Friday , November 22 2024

Front Page

Operasyon ng KTV bar sa Pasay nabuko

night club Coivd-19

NABUNYAG ang operasyon ng isang  KTV bar sa Pasay City na ikinaaresto ang mga empleyado, dahil sa paglabag sa Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ)  Alert Level 4 sa Metro Manila. Kinilala ni Pasay City police chief, Col. Cesar Pasayos ang mga suspek na sina  Michael Relampago, 29, floor manager, residente sa San Marino …

Read More »

Gov’t execs tuloy pa rin sa senate ‘plundemic’ probe (Kahit pagbawalan ni Duterte)

 LALAHOK pa rin sa mga pagdinig na ipatatawag ng Senate Blue Ribbon Committee, na tinaguriang ‘plundemic’ probe, ang mga opisyal ng administrasyon kahit pagbawalan ni Pangulong Rodrigo Duterte. “While the Cabinet officials appreciate the concern of the President, e sila naman po, for purposes of transparency, pupunta pa rin po sa Senado dahil wala naman pong itinatago,” sabi ni Presidential …

Read More »

Partylists pinakyaw ng political dynasties, celebrities, businessmen, atbp

party-list congress kamara

BULABUGINni Jerry Yap MARAMING lumalabas na ‘memes’ ngayon sa social media kaugnay ng eleksiyon para sa Mayo 2022.         May mga nagsasabing, ang mga kandidatong  bantad sa asuntong korupsiyon gaya ng plunder o pandarambong sa pondong mula sa buwis ng mga mamamayan ay parang mutant mula sa virus na CoVid-19 — ang bilis ng mutation — kaya mabilis din lumikha …

Read More »

‘Davao made’ na depensa ihahatag sa ICC (Sa crimes against humanity vs Duterte)

100521 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO GAYA sa isang paltik na kalibre. 45 baril na ginamit sa maraming putukan, babalik sa kanyang lungga sa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte pagbaba sa puwesto sa Hunyo 2022, para paghandaan ang kanyang depensa sa imbestigasyon ng International Criminal Court sa (ICC) sa isinulong niyang madugong drug war.         Ang Davao ay kilala sa paggawa ng …

Read More »

PPEs bumaha sa Customs (Bago March 2020 lockdown declaration)

Bureau of Customs, BoC, PPEs

BUMAHA ang mga personal protective equipment (PPEs) sa Bureau of Customs (BoC) bago ideklara ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang unang lockdown sa buong Luzon noong Marso 2020.    Isiniwalat ito ni Sen. Panfilo Lacson sa ika-10 pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa maanomalyang multi-bilyong medical supplies contract na nasungkit ng Pharmally Pharmaceutical Corporation mula sa Procurement Service-Department of Budget and …

Read More »

Cyber-libel ng DV Boer vs Hataw ibinasura (Sa Makati at Mandaluyong cities)

100421 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO IBINASURA ng Office of the City Prosecutor ng Mandaluyong ang reklamong paglabag sa Anti-Cyber Crime Law at Anti-Fake News Act na isinampa ni Dexter Villamin ng DV Boer International Corporation laban sa reporter at editor ng pahayagang HATAW D’yaryo ng Bayan. Sa desisyon ni Fiscal Billy Joel M. Pineda, assistant city prosecutor ng Mandaluyong, naka­saad na ibinasura …

Read More »

Kaso vs QCPD Yarra ikakasa sa Ombudsman (Sa utos ng ilegal na pag-aresto?)

100421 Hataw Frontpage

NAKATAKDANG sampahan ng patong-patong na kaso ng Globaltech Mobile Online Corporation sa Office of the Ombudsman si Quezon City Police District (QCPD) director, P/BGen. Antonio Yarra kaugnay sa sinabing utos niyang pag-aresto umano sa mga kawani ng Perya­han ng Bayan kamakailan sa lungsod. Ayon kay Atty. Bernard Vitriolo ng Globaltech, ito ay direktang paglabag sa karapatan ng kompanya na ipagpatuloy …

Read More »

Enzo Oreta, bagong manok ng pamilyang Malabonian

Enzo Oreta

BULABUGINni Jerry Yap BAGONG-BAGO ang panlasa at manok  ng pamilyang Malabonian. ‘Yan ay matapos maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Konsehal Jose Lorenzo “Enzo” Oreta para sa pagka-alkalde sa bayan ng Malabon. Sa murang edad na 31 anyos, naglakas loob at buong tapang na naghain ng kandidatura si Enzo. Naging SK Chairman at matagal na Konsehal ng lungsod …

Read More »

Ang ‘Squid Game’ ng mga politikong segurista

Squid Game PH Elections 2022, Alfonso Cusi, Melvin Matibag, Bong Go, Rodrigo Duterte, Sara Duterte, Manny Pacquiao, Koko Pimentel

