Tuesday , November 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isinusulong na Cha-cha, Peso initiative not peoples initiative — Senador

012524 Hataw Frontpage

NANINIWALA si Senador Sherwin Gatchalian na hindi maaring tawagin pang Peoples Initiative kundi Pera initiative na ito ay dahil kapalit ng paglagda ng taong bayan ay may kapalit na halaga.

Ayon kay Gatchalian batay sa impormasyong kanyang nakalap sa bawat pirma ng isang tao ay mayroong kapalit na isang daan o dalawang daang piso.

Kung kaya’t maituturing na hindi na talaga ito ang malayang kaisipan at desisyun ng taong bayan ukol sa pagbabago ng Konstitusyon o Saligang Batas.

Binigyang-linaw  ni Gatchalian na kung kaya’t hindi suportado ng senado ang naturang panukala na paraan ng pagbabago ng konstitusyon ay dahil na din tinanggalan ng kapangyarihan ang senado na kung saan aniya ay nawawalan ng check and balance.

Aminado si Gatchalian na kung igigiit ang naturang panaukala ay tiyak na magkakaroon ng political crisis.

At sa sandaling mangyari ito ay tinukoy ini Gatchalian na maapektuhan ang trabaho ng kongreso na magpasa ng mga panukalang batas lalo na ang mga priority measures.

Bukod dito maging ang pagtalakay sa national budget para sa taong 2025 ay maaapektuhan din dahil sa hiwalay na opinyon ng liderato ng senado at mababang kapulungan ng kongreso.

Kung kaya’t naniniwala si Gatchalian na mahalaga ang magiging boses at papel ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para mapagkaisa ang dalawang kapulungan ng kongreso ang matuldukan na ang usapin ukol sa pagbabago ng konstitusyon.

Inamin din ni Gatchalian na kasalukuyan na ding pinag-aaralan ng senado ang lahat ng posibleng hakbangin upang mapigilan at matutulan ang isinusulong na PI.

Suportado din ni Gatchalian ang anumang imbestigasyong gagawin ng senado lalo na ini Senadora Imee Marcos ukol sa PI.

Binigyang-diiin ini Gatchalian na aalamin niya sa grupong PIRMA kung sino ang nasa likod nila o nagpopondo sa kanila sa pagsusulong ng PI gayong isa naman silang Non-Government Organization (NGO).  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Araneta City Holiday Mall Hours, and Christmas Activities

Araneta City Holiday Mall Hours, and Christmas Activities

Araneta City officially welcomed the holiday season with the lighting of its iconic giant Christmas …

NU LADY BULLDOGS, KAMPEON NG SSL 2025 PRESEASON

NU LADY BULLDOGS, KAMPEON NG SSL 2025 PRESEASON!
Nag-4-Peat Matapos Manaig sa UST Golden Tigresses sa Epic 5-Setter Finals

HISTORIC SWEEP: National University (NU) Lady Bulldogs, walang-talong inangkin ang ikaapat na sunod na Shakey’s …

FPJ Youth 4000 biktima bagyong Uwan

Sa kanilang 2-relief drive
FPJ Youth namahagi ng mainit na pagkain sa 4,000 biktima ng bagyong Uwan

NAGHATID ang FPJ Youth ng mainit na pagkain sa mahigit 4,000 indibiduwal sa walong probinsiya …

DOST DICT FMOGH

Cybersecurity Essentials Workshop for First Misamis Oriental General Hospital

#YourDICTRegionX continues to champion a cyber-secure Northern Mindanao! On October 16, 2025, the DICT Region …

DOST RIC Citronella

Citronella Convention Culminates with a Call for Collaboration and Action

LAL-LO, CAGAYAN — The 1st Regional Citronella Convention held in Lal-lo, Cagayan concluded on a …