HINDI humuhupa, sa loob ng isang dekada, ang baha sa ilang komunidad sa mga barangay na nasasakupan ng mga bayan ng Calumpit at Hagonoy, sa lalawigan ng Bulacan. Ilang bahagi ng komunidad ang mistula nang ‘ghost town’ dahil maraming mga bahay ang inabandona ng mga residente, habang ang iba ay piniling tiisin ang paninirahan sa ganitong sitwasyon dahil walang ibang …
Read More »Hari at Reyna ng Singkaban 2022, sinolo ng Bocaue
SINOLO ng bayan ng Bocaue, sa lalawigan ng Bulacan ang mga titulo bilang Hari at Reyna ng Singkaban sa taong ito sa katauhan nina Jordan Jose San Juan at Zeinah Al-Saaby sa ginanap na Grand Coronation Night sa Bulacan Capitol Gymnasium, sa lungsod ng Malolos, nitong Sabado, 10 Setyembre. Bukod sa titulo, iuuwi rin ng Hari ng Singkaban 2022 ang …
Read More »Vlogger, 2 pa arestado sa P3.7-M marijuana
Kampo Heneral Paciano Rizal – Timbog ang isang vlogger at dalawa pang suspek na nakompiskahan ng P3.7 milyong halaga ng high grade marijuana sa buy bust operation ng Laguna PNP. Sa ulat kay P/Col. Randy Glenn Silvio, Officer-In-Charge (OIC) ng Laguna PPO, ang mga suspek ay kinilalang sina Jerome Zapanta Layson, alyas Jhem Bayot, 31 anyos, walang asawa, nagpakilalang vlogger; …
Read More »4 babaeng menor de edad na ibinubugaw, nasagip
NASAGIP ng mga awtoridad ang apat na kabataang babae na ibinubugaw para sa serbisyong seksuwal sa mga kalalakihan sa Baliwag, Bulacan kamakalawa. Sa ulat na ipinadala ni P/Lt.Colonel Julius Alvaro, acting chief of police ng Baliwag Municipal Police Station (MPS), kay P/Col. Relly B. Arnedo, officer-in-charge ng Bulacan PPO, ang magkasanib na entrapment at rescue operation ay ikinasa ng Regional …
Read More »
Sa Subic
BEBOT NA DRUG DEN OPERATOR NAKALAWIT;
4 KASABWAT NASAKOTE
ISANG buy bust operation ang ikinasa sa Purok 4, Barangay Matain, Subic, Zambales kamakalawa na nagresulta sa pagkaaresto ng pinaghihinalaang drug den operator na kinilalang si Loida M. Predas, 37-anyos. Ang pag-aresto kay Predas ay nagbunga rin sa pagkabuwag ng drug den, pagkakakompiska ng P124,200 halaga ng shabu at pagkaaresto sa kanyang apat na galamay. Kinilala ang mga suspek na …
Read More »P1-B asukal nadiskubre sa Bulacan
TINATAYANG P1 bilyong halaga ng asukal ang nadiskubre nang suyurin ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC), Philippine National Police (PNP), at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ilang bodega sa Meycauayan City, Bulacan. Sa isang bodega sa Polyland Industrial Subdivision, nadiskubre ang 11,717 sako ng lokal na asukal na may iba’t ibang brand at 50,182 sako ng …
Read More »Bagong OIC ng Bulacan PPO itinalaga
ITINALAGA na bilang bagong Officer-in-Charge ng Bulacan Police Provincial Office si P/Col. Relly Arnedo kapalit ni P/Col. Charlie Cabradilla na nagsilbi ng limang buwan sa lalawigan. Sa isang seremonya na isinagawa sa Bulacan Provincial Headquarters sa Camp General Alejo S. Santos, sa lungsod ng Malolos nitong Moyerkoles, 7 Setyembre, pormal nang itinalaga ni P/BGen. Cesar Pasiwen, Regional Director ng Police …
Read More »“Magkapit-bisig tayo sa pagpapayabong ng pamanang ito” – Fernando
NANAWAGAN si Gob. Daniel Fernando sa kanyang mga kapwa Bulakenyo na ipagpatuloy ang pamana ng Singkaban Festival sa pamamagitan ng pagsuporta sa isang linggong mga aktibidad na inilaan upang ipagbunyi ang mayamang kultura at kalinangan ng lalawigan ng Bulacan sa ginanap na Grand Opening sa harap ng gusali ng Kapitolyo sa lungsod ng Malolos, nitong Huwebes, 8 Setyembre. “Kapit-bisig tayo …
Read More »Bulacan, SMC, pagtutugmain ang mga proyektong pangkaunlaran sa lalawigan
