Saturday , December 13 2025

Front Page

Impeachment vs Ferolino, banta ni Guanzon

Rowena Guanzon Aimee Ferolino

POSIBLENG maghain ng impeachment case ang magreretirong si Comelec Commissioner Rowena Guanzon laban kay Commissioner Aimee Ferolino dahil sinadyang iantala ang paglabas ng desisyon sa disqualification case laban kay Marcos, Jr. Ani Guanzon, hindi siya natatakot sa bantang sasampahan siya ng kasong libel kaugnay sa mga pinakawalan niyang akusasyon laban kay Ferolino. “She should be afraid of me. I might …

Read More »

Hindi kayang pilitin magbayad ng tax
MARCOS JR., SPOILED BRAT, ABSENTEE GOVERNOR — GUANZON

Rowena Guanzon Rappler Talk

SINADYA ang hindi pagbabayad ng buwis ng isang spoiled brat at absentee governor na anak ng diktador at Partido Federal ng Pilipinas presidential bet Ferdinand “BongBong” Marcos, Jr. Ayon kay Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon, ito ang mga katangian ni Marcos, Jr., kaya kahit mga abogado ng anak ng diktador ay hindi kayang pilitin na magbayad ng buwis …

Read More »

Michael Yang ipinatatapon, 2 Pharmally officials ipinaaasunto

Michael Yang, Pharmally, DOH, PS-DBM,

INIREKOMENDA ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon ang agarang deportasyon kay Michael Yang at ang pagsasampa ng kaukulang kaso kina dating Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM) chief Christopher Lao, at Procurement Director Warren Rex Liong . Ayon kay Gordon, mayroong nilabag na batas si Yang sa kanyang pagpasok ng kasunduan sa …

Read More »

Pondo vs CoVid-19, dinambong sa tungki ng ilong ni Digong
DUTERTE, DUQUE ‘TRAIDOR,’ PHARMALLY ‘LINTA’
Plunder patong-patong na kaso, rekomendado ng Senado

020222 Hataw Frontpage

 ni Rose Novenario              “I HATE corruption.” Madalas itong sambitin ni Pangulong Rodrigo Duterte mula nang maupo sa Palasyo. Ngunit sa ulat ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabing naganap sa ‘tungki ng ilong’ ng kasalukuyang Punong Ehekutibo ang pinakamalalaking pandarambong sa kaban ng bayan sa kasaysayan ng Filipinas. Nakasaad sa partial committee report sa 2020 Commission on Audit (COA) ang paggasta …

Read More »

Sa ninakaw na pera ng teachers
HUGAS-KAMAY NG LANDBANK, HINDI UUBRA

Landbank Money

HINDI papayagan ang tila ‘paghuhugas-kamay’ ng Land Bank of the Philippines (LBP) sa ninakaw na pera ng mga guro habang nakalagak sa banko. Iginiit ni labor lawyer at counsel ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) long-time counsel Luke Espiritu na obligado ang Landbank na maging metikuloso sa pag-iingat sa pera ng mga guro dahil kapag nawala ito habang nasa pangangalaga ng …

Read More »

Nakikialam sa DQ case ni Marcos,
‘SENADOR’ IBINUKING NI GUANZON KAY SOTTO

020122 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario KILALA na ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang sinasabi ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na nakikialam para maantala ang desisyon sa disqualification (DQ) case laban sa anak ng diktador at Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential aspirant Ferdinand “Bongbong”Marcos, Jr. Ayon kay Sotto, isiniwalat sa kanya ni Guanzon ang pangalan ng senador …

Read More »

Pharmally officials haharap sa kasong syndicated estafa

expired face shields, CoVid-19 test kits, P28.72 face masks, Pharmally Money

INIREKOMENDA ng House committee on good government and public accountability sa pamahalaan na sampahan ng kasong syndidated estafa ang mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corp., na nakakuha ng malaking kontrata sa administrasyong Duterte sa pamamagitan ng Procurement Service-Department of Budget and management (PS-DBM). Sa rekomendasyon ng komite, kasama sila Mr. Huang Tzu Yen, Mohit Dargani, Twinkle Dargani, Linconn Ong, Justine …

Read More »