BULABUGINni Jerry Yap UMATRAS ang ‘tatay’ na si Pangulong Rodrigong Duterte na hinalinhan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go bilang bise presidente, habang ang dating isinusulong na mag-presidente si Mayor Inday Sara ay naghain ng kandidatura bilang Mayor sa Davao City. Habang si Senator Manny Pacquiao na binakbakan ng PDP Laban Cusi faction ay naghain ng kanyang certificate of candidacy …

Read More »

DOE kinastigo ni Gatchalian (Sa Malampaya contract)

DoE, Malampaya

MARIING binalaan ni Senador Win Gatchalian ang Department of Energy (DOE) sa posibilidad na pagpasok ng gobyerno sa isang ‘midnight deal’ kaugnay ng pagpapalawig sa service contract ng Malampaya project na magtatapos sa 2024. Nangamba si Gatchalian sa gitna ng naganap na bentahan ng shares ng Shell Philippines Exploration B.V. (SPEX), ang operator ng Malampaya gas field project, sa Malampaya …

Read More »

P4k ibinayad ng Pharmally sa accountant

Illuminada Sebial, Pharmally, Money

APAT na libong piso lamang ang ibinayad ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa kanilang external auditor para pirmahan ang financial statement ng kompanya na isinumite sa Securities and Exchange Commission (SEC). Inamin ni Illuminada Sebial, external auditor ng Pharmally, tumanggap siya ng P4,000 mula sa kompanya para sa isang beses na trabahong paglagda sa financial statement ng kompanya sa SEC at …

Read More »

P.105+M pasanin ng bawat Pinoy (Sa P11.64 trilyong utang ng Duterte admin)

Philippines money

MAY P105,818 utang ang bawat Filipino dahil pusupusan ang pangungutang ng administrasyong Duterte na umabot na sa P11.64 trilyon hanggang noong nakalipas na Agosto. Sa report ng Bureau of Treasury, pumalo na sa bagong record high na P11.64 trilyon ang utang ng national government noong Agosto 2021. Batay sa ulat, nadagdagan ng P32.05 bilyon ang utang ng Filipinas sa loob …

Read More »

Robredo para 2022 presidente (Endoso ng 1Sambayan)

100121 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO NANAWAGAN si Vice President Leni Robredo sa publiko na samahan siyang magdasal para makapagpasya kung tatanggapin ang nominasyon sa kanya bilang 2022 presidential bet ng opposition coalition 1Sambayan. “Mabigat ang hinihiling sa isang pangulo. Maraming responsibilidad at obligasyon ang dala nito — buhay at kinabukasan ng Filipino ang nakataya. Ang desisyon sa pagtakbo, hindi puwedeng nakabase sa …

Read More »

Bullying sa PTV-4 employees, suweldo barya lang kompara sa top honchos (GM sinabon sa Senado)

PTV4, PCOO, IBC13

BULABUGINni Jerry Yap GUMAAN kahit paano ang loob ng inyong lingkod nang mabasa natin sa balita na binubusisi ng Senado ang nagaganap na bullying sa People’s Television Network (PTV4), na may isang kaso pa nga na nag-suicide ang isang batang empleyado.         Bukod sa bullying, ang tila walang pakialam na management ng PTV4 sa kalagayan ng mga empleyadong matagal nang …

Read More »

LGU official nagwala nang maaktohan si mister at chikababe sa isang gov’t office

office lady angry woman

BULABUGINni Jerry Yap HINDI natin akalain na grabe palang mag-alboroto ang isang lady local government unit (LGU) official lalo kung pag-uusapan ang pagiging ‘chick boy’ ng kanyang mister, na nagkataong isang opisyal din sa isang lokal na pamahalaan sa kabiserang rehiyon.         Actually, hindi lang silang dalawa ni mister, pati ang ilan nilang kaanak o kapamilya ay nasa LGU rin …

Read More »

19 Ateneo priests, seminarians, positibo sa Covid-19

Covid-19 positive

AABOT sa 19 na mga pari at seminarista ang nagpositibo sa CoVid-19 sa Ateneo Jesuit Residences sa Quezon City. Ayon kay Jesuit Communications executive director Rev. Father Emmanuel “Nono” Alfonso, agad na isinailalim sa lockdown ang apat sa Jesuit residences dahil sa CoVid-19 outbreak. “Nineteen people at the Ateneo Jesuit Residence in Quezon City have tested positive for the coronavirus …

Read More »

Mayroon ba talagang PSA Philippine Identification System (PSA PhilSys)? (P3.52-B additional budget for 2021 nasaan?)