UPANG talakayin ang mga kasalukuyan at panghinaharap na proyekto sa Bulacan, nakipagpulong si Gob. Daniel Fernando kay San Miguel Corporation (SMC) President at Chief Executive Officer Ramon S. Ang nitong Lunes, 5 Setyembre. Kabilang sa mga paksa na inihain sa hapag ang pagiging accessible ng itinatayong New Manila International Airport sa Bulakan, Bulacan sa mungkahing Bulacan Mega City sa mga …
Read More »Makulay na pagdiriwang ng Singkaban Festival sa Bulacan nagsimula na
MULING napuno ng sigla, kulay, at saya ang bakuran ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pagbalik ng normal na face-to-face na pagdiriwang ng Singkaban Festival 2022 nitong Huwebes, 8 Setyembre, dakong 8:00 ng umaga sa harap ng gusali ng Kapitolyo, sa lungsod ng Malolos, matapos ang dalawang taon na pagdaraos nito online. Pinangunahan ni Department of Tourism Secretary Maria Esperanza …
Read More »
Para matutong magbasa at magsulat
30-ANYOS AMA SA SARANGANI NAG-ENROL SA GRADE 1
NAANTIG ang netizens ng isang 30-anyos lalaki mula sa bayan ng Gian, sa lalawigan ng Sarangani, na nag-enrol sa Grade 1, sa parehong paaralan kung saan nag-aaral ang kanyang anak upang matutong magbasa at magsulat. Hanggang nitong Miyerkoles, 7 Setyembre, umabot sa 5.1 milyong views; 671,000 likes, at 17,100 comments ang video ni Rizalde Bisalona, na nakaupo sa loob ng …
Read More »
Sa Pakil, Laguna
PAGTUTOL SA AHUNAN PUMPED STORAGE HYDROPOWER PROJECT NAGLUWAL NG MANAPAK
ISANG samahan na nabuo dahil sa pagtutol sa pagtatayo ng dam sa bayan ng Pakil ang nagkaroon ng libreng palengke. Ang Mamamayang Nagmamahal Sa Pakil (MANAPAK) kasama ang iba pang organisasyon ay nagsagawa ng Sunday Free Market sa Rizal Covered Court, Brgy. Taft, Pakil, Laguna nitong nakaraang 4 Setyembre 2022. Nagkaroon ng libreng pakain, libreng gupit, libreng mga damit at mga kagamitan …
Read More »
Sa one-time big time ops vs ilegal na sugal
1,162 SUSPEK TIMBOG SA CALABARZON
NASAKOTE ang may kabuuang 1,162 indibidwal sa buong rehiyon ng CALABARZON sa isinagawang One-Time Big Time (OTBT) Operations Against Illegal Gambling ng pulisya nitong Martes, 6 Setyemrbe. Nagkasa ang mga police unit ng PRO-A PNP ng 496 operasyon sa magdamag, na ikinahuli ng mga indibidwal na sangkot sa tupada, paglalaro ng cara y cruz, pusoy, tong-its, Lucky 9, mahjong, video …
Read More »Panaderong rank No. 2 MWP ng Laguna arestado sa manhunt ops
NASAKOTE ang pangalawang most wanted person sa Provincial Level sa ikinasang manhunt operation ng mga awtoridad sa bayan ng Sta. Cruz, lalawigan ng Laguna, nitong Martes ng gabi, 6 Setyembre. Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, OIC ng Laguna PPO, ang suspek na si Edmar Bacaling, 26 anyos, panadero, at residente sa Brgy. Sto. Angel Central, sa nabanggit na bayan. …
Read More »
Alkalde target ng budol
NAGPAKILALANG STAFF NG OVP TIKLO SA BULACAN
DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan matapos magpakilalang staff sa Office of the Vice President at nagtangkang mag-solicit ng pera sa alkalde nitong Martes ng hapon, 6 Setyembre. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Cresenciano Cordero, hepe ng San Jose del Monte CPS, kinilala ang suspek na si Joel …
Read More »
Sa one-time big time ops vs ilegal na sugal
130 SUGAROL SA BULACAN SWAK SA SELDA
ARESTADO ang may kabuuang 130 indibidwal sa isinagawang one-time big time operation laban sa mga ilegal na sugalan ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Martes, 6 Setyembre. Sa ulat kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PNP, isingawa ang serye ng mga anti-illegal gambling operations ng mga tauhan ng mga police stations at Provincial Mobile Force Company …
Read More »Lolo patay, apo sugatan sa ambulansiya
ISANG lolo ang binawian ng buhay, habang sugatan ang kanyang apong lalaki matapos mabangga ng ambulansiya ang sinasakyan nilang e-trike sa Hacienda Layagon Rd., Brgy. Lalagsan, sa bayan ng La Castellana, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Lunes, 5 Setyembre. Kinilala ang biktimang si Emeterio Ordas, 72 anyos, residente sa naturang barangay. Ayon kay P/MSgt. Polen Jabagat, traffic investigator ng La …
