HINDI kinakailangang pumili sa pagitan ng sektor magsasaka at mga mamimili kung tamang ipatutupad ng pamahalaan ang mga polisiya patungkol sa pag-aangkat ng bigas at pagpapainam ng produksyon sa sektor agrikultura, ayon sa anim sa mga pinakamahuhusay na ekonomista sa bansa. Sa harap ng napipintong paggastos ng pamahalaan ng halagang P23.6 bilyon upang mag-angkat ng 800,000 metriko toneladang (MT) bigas, …
Read More »Navy official sinibak sa PSG dahil sa pekeng ATM card
SINIBAK na sa Presidential Security Group (PSG) ang Philippine Navy official na nadakip ng Makati City Police habang nagwi-withdraw ng pera sa ATM booth sa East West Bank sa Pasong Tamo Ext., Makati City, gamit ang pekeng ATM card. “Kausap ko lang po kani-kanina ang group commander ng PSG, si Commodore Raul Ubando at sinabi niyang nakapag-issue na siya ng …
Read More »Courtesy call ng Olympian skater inayos ng Palasyo
INAAYOS na ang courtesy call ni Olympian figure skater Michael Christian Martinez kay Pangulong Benigno Aquino III sa Palasyo makaraang magbigay ng karangalan sa bansa sa Sochi Winter Olympics. Ngunit ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., hectic ang schedule ng Pangulo ngayong Linggo dahil sa pagdiriwang ng EDSA 1 anniversary at pupunta pa sa Malaysia para sa state visit …
Read More »12,000 trucks boycott ngayon (Sagot vs ban ng Manila gov’t)
Aabot sa 12,000 trak ang hindi bibiyahe ngayong Lunes, Pebrero 24, dahil tuloy ang truck holiday laban sa daytime truck ban na ipatutupad ng Lungsod ng Maynila. Ayon kay MMDA Chair Francis Tolentino, pumayag na ang Maynila na palawigin ang operating window ng mga truck sa lungsod mula sa orihinal na 9p.m. to 5a.m. lang, bibigyan na rin sila ng …
Read More »Ukraine President pinatalsik
Pinatalsik ng parlyamento ng Ukraine ang kanilang presidente na si Viktor Yanukovich. Ito’y sanhi ng sunod-sunod na tatlong araw na patuloy ang madugong karahasan sa kapital nitong Kiev na ikinamatay ng halos 100 katao. Nitong Sabado (oras sa Ukraine), nakalaya na rin mula sa mahigit dalawang-taon pagkaka-hospital arrest ang dating Prime Minister na si Yulia Tymoshenko. Sakay ng kanyang wheelchair, …
Read More »Mag-asawa niratrat sa Binondo mister todas
PATAY ang isang 31-anyos lalaki, habang sugatan ang kanyang ka-live in, matapos paulanan ng bala ng hindi nakilalang mga suspek sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Patay na nang idating sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) si Hadrahyar Dimatingcal, mananampalataya ng Islam, ng Muelle De Industria St., Binondo, sanhi ng tama ng bala sa mukha at katawan. Nakaratay …
Read More »Joma haharapin ni PNoy kung may pirmahan na
MAS gugustuhin ni Pangulong Benigno Aquino III na makaharap si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison, kapag may peace agreement nang pipirmahan ang komunistang grupo at kanyang administrasyon. “You know, I’m trying to recall a particular instance the President said something about this—na kung maganda po ba yatang magkaharap sila kung may peace agreement na. …
Read More »GRO pinalo ng kaldero mister inutas sa saksak
PATAY ang 30-anyos mister matapos gantihan ng saksak ng kinakasamang guest relations officer (GRO), makaraang gulpihin at pagpapaluin ng kaldero, sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Dead on arrival sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang si Benigno de Pedro, 30, ng Phase 1, Package 13, Block 31, Lot 23, Brgy. 176 ng nasabing lungsod, sanhi ng isang …
Read More »7 patay, 33 huli sa Davao drug raid