PSA, PhilSys, money

BULABUGINni Jerry Yap STATISTICIAN at IT experts ba talaga ang kinuha ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa proyektong Philippine Identification System (PhilSys) o mga eksperto sa pagtambay sa mga mall at coffee shops?!         Itinatanong po natin ito, dahil isa tayo sa mga biktima ng mga ‘arkitekto’ o ‘yung magagaling mag-drawing diyan sa PSA PhilSys.         Ang Step 1 …

Read More »

2019 SEAG cauldron ‘di ginastusan maski isang kusing ng gobyerno

SEA Games cauldron

BULABUGINni Jerry Yap NOW, it can be told. Kahit isang singkong duling pala ay walang ginastos ang ating gobyerno sa pagpapagawa ng cauldron para sa Southeast Asian Games o SEAG noong Disyembre 2019 at naging overall champion ang Filipinas. “ We won as one,” ‘ika nga. Pribadong sector pala ang gumastos sa pagpapatayo ng SEAG cauldron na nagkakahalaga ng P50 …

Read More »

‘Go signal’ sa gen pop vaccination inilarga ni Digong

Rodrigo Duterte, Covid-19 Vaccinie

BINIGYAN ng ‘go signal’ ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabakuna kontra CoVid-19 sa general population simula Oktubre. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, magaganap ito dahil inaasahan ang pagdating sa bansa ng maraming supply ng bakuna sa mga susunod na araw. “Ang good news, inaprobahan ni Presidente ang pagbabakuna ng general population simula po sa buwan ng Oktubre,” ani Roque …

Read More »

Duterte binutata ni Duque (Sa face shield expiration)

092921 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO SINOPLA ni Health Secretary Francisco Duque ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi napapaso ang face shield dahil plastic ito. Ang pahayag ni Pangulong Duterte ay bilang pagkontra sa sinabi ng isang dating warehouse staff ng Pharmally Pharmaceuticals Corporation sa Senate Blue Ribbon Committee na inutusan silang palitan ang expiry date ng face shield na gawing …

Read More »

Vax card sa leeg ng vaccinated ‘umaalagwang’ gimik ni USec. Diño

Martin Diño, Covid-19 vaccine card

BULABUGINni Jerry Yap ILANG gimik pa kaya ang ‘uubusin’ nitong mga ‘unipormadong utak’ ng mga opisyal ng Duterte administration bago matapos ang kanilang termino?         Gaya nitong si Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, na gustong ipasabit sa leeg ang vax card ng mga vaccinated.         Ano ang ultimong rason bakit kailangan …

Read More »

Idol Raffy hindi tatakbong VP

Raffy Tulfo

MARIING pinabulaanan ng broadcaster at sikat na vlogger na si Raffy “Idol” Tulfo ang mga kumakalat na balita na tatakbo siyang bise presidente sa 2022 elections at sinabing mataas ang kanyang respeto kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Raffy, may mga politiko, hindi niya pinangalanan, ang nag-alok sa kanya upang maging bise presidente nila sa eleksiyon, ngunit kaniya itong tinanggihan …

Read More »

Mga kritiko, sablay: Pribadong sektor nagbayad ng SEA Games cauldron

SEA Games cauldron

ANG P50-million cauldron na ginamit noong 2019 Southeast Asian Games (SEA) ay binayaran ng pribadong sektor at hindi ng gobyerno. Ito ang iginiit ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa isang panayam kay television host Boy Abunda nitong Sabado, 25 Setyembre. “People will be surprised because the government didn’t spend a single cent on it. Because the private sector paid …

Read More »

PCOO 2022 budget posibleng mabasted sa Senado

PCOO, Senate, Money

MALAKI ang posisbilidad na hindi makalusot sa senado ang kabuuang P1.9 bilyong panukalang budget para sa 2022 ng Presidential Communication Operations Office (PCOO) o kaya ay tapyasan dahil sa mga isyung kinahaharap. Sa pagdinig ng Senate Sub-Committee on Finance na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon mariin nitong kinuwestiyon ang pagkakaroon ng 1,479 contract of service (COS) workers. Nagtataka rin si …

Read More »

Andanar ‘kinastigo’ sa nilikhang PCOO ‘Social Media Office’

Martin Andanar, PCOO, Social Media Office

BUKOD sa kuwestiyonableng pagkuha ng mga empleyado sa ilalim ng contractual system, binubusisi ngayon ng senado kung anong kapangyarihan ang pinagbatayan ni Presidential Communication Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa paglikha ng isang tanggapn na tinawag niyang ‘Social Media Office.’ Ayon kay Senate Minority Franklin Drilon, maituturing na walang legal na basehan at walang kapangyarihan si PCOO Secretary Andanar …

Read More »