Saturday , November 23 2024

Local

Rider timbog sa ‘boga’ at ‘bato’

cal 38 revolver gun Shabu Drugs

INARESTO ng mga awtoridad ang isang rider nang mahulihan ng hindi lisensiyadong baril at hinihinalang ilegal na droga sa nakalatag na checkpoint sa bayan ng Samal, lalawigan ng Bataan, nitong Biyernes, 27 Enero. Ayon kay P/BGen. Cesar Pasiwen, Regional Director ng PRO3, pinara ng checkpoint team ng Samal MPS ang suspek na kinilalang si Audie Maradial, 40 anyos, residente sa …

Read More »

P1.7-M droga nasabat, 2 Nigerian national nalambat

P1.7-M droga nasabat, 2 Nigerian national nalambat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang dalawang Nigerian nationals matapos tangkaing magbenta ng ilegal na droga sa isang police poseur buyer sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado, 28 Enero. Kinilala ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen ang mga suspek na sina Chekwbe Nnamani Sunday, alyas David, 28 anyos, kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Dau, Mabalacat, Pampanga; at Ifeanyi …

Read More »

Bulacan cops ginunita ang Fallen SAF 44 sa National Day of Remembrance

SAF 44 National Day of Remembrance bulacan

PARA sa National Day of Remembrance ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF), ang Bulacan Police Provincial Office ay nagdaos ng Remembrance Ceremony kahapon, Enero 25, 2023, sa  Camp General Alejo S Santos sa Lungsod ng  Malolos, Bulacan, na may temang “Legacy of Heroes: Inspiration for Future Generations.” Ang wreath-laying ceremony ay pinangunahan ni Bulacan provincial director Police …

Read More »

Puganteng rapist at kilabot na kawatan, timbog

Arrest Posas Handcuff

Dalawang lalaki na kabilang sa most wanted person sa Bulacan ang magkasunod na naaresto sa patuloy na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Unit (SACLEO) ng pulisya sa lalawigan kamakalawa. Batay sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, ang mga tauhan ng SJDM CPS ay arestado ang Most Wanted Person (MWP) sa city level ng …

Read More »

Ika-5 suspek sa pagpatay sa 2 pulis sa Mabalacat, Pampanga, patay sa shootout

dead gun

ANG ikalimang  suspek at lider ng Flores group na pumatay sa dalawang anti-drug cops ng Mabalacat City Police Station noong nakaraang Disyembre  3, 2022 ay napatay sa pakikipagbarilan sa mga awtoridad nitong Miyerkules, Enero 25 sa  Sitio Dungan, Brgy. Tabun, Mabalacat, Pampanga dakong alas- 3:40 ng madaling araw. Ayon kay PRO3 Regional Director PBGeneral Cesar R. Pasiwen, ang napatay na …

Read More »

‘Kristo’ tiklo sa buybust

shabu drug arrest

HINDI nakapalag ang isang lalaki sa pag-aresto ng mga awtoridad nang masukol sa ikinasang drug buybust operation sa bahagi ng Mighty Rd., Brgy. Tikay, lungsod ng Malolos, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes ng gabi, 23 Enero. Ayon sa ulat mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), isinagawa ang operasyon ng magkasanib na mga elemento ng Special Operations Unit (SOU) …

Read More »

Most wanted ng DILG Dating parak timbog

Arrest Posas Handcuff

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang dating pulis na nasa talaan ng Most Wanted Persons ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa bayan ng Pulilan, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 23 Enero. Magkakatuwan na nagsagawa ng manhunt operation ang ang magkasanib na mga tauhan ng Regional Intelligence Unit 7, Pulilan MPS, RIU3, RIU- NCR at iba pang konsernadong …

Read More »

Lolo nag-alta presyon, tinaga ang kainuman

itak gulok taga dugo blood

NAHAHARAP sa kasong murder ang isang lalaki matapos pagtatagain ang kainuman sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 22 Enero. Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang suspek na si Alex Suria, 50 anyos, ng Brgy. Upig, sa nabanggit na bayan. Ayon sa ulat, dakong 6:00 ng hapon kamakalawa, biglang uminit ang ulo …

Read More »

