Tuesday , July 15 2025
Sa Bulacan 3 TULAK, 1 PUGANTE NASAKOTE NG PNP

Sa Bulacan  
3 TULAK, 1 PUGANTE NASAKOTE NG PNP

Arestado ng Bulacan PNP ang tatlong nangangalakal ng droga at isang pugante sa isinagawang anti-crime drive sa lalawigan hanggang kahapon ng umaga.

Sa ikinasang drug-sting operation ng Station Drug Enforcement Unit ng Meycauayan CPS at Balagtas MPS ay nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto sa tatlong tulak ng iligal na droga.

Nakumpiska sa mga naarestong suspek ang walong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaniniwalaang shabu at buy-bust money.

Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang pagsusuri, habang ang kaukulang reklamong kriminal para sa mga paglabag sa R.A. 9165 laban sa mga suspek ay inihahanda na para sa pagsasampa sa korte.

Samantala, isang 29-anyos na pugante ang inaresto ng tracker team ng Meycauayan CPS dahil sa krimeng paglabag sa section 14 ng R.A. 9165 at ito ay kasalukuyang nasa kustodiya ng arresting station para sa kaukulang disposisyon.

Ayon kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, patuloy ang kapulisan sa lalawigan sa walang patid na opensiba laban sa ilegal na droga at walang humpay na pagtugis sa mga lumalabag sa batas. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

PNP CIDG

PNP-CIDG, may lead na sa missing sabungeros

KOMPIYANSA si Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Nicolas Torre III sa leads ng Criminal …

China Coast Guard CCG Peoples Liberation Army PLA Navy

2 barko ng China naispatan sa Occ. Mindoro

DALAWANG barko ng China, isang People’s Liberation Army (PLA) Navy na ineeskortan ng barko ng …

Dead Rape

Ini-request para sa home service
BABAENG MASAHISTA PINATULOG SA DROGA GINAHASA, NINAKAWAN SUSPEK ARESTADO SA PASIG

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos pagnakawan at gahasain ang isang 22-anyos babaeng …

071425 Hataw Frontpage

Mula sa Yemen
17 TRIPULANTENG PINOY NG MV MAGIC SEAS, NAKAUWI NA SA BANSA

HATAW News Team TINIYAK ng Department of Migrant Workers (DMW) na lahat ng 17 tripulanteng …

Jayjay Suarez

Quezon Rep. Suarez, bagong Chairman ng Appropriations Committee

MAY bago nang chairman ang House Appropriations Committee na inaasahang iaanunsiyo ng liderato ng 20th …