DAVAO CITY – Pitong hinihinalang drug pushers ang patay nang manlaban sa mga awtoridad sa anti-drug operation sa Brgy. Ilang sa lungsod ng Davao kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang lima sa pitong napatay na sina Hainal Solani, Dark Abdul Nawang alyas Ani, alyas Ruel, Musa Sailaman, Faisal Albahi, at dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek. Isinagawa ang drug operation sa …
Read More »BINATO ng militanteng grupo ang effigy na kamukha ni Pnoy ng kamatis bilang protesta laban sa hindi maayos na pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda na ginanap sa Chino Roces Bridge, Mendiola Maynila. (BONG SON)
Read More »Opinyon ng DoJ itinago (Sa patakaran ng DA at NFA sa importation)
SA patuloy na pagsirit ng presyo ng bigas sa bansa, nabunyag sa pangalawang pagkakataon ang umano’y paglilihim at pagpapatumpik-tumpik ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) sa mga rekomendasyon ng ibang kagawaran ng pamahalaan na ‘di umaayon sa mga polisiya ng dalawang ahensya. Nitong Miyerkoles, inamin ng isang miyembro ng NFA Council na hindi sila binigyan ng …
Read More »Importer ng Canadian garbage, kinasuhan ng BoC
Muling pinatunayan ng Bureau of Customs (BoC) na desidido ang ahensiya na panagutin ang mga sangkot sa smuggling sa bansa matapos pormal na kasuhan kahapon sa Department of Justice (DOJ) ang importer ng nasabat na 50 container vans ng basura mula Canada. Ang importer na si Adelfa Eduardo, may-ari ng Chronic Plastics na nakabase sa Canumay, Valenzuela City at ang …
Read More »Online libel ng SC tutulan — Miriam (Panawagan sa netizens)
NANAWAGAN si Senadora Miriam Defensor-Santiago sa netizens kahapon na umaksyon laban sa aniya’y “erroneous” decision ng Supreme Court na pagpagpapatibay sa konstitusyonalidad ng online libel. Sinabi ni Santiago, dapat maghain ng motion for reconsideration laban sa online libel o magpasa ang Senado ng bagong Anti-Cybercrime measure na magbabaliktad sa epekto ng desisyon ng SC. Alin man sa dalawang ito, tiniyak …
Read More »DA, NFA puro pangako — KMP (Presyo ng bigas sumirit na sa P40)
Pangakong napapako at kabi-kabilang palusot ang inihahain ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) sa nagugutom na Filipino sa gitna ng pagkakatala ng bago na namang pinakamataas na presyo ng bigas sa kasaysayan ng bansa, sa pangalawang pagkakataon sa buwan na ito ng Pebrero. Sa kabila ng paulit-ulit na pangakong sapat ang suplay ng bigas, ginagamit ngayon …
Read More »Biyuda ni tado nagpakalbo vs iregularidad sa Florida, LTFRB
SINUGOD kahapon ng biyuda ni Arvin ‘Tado’ Jimenez, kasama ang Dakila Group, ang opisina ng GV Florida Transport bilang protesta sa pagpapabaya sa mga biktima ng ‘lumipad’ na bus patungong Bontoc, dalawang linggo na ang nakararaan. Nagpakalbo si Lei Jimenez, bilang protesta laban sa inhustisya sa mga biktima sa nasabing insidente. Habang ginugupit ang buhok ni Lei, isinisigaw ng mga …
Read More »51.9-M Yen kompiskado sa Japanese
51.9-M YEN. Ipinakikita nina Bureau of Customs-Enforcement Security Services Director Gen. Willie Tolentino at BoC-NAIA District Commander, Lt. Regie Tuazon ang 51.9-M Japanese Yen na dala ng Japanese national na si Yoshiaki Takahashi matapos harangin sa NAIA Terminal 1 ng tauhan ni Customs Police Division, NAIA District Commander, Lt. Sherwin Andrada bunsod ng paglabag sa Tariff and Customs Code of …
Read More »Online Libel aprubado ng Korte Suprema
IDINEKLARA ng Supreme Court (SC) na “constitutional” o naaayon sa Konstitusyon ang kontrobersyal na online libel provision sa Cybercrime Law o Republic Act 101-75 o Cybercrime Prevention Act of 2012. Ngunit sa inilabas na resolusyon ng SC en banc, binigyang-diin ni SC Spokesman Atty. Theodore Te, na ang online libel ay para lamang sa orihinal na author o nag-post ng …
Read More »Duterte sa 2016 ok kay Lim
SUSUPORTAHAN ng dating heneral at Manila Mayor Alfredo Lim ang anomang posisyon sa pamahalaan na aasintahin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa 2016. Ginawa ni Lim ang pahayag matapos lumutang ang pagnanais ng ilang grupo na himukin si Duterte na kumandidato sa pambansang posisyon sa 2016 elections. Ani Lim, hinahangaan niya ang pagpapairal ng peace and order ni Duterte …
Read More »Gobyerno nagkamal sa rice imports — KMP (Consumers pinagkakitaan)
GINAGAMIT ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) ang sistemang government-to-government (G-to-G) sa pag-aangkat ng bigas mula sa ibang bansa upang pagkakitaan ang mga mamamayang pumapasan sa mataas na presyo nito, ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Sa isang panayam, binanatan ni KMP national chairperson at dating Anakpawis partylist Rep. Rafael Mariano ang “hindi seryoso at …
Read More »Pribatisasyon ng 72 public hospitals tinuligsa ng CPP
TINULIGSA ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang rehimeng Aquino sa ora-oradang pagdedesisyon na isapribado ang public hospitals sa ilalim ng tinaguriang Public-Private Partnership (PPP) program. Ipinalabas ng CPP ang pahayag na ito isang araw makaraang ideklara ni Health Secretary Enrique Ona na ang lahat ng 72 ospital ay maaaring isailalim sa pribatisasyon at idinepensa ang pagpirma ng kontrata …
Read More »Erap ipinahiya ng speechwriter (Mayor ng Hawaii desmayado)
IMBES sisterhood at magkatuwang na programang magpapaunlad kapwa sa mga lungsod ng Maynila at Honolulu, Hawaii ang talakayin, walang ibang binanggit ang alkalde ng Maynila kundi ang CCTV camera at Divisoria. Ang nasabing speech ni Mayor Joseph “Erap” Estrada ay binasa niya sa harap ng delegasyon mula sa Hawaii na dumalo sa okasyon sa Manila Hotel, kahapon. Ayon sa isang …
Read More »Sumirit na presyo ng bigas isinisi sa polisiya (Pinakamataas sa kasaysayan)
NAITALA sa buwan ng Pebrero ang pinakamataas na presyo ng bigas sa kasaysayan ng bansa ayon sa pinakabagong datos mula sa Bureau of Agricultural Statistics (BAS). Nitong Pebrero 4, ayon sa ahensya, pumalo na sa P39.94 kada kilo ang presyong tingi o retail price ng well-milled rice. Mas mataas ito ng 13.33 porsyento kaysa presyo nang lumipas na taon. Samantala, …
Read More »Austrian limas sa taxi driver
HINOLDAP ang isang Austrian national habang sakay ng airport taxi mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, Biyernes ng gabi. Ayon kay PSr./Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City Police, dakong 9:00 ng gabi nang sumakay sa dilaw na taxi ang biktimang kinilalang si Andrea Mausser, 33-anyos. Kararating lang ng bansa galing Austria ng biktima, at nagpapahatid sa Heritage …
Read More »US$10K bonus sa Pinoy skater (Palasyo full support sa 2018)
DAHIL sa ipinakitang determinasyon at lakas ng loob, makatatanggap ng bonus si Filipino figure skater Michael Christian Martinez, ang solong pambato ng Filipinas sa Winter Olympic Games sa Sochi, Russia. Bagama’t walang naiuwing medalya, nag-iwan ng marka sa mga manonood sa galing ng kaniyang performance mula sa preliminary round hanggang sa medal round. Pagkakalooban ng business tycoon Manny V. Pangilinan, …
Read More »TPO, Gag Order ni Deniece vs Vhong ibinasura
IBINASURA ng Taguig Regional Trial Court ang hirit ng kampo ni Deniece Cornejo na temporary protection order (TPO) at gag order laban sa TV host-actor na si Vhong Navarro. Ayon sa korte, walang sapat na basehan ang petisyon ni Cornejo para pagbigyan ang hirit ng kanilang kampo. DENIECE, CEDRIC ET AL NO SHOW SA PRELIM PROBE HINDI sumipot sa unang …
Read More »