Sa ika-124 anibersaryo
1899 REPUBLIKANG FILIPINO GINUGUNITA SA BULACAN

Daniel Fernando Bulacan 124 anniv

SA TEMANG “Unang Republikang Pilipino: Gabay Tungo sa Napapanahong Pagbabago,” gugunitain sa lalawigan ng Bulacan ang ika-124 Anibersaryo ng Republikang Pilipino ng 1899 sa Simbahan ng Barasoain sa Lungsod ng Malolos, Bulacan ngayong araw ng Lunes, Enero 23. Ang programa ay pangungunahan ni Gobernador Daniel R. Fernando na sasamahan ni Kinatawan Danilo A. Domingo bilang panauhing pandangal na sisimulan sa …

Read More »

HVT na Chinese national nakorner sa buy-bust ops

shabu drug arrest

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang dayuhang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga sa ikinasang anti-illegal drug operation sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado, 21 Enero. Batay sa ulat ni P/Col. Juritz Rara, hepe ng Angeles CPO, nagsagawa ang mga operatiba ng Angeles City PS4 ng anti-illegal drug bust operation sa Brgy. Balibago na nagresulta sa pagkakadakip …

Read More »

Sa Tarlac
7 DOROBONG KILABOT NASAKOTE

arrest, posas, fingerprints

NADAKIP ang pitong lalaking pinaniniwalaang mga kilabot na magnanakaw sa mga trucking services sa lalawigan ng Tarlac sa isinagawang follow-up operation ng pulisya sa lalawigan nitong Sabado, 21 Enero. Sa ulat na ipinadala kay PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen, nakatanggap ang Capas MPS ng ulat kaugnay sa insidente ng nakawang naganap sa Matias Trucking sa Brgy. Sto. Domingo 2nd, …

Read More »

PDLs ng Sta. Maria, Bulacan inayudahan ni Mayor Omeng  

Omeng Ramos PDLs Staa Maria Bulacan

NAKATANGGAP ng sulat si Mayor Omeng Ramos mula sa mga kababayang kasalukuyang nakapiit sa Sta. Maria Municipal Jail na humihingi ng tulong para sa ilang persons deprived of liberty (PDLs) na walang gaanong dumadalaw at walang naghahatid ng tulong tulad ng pangkain sa araw-araw. Agad itong tinugunan ni Mayor Omeng, kilalang may mabuting puso at kalooban sa pakikipagtulungan ng mga …

Read More »

2 pulis na suspek sa pamamaslang sa lady merchant, timbog

arrest, posas, fingerprints

NADAKIP ng mga ahente ng CIDG Nueva Ecija Field Unit ang dalawang police personnel na akusado sa pagdukot at pagpatay sa isang babaeng negosyante nitong Huwebes, 19 Enero, sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija. Kinilala ni P/BGen. Romeo Caramat, Jr., ang mga naarestong sina P/SSg. June Marcelo Mallillin ng Palayan CPS at P/MSg. Rowen Reyes Martin ng Cabanatuan …

Read More »

20 law violators sa Bulacan inihatid sa kulungan

Bulacan Police PNP

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ng mga awtoridad ang 20 kataong pawang may mga paglabas sa batas sa lalawigan ng BUlacan sa pagpapatuloy ng pinaigting na operasyon kontra kriminalidad nitong Miyerkoles, 18 Enero. Naunang nadakip ang pitong indibiduwal na sangkot sa ilegal na droga sa ikinasang buybust operations ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Balagtas, Marilao, at San Jose del Monte …

Read More »

Bike Patrol inilunsad sa Bulacan

Daniel Fernando Bulacan PNP Bike Patrol

ISINAKTIBO ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) ang Bike Patrol na inilunsad sa Camp Gen. Alejo Santos, sa lungsod ng Malolos, nitong Miyerkoles ng umaga, 18 Enero. Pahayag ni P/Col. Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang Bike Patrol ay proyekto na sama-samang pagtutulungan ng Bulacan PPO at Provincial Government of Bulacan. May kabuuang 80 police officers mula …

Read More »

Bulacan tumanggap ng Top Performing ADAC Award

Bulacan ADAC

SA patuloy na laban upang makamit ang isang drug-free na lalawigan at sa pagiging isa sa mga high-functional na Anti-Drug Abuse Councils (ADACs), ginawaran ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng 2022 National Anti-Drug Abuse Council Performance Award ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa isinagawang Regional Awards for Top Performing Provincial, City and Municipal Anti-Drug Abuse Councils …

Read More »

