team habang nagki-claim ng pera sa isang remittance center na ipinadala ng kanyang biktima.

Sa reklamo ng complainant, gumagamit si Coquia ng pangalan na “Grace Anderson” sa Facebook at nagpapanggap bilang opisyal ng United States Army na nakabase sa Syria.

Nag-imbento ang suspek ng kuwento at sinabihan ang complainant na magpapadala ng kargamento sa kanya na may kasamang cash na nagkakahalaga ng P94,000,000 ngunit kailangang magpadala ang biktima ng P110,000 na pambayad sa Customs.

Matapos magbigay ng pera ay walang natanggap ang biktima kaya nagpasaklolo siya sa mga pulis na agad umaksiyon na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Isko Moreno sewage treatment plant Manila Bay Sunset

Yorme Isko nagmungkahing ilipat sa CCP
PLANTA NG ‘EBAK’ SA ROXAS BLVD., BAHURA SA MANILA SUNSET VIEW

HINIKAYAT ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso and Department of Public Works and Highways …

Malabon Police PNP NPD

E-trike driver kulong sa rape

NALAMBAT ng Malabon City Police sa ikinasang manhunt operation ang nagtagong e-trike driver matapos isyuhan …

dead gun

Sa Sampaloc, Maynila
MIYEMBRO NG COAST GUARD TODAS SA BOGA NG KASUNTUKAN

BUMULAGTA ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek …

110625 Hataw Frontpage

Sa pananalasa ng bagyong Tino
UMAKYAT SA 98 BILANG NG PATAY SA CEBU

UMABOT na sa 98 ang bilang ng namatay sa lalawigan ng Cebu isang araw matapos …

NUJP PTFoMS

PTFoMS, iimbestigahan banta ni Patidongan laban sa TV reporter

MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa sinabing pagbabanta ni …