Saturday , November 8 2025
PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional Director P/BGen. Matthew Baccay, nadakip nila ang 23 katao nitong Sabado, 6 Agosto sa iba’t ibang lugar sa Gitnang Luzon.

Nagsagawa ang mga operatiba ng Bulacan PPO ng anti-illegal gambling operation sa No. 558 Purok 4 Brgy. Parulan, Plaridel, na ikinaaresto ng limang indibidwal na naaktohang nagsusugal ng pusoy.

Nakompiska ng mga operatiba sa mga suspek ang isang deck ng baraha, at P590 perang taya sa iba’t ibang denominasyon.

Kasunod nito, pinagdadampot ng mga tauhan ng Tarlac PPO ang 10 kataong naaktohan sa pagsusugal ng poker at tong-its sa magkahiwalay na anti-illegal gambling operations na isinagawa sa mga bayan ng Concepcion, San Miguel, at Bamban, sa Tarlac.

Nasamsam mula sa mga suspek ang dalawang set ng baraha, isang set ng Spanish playing cards, at P2,875 perang taya.

Sa Zambales, nagkasa ang mga operatiba ng Sta Cruz MPS at RMFB3 ng magkahiwalay na anti-illegal gambling operations sa Brgy. Lucapon North, Sta.Cruz; at Brgy. Calapacuan, Subic, kung saan nasukol ang walong indibiduwal na naaktohan sa sugal na cara y cruz at tong-its at nakompiskahan ng P2,392 perang taya.

Nakatakdang sampahan ang mga arestadong suspek ng kasong paglabag sa PD 1602 na inamyendahan ng RA 9287 sa korte. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Isko Moreno sewage treatment plant Manila Bay Sunset

Yorme Isko nagmungkahing ilipat sa CCP
PLANTA NG ‘EBAK’ SA ROXAS BLVD., BAHURA SA MANILA SUNSET VIEW

HINIKAYAT ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso and Department of Public Works and Highways …

Malabon Police PNP NPD

E-trike driver kulong sa rape

NALAMBAT ng Malabon City Police sa ikinasang manhunt operation ang nagtagong e-trike driver matapos isyuhan …

dead gun

Sa Sampaloc, Maynila
MIYEMBRO NG COAST GUARD TODAS SA BOGA NG KASUNTUKAN

BUMULAGTA ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek …

110625 Hataw Frontpage

Sa pananalasa ng bagyong Tino
UMAKYAT SA 98 BILANG NG PATAY SA CEBU

UMABOT na sa 98 ang bilang ng namatay sa lalawigan ng Cebu isang araw matapos …

NUJP PTFoMS

PTFoMS, iimbestigahan banta ni Patidongan laban sa TV reporter

MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa sinabing pagbabanta ni …