Thursday , June 4 2026
Bulacan

Negosyante  sabit
EX-KONSI NG BAYAN, EX-KAP INASUNTO 
Rape, 5 bilang ng cyberlibel inihain

SINAMPAHAN ng kasong rape at limang bilang ng cyberlibel ang isang dating konsehal ng bayan na nanungkulan din bilang barangay chairman, kinilalang si Melvin Santos, residente sa Barangay Camias, San Miguel, Bulacan, sa Provincial Prosecutor’s Office, kamakalawa.

Habang 12 kaso ng cyberlibel ang inihain laban sa negosyanteng si Mary Grace De Leon, residente sa Guillerma Subdivision, Brgy. Sta.Ritang Matanda ng pareho ding bayan.

Ang kasong rape ay isinampa sa piskalya nitong 16 Disyembre 2023 ng isang 21-anyos na lalaki na isang alyas Roy, dating tauhan ni Santos sa kanyang punerarya.

Sa salaysay ng biktima, sinabi niyang 16 anyos  pa lamang siya noong naganap ang panghahalay sa kanya ni Santos, na may pananakot sa pamamagitan ng baril.

Matapos ang panghahalay ay nagbanta umano si Santos  na kapag nagsumbong siya ay ipakukulong siya pati ang kanyang pamilya.

Bukod kay ‘Roy’ ay dalawa pang kalalakihan sa bayan ng San Miguel ang sinabing magsasampa ng kasong rape laban kay Santos ano mang oras.

Samantala, naghain  si San Miguel Mayor Roderick Tiongson ng kasong limang bilang  ng cyber libel laban kay Santos at 12 bilang ng kagayang kaso laban kay De Leon nitong 11 Enero 2024 sa piskalya sa Bulacan.

Wala pang pahayag ang kampo ni Santos gayondin ang  negosyanteng si De Leon.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …