Tuesday , October 8 2024

Pari gustong ipalit ni Duterte kay Duque

120821 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario

INALOK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Dominican priest at molecular biologist Fr. Nicanor Austriaco na maging kalihim ng Department of Health (DOH) kapalit ni Francisco Duque III matapos marinig ang virtual presentation ng pari kaugnay sa Omcron variant ng CoVid-19.

Ang paanyaya kay Austriaco na maging bahagi ng kanyang gabinete ay ginawa ni Pangulong Duterte sa kanyang public address kagabi na naging panauhin ang pari.

Si Austriaco ay University of Santo Tomas biological sciences professor, OCTA Research fellow, nagtapos na summa cum laude sa BioEngineering sa University of Pennsylvania, may doctorate degree sa Biology sa Massachusetts Institute of Technology, professor sa Biology sa Providence College sa Rhode Island, USA na may laboratory na pinopondohan ng National Institute of Health at isa pang laboratory sa UST.

“We would be happy — I would be happy to appoint you as the Secretary of Health. If that is okay with you,” ani Pangulong Duterte kay Austriaco.

Natatawang nahihiya si Austriaco na tinanggihan ang alok ng Pangulo.

“No po. No po. Secretary Duque is doing a fine job po and he’s a Thomasian po,” tugon ni Austriaco sa Pangulo.

Si Austriaco, kasalukuyang nasa Amerika, ay ipinaliwanag na ang kombinasyon ng bakuna at anti-viral drugs ang magpapanatili ng immunity laban sa CoVid-19 lalo sa Omicron variant.

“So the way out of this pandemic is through vaccinations which we are doing now po. And we must continue to do that to maintain our immunity, especially with the Omicron threat. And we now have to also focus our efforts on procuring antiviral drugs,” anang pari.

“This combination po will transform pandemic COVID-19 into endemic CoVid-19, where we will be able to reopen completely our societies, and where CoVid-19 will become a regular flu,” dagdag niya.

‘Di-hamak aniyang maayos ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa kompara sa mga kalapit na Thailand, Malaysia at Vietnam na libo-libong bagong kaso ng CoVid-19 araw-araw kompara sa Filipinas na 500 pababa.

“Father, salamat , you gave us hope and that we– it’s not scary after all– not that scary. Hearing from you… It was a very educational thing for the Filipino,” sabi ni Duterte kay Austriaco.

Nang malaman ni Duterte na pabalik-balik sa Amerika si Austriaco ay hinimok niyang manatili na lamang sa bansa dahil mas gusto ng mga Pinoy na narito ang pari.

“Kami, mas gusto namin nandito ka na lang,” ani Duterte

“We will expect a change of schedule, next year maybe. Salamat at maraming salamat sa ‘yo, Father Austriaco. You have been a great help to us. God bless you. But think about it, stay longer here.”

Kaugnay nito, inilahad ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr., malaking tulong si Austriaco sa kampanya ng gobyerno kontra CoVid-19.

Kahit aniya nasa US si Austriaco ay kinausap ng pari ang mga pari at iba’t ibang religious organizations para payagan na gamitin ang mga simbahan bilang vaccination site.

“So we opened more or less 187 churches as vaccination sites during the campaign, and Father Austriaco is very, very instrumental on that, Mr. President,” ayon kay Galvez.

Noong 21 Mayo 2021, o matapos ang mahigit tatlong buwan na pagsasaliksik ay nabuo ng grupo ni Austriaco ang ang kauna-unahang experimental yeast vaccine sa Rhode Island.

Ang yeast-based vaccine ay ginawa mula sa yeast, isang single-celled fungus na ginagamit upang umalsa ang tinapay at sa paggawa ng beer.

Nagbuo ang grupo ni Fr. Nick ng genetically engineered cell na saccharomyces boulardii yeast para gayahin ang spike protein ng SARS-COV 2 at kapag ininom ang yeast cell na ito’y iisipin ng katawan ng tao na CoVid-19 ang pumasok kaya’t magti-trigger ito ng immune response at ito na ang kanyang immunity.

Inaasahang matapos ang clinical trial ng oral vaccine ay puwede na itong gamitin sa Hunyo 2022. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Pia Cayetano

Ina, abogada, atleta, subok na mambabatas
PIA “KAMPANYERA” CAYETANO MULING TATAKBO PARA SA SENADO

INIHATID si Senadora Pia Cayetano ng halos 150 siklista mula sa Taguig, Maynila, at Pasay …

Arvin Lulu Mommy Lerms Lerma Lulu skin care online sellers

Sa Pampanga
SIKAT NA ONLINE SELLERS TINAMBANGAN PATAY

HINDI nakaligtas sa kamatayanang mag-asawang kilalang online skin care sellers nang pagbabarilin sa bayan ng …

100724 Hataw Frontpage

Para muling ‘irespeto’
Ex-PRRD PINAYOHANG TUMAKBO SA SENADO

ni NIÑO ACLAN NANINIWALA si dating presidential adviser, Salvador Panelo na ‘maliit ang tingin’ ng …

dead gun

Sa Sariaya, Quezon
2 LALAKI TUMIMBUWANG SA BOGA

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki na pinaniniwalaang pinagbabaril ng hindi kilalang suspek habang nakatayo …

Gun Fire

Hepe ng CDO police todas sa riding-in-tandem

PATAY ang hepe ng Cagayan de Oro CPO Station 2 nang barilin ng mga suspek …