May laptop na, may allowance pa
SA QC UNIVERSITY LIBRE TUITION FEE

Quezon City University QCU

LIBRE ang tuition fee sa Quezon City University (QCU). Kaya kung kayo ay graduating student ng Senior High ngayong taon, at problema ang pagpasok o makatapos ng kolehiyo, samantalahin ang libreng college education na ini-o-offer ng QCU sa mga kabataan ng lungsod. Ito ay matapos maisama ng Commission on Higher Education (CHED) ang unibersidad at mabigyan ng “Institutional Recognition” noong …

Read More »

Sa alert level 2
NO VAXX, NO RIDE, TABLADO

No Vaxx No Ride

MAAARI nang makasakay sa mga pampublikong sasakyan ang mga commuters, bakunado man o ‘di-bakunado sa Metro Manila na isasailalim sa Alert Level 2 simula sa Martes, 1 Pebrero. Ayon kay Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, aalisin ang polisiyang “no vaccination, no ride” ng Department of Transportation (DOTr) sa National Capital Region (NCR) sa Alert Level 2 status. “Once we …

Read More »

Resolusyon gustong i-hijack
SENADOR ‘PUHUNAN’ NG POLL COMM
Ferolino ‘kamote’ — Guanzon

013122 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO SENADOR lang ang puhunan ng isang commissioner kaya nasungkit ang puwesto sa Commission kahit kapos ang karanasan bilang abogado. Isiniwalat ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon, na si Commissioner Aimee Ferolino ay hindi sumabak sa paglilitis sa hukuman, hindi nakapagsulat ng pleadings, at desisyon kaya ‘slow’ o mabagal mag-isip. Noong  nakatalagang Election Officer sa Davao, …

Read More »

DQ CASE NI BBM, ‘HELLO GARCI’ IN THE MAKING
Proteksiyon para kay Guanzon, hirit ng Bayan

Rowena Guanzon Rappler Talk

DAPAT bigyang proteksiyon si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon dahil ‘vital witness’ siya sa impormasyon na may politikong nag-iimpluwensiya sa First Division ng poll body na magpapasya sa disqualification case laban sa anak ng diktador at Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Pahayag ito ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary-general Renato Reyes, …

Read More »

NBI pasok sa ‘Landbank theft’

NBI Landbank

PUMASOK na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga insidente ng pagnanakaw sa payroll account ng mga teacher sa Land Bank of the Philippines (LBP). Naipasa na ng grupong Teachers’ Dignity Coalition (TDC) ang inisyal na listahan ng mga biktima ng Landbank theft sa hepe ng NBI Cybercrime Division na si Atty. Ri Lorenzo, batay sa ipinaskil ni Benjo …

Read More »

BBM DISQUALIFIED
Yes vote ni Guanzon ayaw bilangin ng Comelec

012822 Hataw Frontpage

NANINIWALA si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na may mahiwagang kamay na kumukumpas kaya sinasadya ng First Division poll body na hintayin ang kanyang pagbaba sa puwesto sa susunod na linggo  para hindi mabilang ang kanyang boto na idiskalipika ang anak ng diktador at presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. “I voted to DQ (disqualify),” ani Guanzon sa …

Read More »

Graphic artist arestado sa ‘vaxx cards’

Arrest Posas Handcuff

NAARESTO ang isang 28-anyos graphic artist ng mga operatiba ng Pasay Intelligence Section sa pagbebenta ng CoVid-19 vaccination cards, sa Pasay City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Southern Police District (SPD) director, P/BGen. Jimili Macaraeg ang suspek na si Marcelo Cabansag, alyas Marque, ng Pasay City. Nag-ugat ang pagdakip kay Cabansag sa impormasyong namemeke siya ng CoVid-19 vaccination cards sa …

Read More »

New CHED charter inihain sa Senado

CHED

ISINUSULONG ni Sen. Joel Villanueva, chairman ng Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education, ang “Revised Higher Education Act of 2022” o Senate Bill No. 2492, sa ilalim ng Committee Report No. 509, para pagtibayin ang Commission on Higher Education (CHED) sa pamamagitan ng repormang institusyonal. Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Villanueva, pinalalakas ng revised charter ang komisyon …

Read More »

Sa patuloy na pagtaas ng presyo
GA-HOLENG PANDESAL IHAHAIN NG PINOY SA HAPAG-KAINAN