Pagpapakawala ng tubig sa mga dam sosolusyunan

Bustos Dam

NANAWAGAN si Gob. Daniel Fernando sa mga ahensiya na konektado sa pagpapakawala ng tubig mula sa mga dam ng Angat, Ipo, at Bustos sa isang pagpupulong kasama ang mga stakeholder ng dam na ginanap sa Christine’s Restaurant, Brgy. Dakila, sa lungsod ng Malolos, sa lalawigan ng Bulacan. Ito ay upang masusing pag-aralan ang kanilang mga protocol sa pagpapakawala ng tubig …

Read More »

POLICE OPERATIONS SA BULACAN PINAIGTING
14 tulak, 6 wanted nasakote

Bulacan Police PNP

ARESTADO ang 14 na pinaniniwalaang drug dealers at anim na wanted persons sa patuloy na pinaigting na police operations sa lalawigang ng Bulacan hanggang Martes ng umaga, 17 Enero. Kinilala ang 14 na drug suspects na sina Robin Mar Dela Cruz, Ramil Dela Cruz, Jenielyn Dela Cruz, Reynaldo Dela Cruz, Rannie Dolaota, Benjo Leona, Caroline Dela Cruz, Mark Russell Matriano, …

Read More »

Miss Teen Princess Republic Continent International 2022 Shantal Adrienne Espinosa at Sta. Maria, Bulacan Mayor Omeng Ramos

Omeng Ramos Shantal Adrienne Espinosa

MALUGOD na tinanggap ni Sta. Maria, Bulacan Mayor Omeng Ramos ang kababayang si Miss Teen Princess Republic Continent International 2022 na si Shantal Adrienne Espinosa  na nagwagi sa nasabing pageant mula sa 34 na official candidates mula sa iba’t ibang bahagi ng Filipinas at maging sa ibang bansa. Ayon kay Mayor Ramos, tunay na dapat ipagmalaki ang husay at galing …

Read More »

Sa Bulacan
5 TULAK, 4 KARNAPER, 1 WANTED KALABOSO

Bulacan Police PNP

Nadakip ng mga awtoridad hanggang nitong Lunes ng umaga, 16 Enero ang limang hinihinalang tulak, isang pinaghahanap ng batas, at apat na karnaper sa pinalakas pang kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad sa lalawigan ng Bulacan. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, arestado ng mga tauhan ng Pandi at Bocae MPS ang anim na …

Read More »

Pamilya ng 438 Rizal PNP promotees pinasalamatan

Rizal Police PNP

PINASALAMATAN ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay ang mga dumalong pamilya ng mga na-promote na pulils bilang pagsuporta sa kani-kanilang mga asawa, anak, at kapatid. Kasabay nito, pinaalalahanan ng opisyal na ang pagtaas ng ranggo ay kaakibat ang responsabilidad sa bayan at sakripisyo sa serbisyo. Nauna rito pinangunahan ni Baccay ang Simultaneous Oath-Taking at Donning at Pinning of …

Read More »

Debris galing sa rocket ng China maaaring mahulog sa Cagayan

China rocket Long March 7A

INALERTO ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at ng Municipal DRRM Council ng Santa Ana, Cagayan ang mga residente kaugnay sa mga debris mula sa rocket ng China na Long March 7A na maaaring mahulog sa dagat na sakop ng munisipalidad. Ayon kay Rueli Rapsing, PDRRMO officer-in-charge, ipinag-utos sa kanila ng National Disaster Risk Reduction and …

Read More »

Sa Aklan
‘DAMO’ DINALA SA ATI-ATIHAN 2 KELOT TIMBOG

marijuana

DINAKIP ng mga awtoridad ang dalawang lalaki na nabistong may dalang marijuana sa gitna ng pagdiriwang ng 2023 Ati-Atihan Festival sa bayan ng Kalibo, lalawigan ng Aklan, nitong Linggo, 15 Enero. Kinilala ng Kalibo police ang mga suspek na sina Glenn Reyes, 48 anyos, at Niño Dela Cruz, 33 anyos, kapwa mga residente sa Brgy. Andagao, sa naturang bayan. Nabuko …

Read More »

6 tulak, 1 MWP, 3 pa nalambat

Bulacan Police PNP

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 10 indibidwal sa magkakahiwalay na operasyong ikinasa ng mga awtoridad sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 14 Enero. Sa ulat kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, dinakip ang anim na personalidad sa droga sa iba’t ibang buy-bust operations na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Balagtas, Baliwag, …

Read More »