Read More »PNP PRO3 hinangaan at pinuri ni Gov. Daniel
“LAGI nating isapuso ang sinumpaan nating tungkulin: ang maglingkod at magbigay ng proteksiyon.” Ito ang mensahe ni Gob. Daniel Fernando ng Bulacan, unang gobernador na naimbitahan bilang panauhing pandangal sa isinagawang Lingguhang Pagtataas ng Watawat kasama ang Philippine National Police-Police Regional Office sa pamumuno ni P/BGen. Cesar Pasiwen na ginanap sa PRO3 Parade Ground, Camp Julian Olivas, sa lungsod ng …
Read More »5 tulak, 9 pa timbog sa Bulacan
ARESTADO ang limang hinihinalang mga tulak kasama ang apat na pinaghahanap ng batas at limang huli sa aktong nagsusugal sa pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad sa lalawigan ng Bulacan, hanggang nitong Lunes ng umaga, 5 Setyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang limang drug suspects sa serye ng …
Read More »Karpinterong nasa PDEA watchlist nabitag
NADAKIP ang isang lalaking hinihinalang notoryus na tulak ng ilegal na droga at nasa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) watchlist sa isinagawang buybust operation sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 4 Setyembre. Kinilala ang suspek na si Jose Oliber Marcelo, 56 anyos, isang karpintero at residente ng Brgy. Malipampang, sa naturang bayan, na inaresto sa mga …
Read More »
2 BIG TIME TULAK TIKLO SA P7.9-M ‘DAMO’
(5 pang drug suspect nakorner)
NASAMSAM ang tinatayang P9.7-milyong halaga ng sako-sakong dahon ng hinihinalang marijuana habang arestado ang dalawang pinaniniwalaang big time tulak at lima pang personalidad sa droga sa magkakasunod na drug sting na isinagawa ng Bulacan PNP sa lalawigan nitong Linggo, 4 Setyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PNP, nakumpiska ng mga operatiba ng Balagtas …
Read More »
Kalesa nabangga ng bus sa Ilocos Norte
KABAYO NATUMBA SUGATAN
SUGATAN ang isang kabayo nang mabangga ng bus ang kalesang hila-hila nito nitong Sabado ng umaga, 3 Setyembre, sa lungsod ng Laoag, lalawigan ng Ilocos Norte. Batay sa kuha ng CCTV, nahagip ng bus ang kalesa habang papunta sa parehong direksiyon saka natumba ang kabayo at tumama sa nakaparadang tricycle. Ayon sa nagbahagi ng video na si VA Jan Carlo, …
Read More »
Nabitiwan ng kapatid
BABY GIRL NAHULOG SA TRIKE, NASAGASAAN NG JEEPNEY PATAY 
SA HINDI malamang dahilan, humulagpos sa kamay ng nakatatandang kapatid ang isang 12-buwang sanggol na babae saka nahulog sa sinasakyang tricycle at nasagasaan ng pampasaherong jeepney sa J. Sumulong Ave., Brgy. Bagumbayan, Teresa, Rizal, nitong Biyernes ng umaga, 2 Setyembre. Nabatid sa imbestigasyon ng Teresa MPS, dakong 10:30 am, tinatahak ng tricycle na minamaneho ng ama ng mga bata ang …
Read More »3 tigasin dinakma sa Bulacan
SUNOD-SUNOD na inaresto ang tatlong lalaking nagsisigasigaan sa lalawigan ng Bulacan sa isinagawang kampanya ng pulisya laban sa krimen nitong Sabado, 3 Setyembre. Unang nadakip ng mga tauhan ng Baliwag MPS ang suspek na kinilalang si Lafy Ditucalan, 33 anyos, residente sa Brgy. Sto. Cristo, Pulilan. Nabatid na nagpapatrolya ang mga tauhan ng Baliwag MPS sa Brgy. Pinagbarilan, sa naturang …
Read More »
Sa Zambale s
SUSPEK SA PAMAMASLANG NG 82-ANYOS LOLA TIMBOG
NASUKOL ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Setyembre ang pangunahing suspek sa pagnanakaw at pagpatay sa isang matandang babae sa bayan ng San Antonio, lalawigan ng Zambales. Sa ulat mula kay P/Col. Fitz Macariola, provincial director ng Zambales PPO, kinilala ang suspek na si John Henrick Balendres, 19 anyos, nadakip sa pinagtataguan sa lungsod ng Olongapo. Pangunahing suspek si Balendres …
Read More »