Pandesal holen

NANGANGAMBA si Senador Imee Marcos sa paliit na paliit at hindi na nakabubusog na pandesal bilang paboritong almusal at meryenda ng ordinaryong Pinoy. Ayon kay Marcos, chairperson ng Senate Committee on Economic Affairs, tiyak na tututol ang mga konsumer ng tinapay sa hirit na tatlong pisong dagdag presyo pero hindi na rin aniya makayanang ‘di ipatupad ng mga panadero. “Sa …

Read More »

Microgrid system ni Gatchalian batas na KORYENTE SA BARYO POSIBLE NA

electricity brown out energy

ASAHAN ang pag-usbong ng mga microgrid system sa mga kanayunan sa buong bansa ngayong ganap nang batas ang pagtatatag nito, pati ang posibilidad na maisakatuparan ang total electrification o pagpapailaw sa bawat sambahayan sa pagtatapos ng taon, ani Senador Win Gatchalian. “Ngayong ganap na itong batas, umaasa tayo na ang bawat sulok ng bansa ay magkakaroon na ng koryente sa …

Read More »

Midnight deal
ABS-CBN BROADCAST FREQUENCIES INATADO PARA SA ‘OLIGARKA’

Duterte money ABS CBN

ni ROSE NOVENARIO MAITUTURING na midnight deal ang pag-atado sa ABS-CBN broadcast frequencies ng gobyerno para ipamudmod sa ‘nagsulputang oligarka’ sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. “Para siyang isang midnight appointment , malapit nang matapos ‘yung administrasyon, bigla na lang nagbibigay siya ng kung ano-anong frequency at kung ano-anong pabor sa kanyang mga kaalyado,” ayon kay media law …

Read More »

Pitmaster Foundation muling namahagi ng P20-M homecare kits

Pitmaster Foundation

MULING namahagi ang Pitmaster Foundation ang P20 milyong halaga ng homecare kits sa 17 local government units sa National Capital Region (NCR). Ayon kay Atty. Caroline Cruz, Executive Director ng Pitmaster Foundation, “Ito ay ilan lamang sa mga inisyatibang ipinagpapatuloy ng Foundation upang maiwasan ang CoVid-19 lockdown, matulungan ang health workers, at maprotektahan ang maliliit na negosyo.” Sinabi ni Cruz, …

Read More »

Broadcast frequencies ng ABS-CBN, ‘nasulot’ ni Villar

Manny Villar ABS-CBN

MALABO nang mabawi ng ABS-CBN ang kanilang prankisa sa susunod na administrasyon dahil ibinigay na ng administrasyong Duterte ang kanilang broadcast frequencies sa kompanyang pagmamay-ari ni Manny Villar. Nabatid na ipinagkaloob ng National Telecommunications Commission (NTC) ang temporary permit sa Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS) na pagmamay-ari ni Villar para magsagawa ng isang test broadcast sa analog Channel 2. …

Read More »

Duterte, ‘maritess’ na pangulo — netizens

BUKOD sa tawag na lameduck, tinaguriang ‘Marites’ o taong mahilig sa tsismis si outgoing President Rodrigo Duterte ng netizens. Sa kanyang Talk to the People address ay nagpakawala na naman ng ‘blind item’ si Duterte kaugnay sa mga umaasintang maging kapalit niya sa Palasyo. Mayroon aniyang isang most corrupt presidential bet na kanyang tutukuyin sa mga susunod na araw. “Kung …

Read More »

Defensor kinutya sa mga maling paratang sa QC

HATAW News Team KAMAKAILAN may mga ikinalat si Anak Kalusugan Party-list representative Mike Defensor na paratang at alegasyon laban sa lokal na pamahalaan ng Quezon City. Ngunit mukhang nag-backfire ito kay Defensor dahil sa kontrapunto ni Quezon City Spokesperson Pia Morato, na nagmistulang katatawanan ang mismong nag-akusa. Ayon kay Defensor, kinukuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang kairalan ng pandemic …

Read More »

Sa ‘Landbank theft’
SANLINGGO ULTIMATUM NG TEACHERS SA DEPED

ni ROSE NOVENARIO             ISANG linggo ang ibinigay na ultimatum ng mga guro sa Department of Education (DepEd) para aksiyonan ang reklamo nilang pagnanakaw sa kanilang payroll account sa Land Bank of the Philippines (LBP). Inihayag ito ni Benjo Basas, national chairperson ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) sa panayam ng HATAW D’yaryo ng Bayan kagabi. Aniya, obligasyon ng DepEd na tulungan …

Read More »